013

2.4K 141 83
                                    

"Bakit, Baekhyun? Hindi ba totoong akin ka na? Kasal na tayo, hindi ba?"

Kumalat ang init sa dibdib ni Baekhyun matapos bitawan ni Chanyeol ang mga salitang 'yon. Unang beses nitong sinabi ang bagay na 'yon. Nanibago siya't hindi niya alam kung ano bang dapat niyang maramdaman.

"Wala akong maintindihan. Ano bang nangyari? Paano kayo nagkapikunan? Anong dahilan?" Sunod-sunod namang tanong ni Baekhyun.

"Hindi ko alam sa hayop na 'yon." Sagot ni Chanyeol, salubong ang kilay.

"'Wag mo namang pagsalitaan ng ganyan 'yung tao." Mahinahong sabi ni Baekhyun na nakapagpakulo pa lalo sa dugo ni Chanyeol.

Kitang-kita na ang mga ugat sa kamay ni Chanyeol dahil sa sobrang pagkakayukom ng kanyang kamao. Naiirita siya sobra. Naiinis siya dahil parang siya pa 'yung mali.

Hindi na lang muna siya nagsalita.

Narinig niyang bumuntong-hininga si Baekhyun, "Ano bang pinagsimulan?" Tanong ulit nito. Gaya kanina, hindi ulit nagsalita si Chanyeol.

"Chanyeol."

"Wala." Mabilis na sagot ni Chanyeol saka minasahe ang kanyang sentido.

Nag-aalala lang naman si Baekhyun kung ano ba talaga ang nangyari. Una sa lahat ay hindi naman magkakilala ang dalawa tapos isang araw malalaman niya nalang na nagkaroon ang mga ito ng alitan.

"Ano na naman bang ginawa mo?" At doon natigilan si Chanyeol.

Daretso siyang tumingin kay Baekhyun, salubong ang mga kilay at nakakunot ang noo, "Ano kamo? Ano na naman bang ginawa ko?" 'Di makapaniwalang tanong niya kay Baekhyun. "Bakit parang ako pa 'yung may kasalanan? Bakit parang pinaparating mo na ako na naman 'yung masama?" Mabilis na pagkakatanong ni Chanyeol at mahahalata mong galit ito dahil sa tono ng kanyang pananalita- na ikinagulat naman ni Baekhyun.

"Hindi sa gano-"

"Sabagay, naging manliligaw mo 'yon, hindi ba? Hah. Hindi na pala kataka-takang panay tanggol ka sa kupal na 'yon." Huling sinabi ni Chanyeol bago pumasok sa loob ng kwarto niya- padabog na isinara ang pinto nito.

Walang binatbat ang lakas ng pagkakasara ng pintong 'yon sa tibok ng puso ni Baekhyun ngayon. Nabato siya sa kinatatayuan niya habang nakatingin pa rin sa kaninang inuupuan ni Chanyeol.

Ginalit ko na naman...

- today 2:31 pm -

Baekhyun: Hello?

Baekhyun: Jaehyun?

- today 3:16 pm -

Jaehyun: Uy napachat ka

Jaehyun: Bakit?

Jaehyun: Nakauwi na ba si Yeol?

Baekhyun: Oo, kanina pa.

Baekhyun: May itatanong lang sana ako.

Baekhyun: Itatanong ko lang sana kung anong nangyari kanina. Magkasama kayo, tama?

Jaehyun: Oo eh.

DADDY YEOL | on-holdWhere stories live. Discover now