006

3.2K 164 95
                                    

"Hoy, Ano na?" Bungad ni Kyungsoo sa kaibigan niyang tulala't namumutla. Hinawakan niya ang braso nito kaya naman at napatingin ito sa kanya.

"Hindi ako makapaniwalang buntis ako." Lambot na sabi naman ni Baekhyun. Halata sa itsura nito na problemado.

"Hayaan mo na." Napabuntong-hininga nalang si Kyungsoo. "Daanan muna natin si Jaehyun." Sabi pa niya sabay hila sa braso ni Baekhyun.

Dumaretso silang dalawa sa building ng mga 4th year. Tahimik lang na sumusunod si Baekhyun kay Kyungsoo na isa-isang tinitingnan ang bawat room na nadadaanan nila.

"'Yun." Narinig ni Baekhyun na bulong ni Kyungsoo. Tumigil sila sa tapat ng isang room. "Excuse po, pwede pong pakitawag si Jaehyun?" Mahinahong pagkakasabi ni Kyungsoo doon sa isang estudyante na nasa tabi lang ng pinto.

"Jaehyun, may naghahanap sayo!" Sigaw nung lalaki kaya napatingin sakanila si Jaehyun. Agad naman itong tumayo at lumapit sakanila.

"Uy, bakit?"

"Itatanong ko lang sana kung sure kang nandoon ba si Chanyeol ngayon?" Tanong ni Kyungsoo pero hindi agad nakasagot si Jaehyun kaya naman napalingon ulit siya rito at nakitang may tinitingnan ito sa likod niya.

Lumingon si Kyungsoo sa likuran niya at nakitang ang nakayukong si Baekhyun ang tinitingnan ni Jaehyun.

"Hoy." Tawag ulit ni Kyungsoo dahilan ng pagbalik ni Jaehyun sa katinuan.

"Ah, sorry." Napakamot nalang ito sa batok niya, "Oo, nandoon 'yon." Sagot nito.

"Sige, salamat." Sabi ni Kyungsoo at tumango na lang si Jaehyun. Bumaling na siya kay Baekhyun, "Baekhyun, tara na." Aya niya kay Baek at hinila na ang braso nito. "Una na kami ah. Salamat ulit." Tumango nalang ulit si Jaehyun sakanya.

Nakalayo na't lahat ang dalawa, pero hindi pa rin umaalis si Jaehyun doon sa kinatatayuan niya.

"Baekhyun..." Pagbanggit niya sa pangalan, "Familiar."

-

"Ito na ba 'yun?" Tanong ni Baekhyun habang inililibot ang tingin niya sa lugar. 'Yung bigat ng dibdib niya kanina, mas lalo pang bumigat. Ninenerbyos siya.

Muling tiningnan ni Kyungsoo ang lugar na ibinigay ni Jaehyun, "Oo." Sagot niya.

"Sure ka ba? Saan dito?" Tanong ni Baekhyun habang tinitingnan ang mga bahay.

Inilibot din ni Kyungsoo ang tingin niya, "Ah! Tara itanong don sa babae." Sabi niya nung nakita niyang may babaeng lumabas mula doon sa isang malaking bahay.

Hinila niya si Baekhyun papunta doon sa babae. "Hello po." Pagbati ni Kyungsoo kaya naman at napatingin ito sakanila. "Magtatanong lang po sana kami."

"Oh, sige. Ano 'yun?" Ngumiti ang babae.

"Saan po kaya 'yung bahay ni Park Chanyeol?" Tanong ni Kyungsoo na nakapagpakurap doon sa babae.

"Kapatid ko 'yun." Bumilis ang tibok ng puso ni Baekhyun at pakiramdam niya'y pinagsakluban siya ng langit at lupa nung mga sandaling 'yon.

Naramdaman ni Kyungsoo ang panginginig ni Baekhyun kaya pinisil niya ang kamay nito.

"Bakit pala? Kaano-ano kayo ni Chanyeol?" Tanong ng babaeng kapatid daw ni Chanyeol.

Unti-unti nang nakikita ni Baekhyun na may hawig pala itong babae kay Chanyeol. Hindi niya lang napansin kanina dahil sa sobrang kaba.

"Kaibigan po." Pagsisinungaling ni Kyungsoo at agad namang napapisil pabalik si Baekhyun sa kamay niya. "May kailangan lang po silang pag-usapan nitong kaibigan ko pong ito." Dugtong niya pa sabay tapik sa balikat ni Baekhyun. "Si Jaehyun po nagsabi samin na dito raw po siya nakatira."

DADDY YEOL | on-holdDonde viven las historias. Descúbrelo ahora