014

2.6K 133 42
                                    

- today 4:01 pm -

Baekhyun: DO KYUNGSOO

Baekhyun: Kyungsoo

Baekhyun: Dodo

Baekhyun: HOY

Baekhyun: Itlog

Kyungsoo: Putangina mo sagad Byun Baekhyun

Baekhyun: Sure ka ba sa Byun

Kyungsoo: EDI IKAW NA KASAL PUTA KA.

Kyungsoo: Ano ba kailangan mo

Kyungsoo: At iniistorbo mo ako

Baekhyun: TURUAN MO AKONG MAGLUTO NG ADOBO DALI

Kyungsoo: Ok

Baekhyun: YEY

Baekhyun: Game na

Kyungsoo: Una, kuha ka ng kawali

Baekhyun: OKAY WAIT

Baekhyun: Okay na. Sunod?

Kyungsoo: Tapos pukpok mo sa ulo mo

Baekhyun: TANGINA MO

Baekhyun: 'YUNG SERYOSO KASI

Kyungsoo: HAHAHAHAHAHAHAHAHA

Kyungsoo: Hay nako nanonood ako ng bardagulan e bwisit naman to

Kyungsoo: Dalian mo na

Kyungsoo: Isang beses ko lang ituturo sayo kaya makinig ka

Baekhyun: OK PO SIR

Kyungsoo: Tawagan mo ko

Baekhyun: WAIT

-

Makalipas ang ilang minuto ng pagpapaturo ni Baekhyun kay Kyungsoo ay nakapagluto na rin siya ng adobo. Hindi man kasing sarap ng luto ni Kyungsoo ang gawa niya pero katanggap-tanggap naman sa panlasa.

Bakit nga ba siya nagluto?

Dahil kay Chanyeol.

Nakonsensya siya sobra dahil sa mga binitawan niyang salita rito kanina nang hindi nalalaman na wala naman pala itong ibang ginawa kundi ang ipagtanggol siya.

Wala na siyang maisip na ibang paraan para makipag-ayos kaya naman nagsumikap talaga siyang magluto kahit na hindi siya marunong. Naisip niya kasi na ang awkward naman kung basta-basta nalang siya magsosorry kay Chanyeol tapos balik sa normal ulit silang dalawa.

"Chanyeol?" Matapos huminga nang malalim, tinawag niya na ang pangalan nito, "Chanyeol, labas na dyan."

Napabuntong-hininga si Baekhyun noong wala pa rin siyang naririnig na kahit anong ingay mula rito. Hindi niya na alam kung ano pa bang gagawin niya.

"Chanyeol!" Tawag niya muli bago tatlong beses na kumatok sa pinto. Wala pa rin itong sagot.

Inis na ginulo ni Baekhyun ang buhok niya dahil hindi niya na talaga alam kung ano ang gagawin. Napakamot siya sa kanyang batok dahil wala na siyang maisip na iba pang paraan para mapalabas si Chanyeol mula sa kwarto nito.

Bahagya siyang napaurong at doon niya biglang naramdaman ang pananakit ng likod niya.

"Ang sakit na ng likod kooo." Sabi ni Baekhyun sa sarili niya habang hinihilot ang kanyang likod. Kanina pa kasi siyang nakatayo at nakayuko kaya siguro nangalay 'yung likod niya.

Ilang segundo matapos 'yon ay narinig niya ang pagbukas ng pinto- na kanyang ikinagulat naman.

"Ano ba kasing pinaggagagawa mo?" Naiiritang tanong ng kalalabas lang sa kwarto na si Chanyeol.

Hindi agad nakapagsalita si Baekhyun kasi bigla siyang natameme. Hindi niya kasi inaasahan na lalabas si Chanyeol kaya ayan, nalunok bigla ang dila.

Hinila siya ni Chanyeol paupo sa sofa, "Sumandal ka dyan. Kung ano-ano kasing pinaggagagawa mo." Sabi nito at binuksan ang tv para makapanood si Baekhyun.

"Nagluto ako." Mahinang sabi ni Baekhyun.

Agad namang tiningnan ni Chanyeol ang kusina, nicheck kung wala bang nasunog.

"Grabe siya." Bulong ni Baekhyun matapos niyang makita kung ano ang reaksyon ni Chanyeol.

"Kumain ka na dyan kung gutom ka. Kaninang tanghali ka pa ata walang kain." Sabi ni Baekhyun, muling tumayo para sana ipaghain si Chanyeol, "Nagpaturo ako kanina kay Kyungsoo kaya maayos naman 'yung kinalabasan niyang luto ko. Kumain ka na." Utos pa niya habang nagsasandok ng kanin.

Napataas naman ang kilay ni Chanyeol, "Para saan?" Tanong niya pero hindi siya sinagot ni Baekhyun. Patuloy lang ito sa ginagawa niya.

Naparolyo naman ang mga mata ni Chanyeol dahil sa hindi pagsagot ni Baekhyun, "Umupo ka na lang dyan. Ako nang bahala magsandok." Sabi niya sabay hila kay Baekhyun paupo.

Nabalot na naman sila ng katahimikan pagkatapos non. Tanging paglapat lang ng kutsara't tinidor sa pinggan ang tanging maririnig ngayon.

"Hoy..." Mahinang tawag ni Baekhyun kay Chanyeol kaya napalingon ito sakanya.

"Oh?"

"Pasensya na sa pinagsasasabi ko kanina." Mahinang sabi ni Baekhyun, hindi tinatapunan ng tingin 'yung isa.

Natigilan sandali si Chanyeol pero nagpatuloy na lang siyang kumain. Ganon din si Baekhyun.

"Masarap."

Muling napaangat ang tingin ni Baekhyun nung nagsalita si Chanyeol, "Ha?" Taas kilay na tanong niya.

"Luto mo."

Ilang segundong napatitig si Baekhyun kay Chanyeol bago kumurba paitaas ang magkabilang gilid ng labi niya.

Naramdaman niya na naman 'yung init na kumakalat sa kanyang dibdib. Hindi niya mawari kung ano ba 'yon. Basta ang alam niya, halos pwede na siyang mabingi sa lakas ng tibok ng puso niya.

DADDY YEOL | on-holdUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum