010

2.6K 139 139
                                    

Sa inis ni Baekhyun ay natulak niya nang 'di gaanong malakas si Chanyeol na ikinagulat naman nito.

"Bakit mo ginawa 'yon?!" Pasigaw na tanong ni Baek habang sinasamaan ng tingin si Chanyeol.

Bumuntong-hininga na lang si Chanyeol at lumabas na sa kwarto, hindi sinagot ang tanong ni Baekhyun. Hindi niya rin kasi alam kung bakit niya ginawa 'yon.

"Chanyeol!" Pagtawag pa ni Baek sakanya.

Gaya kanina, hindi niya ulit pinansin si Baekhyun kaya mas lalong nag-init ang ulo nito.

Sa sobrang inis ni Baekhyun ay agad siyang nagpalit ng damit at tinext si Kyungsoo na pupunta siya sa bahay nila ngayon. Aalis siya sa ayaw at sa gusto ni Chanyeol.

Nang palabas na siya, naabutan niya namang nakatayo si Chanyeol doon sa may sofa. Mukhang nagulat dahil sa nakitang nakapang-alis siya ngayon.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Chanyeol pero si Baek naman ngayon ang hindi umimik. Daredaretso itong naglakad papunta sa pinto.

"Baekhyun!" Hinarang siya ni Chanyeol.

"Tumabi ka dyan." Mariin na utos ni Baekhyun.

Hindi alam ni Chanyeol kung bakit bigla na lang siyang napasunod dito. Gumalaw nang kusa ang katawan niya.

Bago pa man siya makabalik sa wisyo ay tuluyan nang nakaalis si Baekhyun. Mariin na lang siyang napapikit at malakas na napabuntong-hininga.

Naiinis siya.

"Tangina isa talagang sakit sa ulo." Bulong niya sa sarili bago napasapo sa kanyang noo.

-

- today 9:59 am -

Chanyeol: Umuwi ka na.

- today 10:36 am -

Chanyeol: Uwi na

- today 11:18 am -

Chanyeol: Hoy

Chanyeol: Uwi na sabi

- today 12:01 pm -

Chanyeol: Baekhyun isa pa

Chanyeol: Umuwi ka na sabi eh

- today 1:43 pm -

Chanyeol: BAEKHYUN

Baekhyun: Puta

Baekhyun: Kulit mo bwisit ka

Chanyeol: NASAAN KA BA

Baekhyun: Kyungsoo

Chanyeol: Saan 'yan? Kakaunin kita

Chanyeol: Reply

Chanyeol: Hindi ka na naman nagrereply

Baekhyun: Neknek mo

Chanyeol: Hindi ako nakikipagbiruan sayo

Baekhyun: Hindi rin ako nakikipagbiruan sayo

Baekhyun: Ang aga-aga pa pinapauwi mo na agad ako

Baekhyun: Hayaan mo naman akong makakita ng ibang mukha. Umay na umay na ko dyan sa mukha mo e

Chanyeol: Lintik ka

Chanyeol: Umuwi ka na

Chanyeol: Hoy

Baekhyun: Bakit mo ko inuutusan huh ikaw ba si Lord

Chanyeol: Isip bata ka talaga

Chanyeol: Umuwi ka na dito!

Chanyeol: Reply

Chanyeol: Bagal mo magreply

Baekhyun: Mayamaya nga

Chanyeol: Isa

Baekhyun: ITO NA TANGINA NAMAN DITO NAGMML PA KAMI NI KYUNGSOO E

Chanyeol: Bilisan mo

Chanyeol: Aabangan kita sa labas

Baekhyun: OO NA BWISIT KA.

Chanyeol: Ingat.

DADDY YEOL | on-holdWhere stories live. Discover now