048

1.6K 114 199
                                    

"Sehun, tutuloy na kami." Paalam ni Baekhyun at saka tumayo na sa pagkakaupo niya.

Napatayo rin si Sehun, "Agad?"

"Oo, kachat ko kasi si Kyungsoo ngayon ngayon lang e." Sagot niya, "Tatambay raw siya sa bahay namin."

Napatango na lang si Sehun, "Sige, ihahatid ko kayo." Sabi niya at agad nang pumanhik sa itaas para kuhanin ang susi ng kotse niya. Hindi na tuloy nakapagreact si Baekhyun.

Mamamasahe na lang sana kami...

Napakamot si Baekhyun sa kanyang batok. Iiwanan ko na lang siya ng pampagas mamaya para 'di naman masyado nakakahiya. Ibinaling na niya ang tingin niya kay Jesper, "Nak, uuwi na tayo." Tawag niya rito.

"Ayaw, papa." Nakangusong sagot naman ni Jesper.

"Uwi na Jesper?" Tanong ni Setharo habang nakatingin kay Jesper, "Kala ko tayo ang lalawo pa?" Malungkot namang sabi ni Sebastian.

Lumuhod naman si Baekhyun para makapantay ang mga ito, "Kailangan na kasi naming umuwi ni Jesper ngayon e." Malumanay na sabi niya sa kambal, "Pero 'wag kayo mag-alala kasi bibisita ulit si Jesper sainyo minsan, 'kay po ba?" Pagpapagaan niya pa sa loob ng mga ito.

Agad namang napangiti ang kambal at sabay pa ngang napapalakpak, "Yehey!" Masaya nilang sigaw.

"Kaya 'wag na kayong malungkot ha?" Malumanay pa rin na sabi ni Baekhyun.

"Opo, papa!" Sigaw ng mga bata.

Nabigla naman si Baekhyun. Papa?

"Ginaya lang siguro nila kung anong naririnig nilang tawag ni Jesper sayo."

Napalingon si Baekhyun sa likuran niya at nakita niya si Sehun na nakasandal sa may hagdan habang nakangiti sa kanila.

"Kanina ka pa dyan?" Tanong ni Baekhyun. Hindi siya sinagot ni Sehun at nanatali lang itong nakangiti.

Hindi maipaliwanag ang nararamdaman niya pero alam niyang pagkagaan ito. Habang pinanonood niya kung paano kausapin ni Baekhyun ang kambal, para bang nabawasan ang bigat na ilang taon na niyang diandala.

Ganito ba ang itsura ng pamilya natin ngayon kung sakin ka napunta?

Sobrang dami niyang naiisip ngayon pero mas pinili na lang niyang tumahimik dahil alam niyang kasal na ang taong nasa harapan niya ngayon. At kahit gaano pa siya kagalit sa asawa nito, pinili niya 'yong respetuhin.

"Tara na?" Aya ni Sehun.

Ngumiti rin si Baekhyun sa kanya, "Tara."

"Yeol, gusto mo bang dito na lang muna matulog? Gabi na rin kasi e. Madilim na ang daan." Tanong ni Jinah.

Napamulat naman si Chanyeol, "Hindi na. Marami pa akong gagawin." Nahihilong sagot niya.

Naramdaman niya na naman bigla ang malamig na baso sa kamay niya. Binigyan na naman siya ng alak ni Jinah.

Alam niya sa sarili niyang ayaw niya na itong inumin pero kusang gumagalaw ang katawan niya.

Ininom niya ang alak nang isang lunukan lang.

Napanguso naman si Jinah, "Please?" Pagpapaawa niya na naman, "Hindi mo ba ako namiss?" Tanong niya pa.

Baekhyun...

Tumawa lang si Chanyeol bago muling pumikit. Hindi niya na alam kung anong ginagawa niya.

Nahihilo siya at pakiramdam niya'y lumulutang siya sa ere. Hindi naman siya uminom nang marami pero hindi niya alam kung bakit talab na talab sa kanya ang alak.

Nakita ni Jinah na namumungay na ang mga mata ni Chanyeol, mukhang makakatulog na. "Yeol?"

"Ano?" Nakapikit na tanong ni Chanyeol.

"Mamaya ka naman matulog." Sabi ni Jinah, nakanguso. Inalog niya pa nang kaonti ang katawan ni Chanyeol para dumilat itong muli.

Ilang segundong tinitigan ni Jinah ang nakapikit nang si Chanyeol, "Yeol, pwede mo bang itaas 'yung kaliwang kamay mo?" Tanong niya rito.

Napakunot naman ang noo ni Chanyeol habang nakapikit pa rin pero ginawa niya pa rin ang sinabi ni Jinah. Itinaas niya ang kaliwang kamay niya.

Doon napangiti si Jinah.

"Yeol, pwede mo ba akong yakapin?" Tanong niya ulit dito at bahagya naman itong napamulat.

Yakap?

Pero kailangan ko nang umuwi...

Kusang gumalaw ang katawan ni Chanyeol at niyakap si Jinah. Ang kanyang isip ay nakatuon lamang sa mga salitang gusto niya nang umuwi, at wala siyang kahit na anong ideya kung ano ang ginagawa ng katawan niya.

Ngumiti naman ulit si Jinah bago yumakap pabalik kay Chanyeol. Naglaho na lang nang parang bula ang lamig na kanina'y nararamdaman niya. Hindi niya alam kung dahil ba sa alak o dahil sa yakap ni Chanyeol.

"Baek..."

Naglaho bigla ang ngiti sa labi ni Jinah noong mayroong binanggit na ibang pangalan ang lalaking nakayakap sa kanya ngayon.

"Bakit iba ata amoy ng buhok mo ngayon?" Pagsasalita pa ni Chanyeol. Naging ngarag ang boses nito dahil sa pagkalasing.

Tuluyan nang naglaho ang ngiti ni Jinah. Hindi siya natuwa na mayroong ibang binanggit na pangalan si Chanyeol habang yakap-yakap siya ngayon.

Alam niyang lasing na lasing si Chanyeol para makapag-isip nang tuwid pero naiinis pa rin talaga siya.

Tumingala siya at saktong napatingin siya sa leeg nito.

At sa hindi na mabilang na pagkakataon, napangisi siya.

DADDY YEOL | on-holdOnde as histórias ganham vida. Descobre agora