029

1.6K 81 19
                                    

"Kuya, nasaan 'yung paper bag ko?" Napalingon naman si Minseok at agad na napatakip sa kanyang bibig.

"Ay!" Sabi niya, "Pinahabilin ko muna don sa isa kong tropa. May pinuntahan kasi ako kahapon tapos akala ko hindi ako makakauwi ngayon. Sensya na." Dugtong pa niya bago napakamot sa kanyang batok.

"Ayos lang."

"Kailangan mo na ba 'yon ngayon?" Tanong ni Minseok saka kinuha ang cellphone niya.

"Oo sana."

"Sige, kukuhanin ko." Sabi ni Minseok, "Tatapusin ko lang 'tong report ko." Sabi pa niya saka itinuon na ang atensyon doon sa kanyang ginagawa.

"Ako na lang ang kukuha. Sabihin mo na lang doon sa tropa mo na dadaan ako sakanila." Napalingon naman sakanya si Minseok, "Anong address ba?"

At sa pangalawang pagkakataon ay napakamot sa batok  si Minseok, "Pasensya na talaga ah. Itatanong ko muna don sa tropa ko kung anong address niya. Send ko sayo mamaya kapag nakuha ko na." Sabi niya.

"Sinong tropa mo ba?"

"Si Jaehyun." Sagot sakanya ni Minseok. Napaisip naman siya bigla dahil pamilyar ang pangalan non. Narinig na ata niya kung saan.

"Sige." Tumango ito, "Pasabi mga 9:30 ko kukuhanin." Tumango nalang din si Minseok, "Aalis na ako."

"Ingat, Sehun."

DADDY YEOL | on-holdUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum