031

1.8K 100 25
                                    

"S-Sehun?"

Hindi naman nakaimik agad si Sehun dahil din siguro sa pagkagulat. Kitang-kita niya rin kung paano natigilan si Baekhyun nung mga sandaling nakita na siya nito.

"Condo 'to ni Jaehyun, hindi ba?" Nagtatakang tanong ni Sehun kay Baekhyun, "Kukunin ko sana 'yung habilin."

"Ano?" Balik tanong niya rito. Bigla niyang naalala ang dala-dalang paper bag ni Chanyeol noong bumalik ito at kumuha ng pamalit. Naalala niyang mayroon nga palang hinabilin dito— pero ba't si Sehun ang kumukuha? "Eh hindi ba kay Minseok 'yon?" Sabi pa ni Baekhyun.

Pinipilit niya talaga ang kanyang sarili na makipag-usap nang maayos kahit na halos mabingi na siya sa tibok ng puso niya. Bukod sa posibilidad na makita ni Sshun na buntis siya, natatakot din siya na malaman ni Sehun na dito rin nakatira si Chanyeol. Naalala niya kasi na hindi rin maganda ang pagkikita nila noong nakaraan dahil sa pagsasagutan ng mga ito sa cafeteria ng uni nila.

"Sa akin 'yon." Sagot naman ni Sehun. Nagsisimula na rin siyang magtaka dahil napansin niya na nagtatago pa rin si Baekhyun doon sa likod ng pinto. Naiisip niya na siguro nahihiya pa rin itong makita siya.

Pero kung nararamdaman niya ang pag-uusapan, hindi niya 'yon maipapaliwanag. Hindi dahil hindi niya alam, kundi dahil samu't-saring emosyon ang nararamdaman niya ngayon, at hindi niya na talaga matukoy kung ano ang pinakanangingibabaw sa mga ito. Saya? Lungkot? Galit? Sama ng loob? Selos? Hindi niya alam.

Saya dahil nakita niya na ulit si Baekhyun, lungkot at sama ng loob dahil pakiramdam niya'y 'di pa rin sapat lahat ng efforts niya noon para dito, at galit saka sama ng loob dahil nandito si Baekhyun ngayon sa condo ni Jaehyun.

"S-Sandali lang ha. Kukuhani—"

"Anong ginagawa mo dito?"

Pareho silang napalingon sa likuran ni Baekhyun noong narinig nila ang boses ni Chanyeol. "Chanyeol!" Tawag ni Baekhyun sakanya.

Lahat ng emosyon ni Sehun ay nawala na parang isang bula at napalitan lang ng matinding pagkainis. Doon na niya napatunayan na nagsasabi nga ito ng totoo noon.

Totoo nga na may namamagitan sakanila ni Baekhyun.

Nagsimula na rin kasi siyang magtaka noong nakita niya si Baekhyun dito sa condo na pinaniniwalaan niyang kay Jaehyun naman. Naisip niya kung ano ba 'yung pinagmamayabang ni Chanyeol nung araw na nagkasagutan sila kung ito namang si Baekhyun ay nasa condo ni Jaehyun.

"S-Sehun, pwede ko ba munang saraduhan 'tong pinto? Kukuhanin ko lang 'yung paper bag mo." Sabi naman ni Baekhyun, parang gumagawa ng paraan para hindi nila makita ni Chanyeol ang isa't-isa.

"Ano ginagawa ng kupal na 'yan dito?" Kinig niyang tanong ni Chanyeol habang nakatingin pa rin sakanya. Hindi naman niya naiwasang 'di mapatawa na parang nanunuya kaya mas lalong nairita si Chanyeol.

"May sasabihin ka pa? Lumapit ka rito." Hamon naman ni Sehun, nang-aamok din talaga ng away.

Lalapit na sana si Chanyeol noong bigla naman siyang nilapitan ni Baekhyun, "Chanyeol, ano ba?!" Sigaw ni Baekhyun sakanya bago siya bahagyang iniurong.

Magsasalita pa lang sana ulit si Sehun nang bigla niyang makita ang kabuuan ni Baekhyun nung nilapitan na nito si Chanyeol para awatin. Sa mga sandaling 'yon ay daig pa ni Sehun ang isang bato dahil literal na natigilan siya doon sa kinatatayuan niya.

"Baekhyun," Mahinang tawag ni Sehun kay Baekhyun, "Buntis ka?" Gaya niya, natigilan na rin ang dalawa.

Nanikip ang dibdib ni Baekhyun kasabay ng pagbilis pa lalo ng pintig ng kanyang puso. Pakiramdam din niya'y dumoble na ang lamig ng kanyang katawan ngayon.

Sa pagkataranta niya kaninang awatin si Chanyeol, hindi niya na naisip na makikita ni Sehun ang tiyan niya. Pilit pa man din niya itong itinago kanina sa pamamagitan ng pagtatago sa likuran ng pinto.

Naramdaman ni Chanyeol ang panginginig ng kamay ni Baekhyun na nakahawak sa braso niya ngayon kaya siya ay napabuntong-hininga. "Ano naman sayo kung buntis nga?" Baling niya ulit kay Sehun na mukhang wala na ang atensyon sakanya dahil nalipat na kay Baekhyun.

Inilagay ni Chanyeol ang isa niyang braso sa bewang ni Baekhyun dahilan ng pagsubsob nito nang mahina doon sa kanyang dibdib. Nakatalikod kasi si Baekhyun mula kay Sehun ngayon dahil nga inaawat siya nito kanina.

"Sayo ba?" Napalingong muli si Chanyeol kay Sehun noong nagsalita na ulit ito.

Sa pagkakaintindi naman niya ay mukhang itinatanong nito kung sakanya ba ang dinadala ni Baekhyun.

"May problema ka ba kung oo?"

"Hah." Kahit nakangisi, bakas na bakas pa rin sa mukha ni Sehun na nasasaktan ito, "Kaya pala." Sabi pa nito at tiningnan muli ang dalawa. Gusto niyang tanggalin ang braso ni Chanyeol na ngayong nakayakap sa bewang ni Baekhyun. Naiirita siya. Naiirita siya sobra.

Naparolyo ang mata ni Chanyeol bago niya kinuha ang hinabiling paper bag ni Minseok sakanya. Saglit muna niyang iniupo si Baekhyun sa sofa bago lumapit doon kay Sehun na mukhang nagtitimpi.

Iniabot ni Chanyeol ang paper bag kay Sehun at walang imik naman 'yong kinuha ni Sehun mula sakanya.

"Subukan mong mag-ingay tungkol dito," Muli siyang napatingin kay Chanyeol na ang tulis ng tingin sa mga mata niya, "Makikita mo talaga ang hinahanap mo."

Hindi na nagsalita pa si Sehun at gumanti na lang siya ng tingin kay Chanyeol. Pigil na pigil niya lang talaga ang sarili niyang ambahan ito ng suntok ngayon dahil nakita niyang mukhang natakot si Baekhyun sakanila kanina.

"Umalis ka na." Huli niyang narinig bago ang isang malakas na pagsara ng pinto sa harapan niya.

DADDY YEOL | on-holdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon