037

2K 101 136
                                    

"Pero paano mo nalaman?" Kunot-noong tanong naman ni Chanyeol dahilan ng pag-awang ng labi ni Baekhyun.

Napatakip na lang siya sa kanyang bibig noong kanyang napagtanto na umandar na pala ito kanina nang 'di niya manlang namamalayan. Dahan-dahan siyang lumingon muli kay Chanyeol at nakita rin niya itong nakatingin sakanya, naghihintay ng sagot.

Pilit siyang tumawa na halatang-halata mong may bahid ng kaba bago kumamot sa kanyang batok, "Eh kasi diba hiniram ko 'yung phone mo nung nakaraan?" Tumango naman si Chanyeol, "Ayon, aksidente kong nakita nung biglang nagnotif"

"Oh, okay."

Napakunot nalang ng noo si Baekhyun, "'Yun lang?" Parang hindi makapaniwalang tanong ni Baekhyun. Napakunot naman ng noo si Chanyeol.

"Bakit?" Balik tanong niya't umiling si Baekhyun.

Nanibago lang siya dahil akala niya'y mapupunta itong usapan nila sa pagkahabang bangayan. Hindi lang niya inaasahan na tatahimik na agad si Chanyeol. Kasalanan niya bang sanay lang talaga siya na puro sila bangayan silang dalawa?

"Kausapin mo kaya siya?" Muli silang nagkatinginan matapos 'yong sabihin ni Baekhyun, "Hindi kasi 'yan titigil kung hahayaan mo lang nang hahayaan."

"Ayoko."

"Kukulitin ka lalo nun."

"Mapapagod din 'yan."

"Ikaw bahala." Pagsuko ni Baekhyun bago siya pumunta sa kabilang sofa at naupo doon. Alam niya kasing hindi magpapatalo si Chanyeol kaya hinayaan niya nalang din.

Inilabas niya sa cellphone niya't akmang magpipipindot na doon noong bigla naman siyang napalingon muli kay Chanyeol. Nakita niya itong tutok na tutok sa tv habang nakakunot pa ang noo.

"Oy." Tawag niya ulit dito kaya napalingon ito sakanya. Bigla namang napatakip ng mukha si Chanyeol noong nakita niyang nakatapat sakanya ang cellphone ni Baek, kinukuhanan ata siya ng picture, "Ano ba 'yan! Ang kj mo naman!" Nakangusong sabi ni Baekhyun.

"Bakit ba kasi? Para saan 'yan?" Taas kilay na tanong ni Chanyeol "Para kang ewan dyan eh namimicture nalang bigla." Dugtong pa niya.

"Isa lang eh."

"Bakit ba kasi?"

Ngumuso naman si Baekhyun, "Hindi ko alam." Sagot niya, "Natripan ko lang bigla." Napabuntong-hininga si Chanyeol.

"Pwede ba 'yung natripan lang bigla?"

"Oo!" Laban naman ni Baekhyun, "Isa lang naman eh. Kahit mata lang 'yung kita..." Pangungumbinsi niya kay Chanyeol.

Hindi rin talaga alam ni Baekhyun kung bakit natripan niyang kuhanan ng litrato si Chanyeol. Napansin niya lang kasi kanina na parang ang gwapo nito ngayon— palagi naman pero iba kasi ngayon eh palibhasa hindi nakasimangot.

"Papayag ako kung ipopost mo." Biro ni Chanyeol.

"Sige!" Sagot agad ni Baekhyun. Napakurap naman si Chanyeol dahil nagbibiro lang naman siya eh. 'Di niya naman inaasahan na kakagat si Baekhyun.

"Weh?"

"Oo nga!"

Napangisi si Chanyeol, "Okay." Sabi niya. Agad siyang umayos ng pwesto at tinakpan ang kalahati ng mukha niya. Mga mata niya lang ang kita.

Hindi na nagreklamo pa si Baekhyun at agad niya nang kinuhanan ng litrato si Chanyeol. Napansin ni Chanyeol na nag-iba na agad ang mood ni Baekhyun kaya napailing siya. Ganito ba talaga kapag buntis?


Baekhyun Byun is with Chanyeol Park
15 mins • 🌎

hi panget okay na

──────────────────────────129 likes     |     19 comments──────────────────────────

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

──────────────────────────
129 likes     |     19 comments
──────────────────────────

comments

Kyungsoo Do
Ang tapang mo na ah
↪️ Baekhyun Byun
Gago HAHAHAHA
↪️ Kyungsoo Do
Nawa'y lahat

Hyunmi Byun
Ingat kau dlwa dyn. Love u nak...
↪️ Baekhyun Byun
Ingat din po kayo! I love you too
↪️ Hyunmi Byun
Ok...

Yoora Park
Bakit nakatakip sa mukha?
↪️ Baekhyun Byun
Ang arte po kasi, ate.
↪️ Yoora Park
Hay nako! Hahaha. 'Wag kayong mag-aaway dyan ah. Bibisita ako next week! ☺️
↪️ Baekhyun Byun
Sige po!

Jaehyun Jung
Sana all fineflex
↪️ Baekhyun Byun
Napag-utusan lang
↪️ Jaehyun Jung
Ay scripted pala
↪️ Baekhyun Byun
HAHAHAHAHAHAHA

Chanyeol Park
Uto-uto ka rin talaga eh
↪️ Baekhyun Byun
PAKE MO

Woorin Kim
Fai Takano sis
↪️ Kyungsoo Do
Mention pa sis
↪️ Woorin Kim
Loh who u hahaha

DADDY YEOL | on-holdWhere stories live. Discover now