024

2K 100 33
                                    

Alas sais ulit gumising si Chanyeol dahil may gagawin ulit siya ngayon. Gusto niyang matapos agad kaya niya napagpasyahang magsimula nang maaga.

Pagkatapos niyang maligo ay pinaghanda na niya muna ng umagahan si Baekhyun bago siya nag-ayos ng sarili.

Tumingin siya sa orasan at nakitang alas sais y medya na kaya napagpasyahan niyang gisingin na si Baekhyun.

Dahan-dahan siyang pumasok sa loob ng kwarto nito at agad na sinilip ang natutulog na si Baekhyun, "Baek?" Pagtawag niya sa pangalan nito pero hindi ito gumalaw.

Tatawagin niya na sana ulit ito nang bigla naman siyang natigilan dahil napansin niyang medyo namumugto ang mga mata nito. "Baekhyun." Pagbanggit niyang muli sa pangalan nito bago ito pinagkukukulbit.

"Anooo?" Bakas ang pagkairita sa mukha ni Baekhyun.

"Bangon ka na," Sabi ni Chanyeol, "Aalis na 'ko."

Napamulat naman si Baekhyun noong narinig niya ang huling sinabi ni Chanyeol.

"Saan ka pupunta?" Tanong niya rito.

"Office."

Bigla ulit sumagi sa isip ni Baekhyun 'yung nakita niya doon sa cellphone nito kagabi.

"Ah sige." Walang kagana-ganang sabi niya.

"May pagkain na don. Kumain ka na." Utos ni Chanyeol saka tumayo.

Maglalakad na sana siya palabas nang bigla niyang maramdaman na may nakahawak sa laylayan ng suot niyang pang-itaas. Paglingon niya ay nakita niyang nakatingin si Baekhyun sakanya.

"Bakit?"

Tatlong segundo silang nagkatinginan matapos niyang magtanong at bigla na lang umiwas ng tingin si Baekhyun kasabay ng pagbitaw nito sa laylayan ng damit niya.

"Wala." Mahinang sabi ni Baekhyun, "Ingat."

Bakit parang may mali?

DADDY YEOL | on-holdOnde as histórias ganham vida. Descobre agora