049

1.5K 111 270
                                    

"Hay nako, Baek! Wala naman akong pakialam talaga. Makipaglandian siya maghapon at magdamag, walang pumipigil sa kanya!" Sabi ni Kyungsoo saka umirap.

"Okay lang sayo?" Parang nang-aasar pa na tanong ni Baekhyun kaya sinamaan siya ng tingin nito.

"Oo!" Pagalit na sagot nito.

Gustong tumawa ni Baekhyun pero mahal niya pa ang buhay niya kaya pinigilan niya lang 'yon, "Eh bakit ka galit na galit?" Asar pa niya.

"Sino bang hindi magagalit dun? Sa harapan ko kaya mismo naglalandian!" Irap ni Kyungsoo.

"So gusto mo patalikod?"

"Tangina mo talaga baka ikaw pa ang malibing ko nang buhay."

Tumawa si Baekhyun at sandaling napatingin sa orasan, "Ay hoy, susunduin ka ba ni Jongin?" Tanong niya.

Umirap si Kyungsoo, "Hindi, ang alam non dumaretso na 'ko sa bahay kanina." Sagot niya at napalingon din sa orasan, "Hala gagi! Alas otso na pala?!" Pansin niya sa oras at bigla nang tumayo saka nag-ayos ng sarili.

"Ikaw ang ayis na?" Malungkot na tanong ni Jesper. Nanonood kasi siya ng tv kanina kaya tahimik.

"Oo eh. Bibisitahin na lang ulit kita kapag maaga ulit ang tapos ko sa trabaho, okay?" Sabi ni Kyungsoo kay Jesper sabay halik sa pisngi nito.

"Ikaw daya candy?" Tanong ulit ni Jesper matapos niya ring humalik sa pisngi ni Kyungsoo.

"Oo naman." Sagot ni Kyungsoo sakanya.

Inihatid ni Baekhyun at Jesper si Kyungsoo sa labas at saka lang ulit pumasok sa loob nung nakaalis na ito.

"Inaantok na ba ang bebe ko?" Tanong ni Baekhyun kay Jesper.

"Antay ang Dy..."

"Pero 8:20 na oh, anak. Kailangan mo nang matulog." Malumanay na sabi ni Baekhyun. Inaantok na rin naman si Jesper kaya hindi na lang ito nag-alburuto.

Pinatulog na muna ni Baekhyun si Jesper sa itaas bago ulit bumaba para hintayin si Chanyeol. Nahiga siya sa sofa at sinubukang tawagan si Chanyeol.

Nakailang tawag na siya pero pinapatay lang nito 'yon.

"Busy siguro." Sabi ni Baekhyun sa sarili niya. Pinipilit niyang hindi na lang muna isipin masyado kaso 'di niya talaga mapigilang hindi malungkot.

May mga araw kasi dati na busy rin si Chanyeol pero palagi naman nitong sinasagot ang tawag niya. Hindi rin nito nalilimutang magsabi kapag magiging busy ito at hindi makakauwi nang maaga.

Pero bakit ganito ngayon?

Nalungkot si Baekhyun.

"Hindi rin siya nagpasend ng picture ni Jesper." Bulong niya pa sa sarili niya.

Naalimpungatan si Chanyeol sa hindi na pamilyar na amoy kaya napamulat ang mata niya. Napakunot ang kanyang noo sa bumungad sa kanya.

Ano 'to?

Walang pagdadalawang-isip na inalis ni Chanyeol ang braso ni Jinah na nakayakap sa kanya. Tumayo siya sa pagkakahiga niya kaya naalimpungatan din si Jinah at nagising na rin.

DADDY YEOL | on-holdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon