007

2.7K 137 53
                                    

Natulala si Yoora noong ipinakita pa ni Kyungsoo ang resulta ng check up ni Baekhyun. Malakas na napabuntong-hininga si Chanyeol at napahilamos sa kanyang palad.

Hindi makapagsalita si Yoora. Nanatili lang siyang nakatingin sa resultang ipinakita ni Kyungsoo.

"Park Chanyeol..." Mahinang tawag niya sa pangalan ng nakababatang kapatid.

"Tangina." Bulong ni Chanyeol at saka tinalikuran ang tatlo bago napasabunot sa kanyang buhok.

"Kailangan mo 'tong sabihin kay mama. Kailangan niya 'tong malaman." Sabi ni Yoora.

"'Wag muna!-"

"Ano 'yan?" Nabato silang apat sa kinatatayuan nila noong narinig nila ang boses ni Mrs. Park.

Mukha itong kagagaling lang sa trabaho. "Mama..." Tawag ni Yoora sa matandang babae.

Napabaling naman ang tingin ni Mrs. Park sa dalawang nakauniporme na nasa likuran ni Yoora.

"Ngayon ko lang yata kayo nakita. Anong pangalan ninyo?" Tanong ni Mrs. Park doon sa dalawa.

Napatayo naman si Baekhyun. "Ito si Kyungsoo tapos siya naman si Baekhyun." Mahinang pagpapakilala ni Yoora sa dalawa.

"Mhm. Kaibigan kayo ni Chanyeol?" Nakangiting tanong ni Mrs. Park.

Natahimik naman ang apat.

"A-Ah... mama?" Napalingon si Mrs. Park kay Yoora matapos siya nitong tawagin.

"Buntis si Baekhyun." Napakurap naman si Mrs. Park at hindi alam kung ano ang magiging reaksyon niya. "At si Chanyeol daw po ang... nakabuntis."

Ilang segundo silang nabalot ng katahimikan.

"Ano kamo?" Nagsalubong ang kilay ni Mrs. Park. "Si Baekhyun," Tumingin siya kay Baekhyun na ngayong nakatungo, "nabuntis ni Chanyeol?" Tumango si Yoora.

Napaawang ang labi ni Mrs. Park at agad namang tiningnan si Chanyeol na hindi makatingin sakanya.

"Park Chanyeol." Napapikit si Chanyeol noong tinawag siya ni Mrs. Park. "Mag-uusap tayo mamaya."

Muling ibinaling ni Mrs. Park ang tingin niya kay Baek at dahan-dahang lumapit dito saka maingat na hinawakan ang magkabilang kamay nito, "Hijo, ilang taon ka na?" Tanong niya sa binatang halos himatayin na sa takot.

"Twenty po."

"Ang bata mo pa." Mahinang sabi ni Mrs. Park kaya naman at napapikit nang mariin si Baekhyun, "Ang bata niyo pa."

"Pasensya na po." Nanginginig na paumanhin ni Baekhyun.

"Alam na ba ito ng magulang mo?" Tanong ulit ni Mrs. Park at dahan-dahang napa-iling si Baekhyun.

"Ako na ang kakausap sakanila. Isama mo ako sainyo sa isang araw." Nanlaki naman ang mga mata ni Baekhyun at agad na napa-iling.

"H-Hindi pa po ako handang sabihin kay mama..."

"Pasensya na, hijo." Nangingilid na ang luha sa mga mata ni Baekhyun, "Pero kailangan na nating ipaalam sakanila. Mas mahihirapan ka kung itatago mo pa."

Huminga nang malalim si Baekhyun at sinubukang pakalmahin ang sarili niya.

"S-Sige po."

-

Bente minutos na ang nakalipas simula noong umalis na si Baekhyun at Kyungsoo sa bahay ng mga Park. Inihatid sila ni Yoora.

"Chanyeol." Nanikip ang dibdib ni Chanyeol noong tinawag na siya ni Mrs. Park.

"Hindi mo ba alam kung ano itong pinasok mo?" Hindi siya makapagsalita. Nanatili lang siyang tahimik.

"Pinagbigyan kita doon sa isang taong hiningi mo sakin pagkatapos mong grumaduate. Ang sabi mo gusto mo munang magpahinga bago ka magtrabaho't pinagbigyan kita, Chanyeol."

Nanatili pa rin siyang walang imik.

"Tapos isang araw malalaman ko nalang na ito ka? Na nakabuntis ka? At hindi pa tapos mag-aral ang binuntis mo?"

Napailing si Mrs. Park, "Sobrang dismayado ako sayo, Chanyeol. Binigyan mo ako ng isa pang intindihin."

Gustong magsorry ni Chanyeol pero alam niyang mas magagalit pa si Mrs. Park doon. Alam niyang itatanong lang nito kung ano pa bang magagawa ng sorry niya.

"Ngayon, sa ayaw man o sa gusto niyo, ikakasal kayo. Hindi ako papayag na lalabas ang bata na hindi kayo kasal ni Baekhyun." Nagulat naman si Chanyeol sa sinabi ng kanyang ina.

"Mama naman!"

"Huwag mo 'kong maganyan-ganyan, Chanyeol. Hindi ba't ito ang napag-usapan natin noon? Na bago ka magkaroon ng anak e dapat kasal ka?"

"Mama naman! Hindi ko tatakasan 'yung responsibilidad ko don sa dinadala ni Baekhyun! Hindi ho ba pwedeng isantabi na lang 'yang kasal na 'yan? Hindi naman ho 'yan kailangan!"

Natigilan si Chanyeol nang makita ang galit na mukha ng kanyang ina. Hindi ito nagsasalita at sapat na ang ekspresyon ng mukha nito para matakot siya.

"'Wag mong kwestyunin ang desisyon ko dahil hindi naman ito mangyayari kung nagpakatino ka."

DADDY YEOL | on-holdWhere stories live. Discover now