005

3.2K 139 118
                                    

- Kyungsoo -
7:58

[ "Ano kamo?" ]

"Si Sehun."

[ "'Yung manliligaw mo?" ]

"Oo."

[ "Naloloka ako. Suntukan nga tayo, Baek. Pampapawis lang please." ]

"Gusto ko nga rin yayain ng suntukan sarili ko eh."

[ "Mag-iisang taon na 'yong nanliligaw sayo 'no?" ]

"Hindi, isang taon at tatlong buwan na."

[ "Patigilin mo na." ]

"Hindi ko alam kung paano."

[ "Tapatin mo na. Mas mahirap 'yung paghihintayin mo siya sa wala." ]

"Susubukan ko."

[ "'Wag mong subukan." ]

". . ."

[ "Gawin mo." ]

"Okay."

[ "Ay, Baek!" ]

"Bakit?"

[ "Nagreply na sakin si Jaehyun! Kilala mo ba 'yon? 'Yung fourth year?" ]

"Hindi. Sino siya?"

[ "Kaibigan 'yon ni Chanyeol." ]

"Eh? Bakit mo chinat?"

[ "Tinanong ko kasi kung saan pwedeng mahagilap si Chanyeol para makapag-usap kayo nang matiwasay. Ayoko sanang makialam pero alam kong pagod ka na dyan kaya gumalaw na ako." ]

"Ikaw na lang kaya pakasalan ko?"

[ "E kung sampalin kita ng kawali kaliwa't kanan nonstop?" ]

"Hahaha! Joke lang eh. Anong sabi?"

[ "Tinatanong sakin kung bakit daw." ]

"Tapos?"

[ "Sabi ko kailangan mong makausap." ]

"Binanggit mo ba pangalan ko?"

[ "Hindi." ]

"Okay sige."

[ "Madalas lang daw 'yong nasa bahay. Puntahan mo nalang daw don." ]

"Ano kamo? Eh hindi ko nga alam kung saang lupalop ng mundo 'yon nakatira."

[ "Tinanong ko nga kung saan nakatira eh." ]

"Hindi nan sasabihin kung saan. Syempre kaibigan niya 'yon eh. Bakit niya sasabihin 'yung address, diba?"

[ "Kilala naman ako nitong si Jaehyun. Alam naman siguro na wala akong gagawing masama." ]

"Sinabi ba?"

[ "Wala raw si Chanyeol sa sarili niyang condo ngayon. Nandon daw sa bahay nila mismo. Don daw ata 'yon nagstastay muna." ]

"Paano 'yun? Paano ko makakausap kung nandon 'yung family niya?"

[ "Wala naman daw don madalas 'yung fam ni Chanyeol. May sari-sarili raw na trabaho." ]

"Oh. Sinabi ba ni Jaehyun kung saan?"

[ "Oo." ]

"Luh."

[ "Sabi ko kasi magbabayad ka ng utang kaya nahihiya kang utusan pa si Chanyeol na makipagkita sayo. Kaya kamo ikaw na lang 'yung pupunta don." ]

"Basta pang-uuto napakagaling mo."

[ "Tarantado. Sasamahan na lang kita bukas." ]

"Sige sige. Salamat!"

[ "Okay. Isipin mo na lang muna ngayon kung paano mo patitigilin 'yang si Sehun." ]

"Okay..."

[ "Bye na. Magpahinga ka na dyan." ]

"Bye..."

call ended.

"Hindi ko alam kung paano."

DADDY YEOL | on-holdOn viuen les histories. Descobreix ara