020

2.5K 123 59
                                    

Baekhyun Byun
15m • friends

Hello.

──────────────────────────278 likes      |     16 comments──────────────────────────

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

──────────────────────────
278 likes      |     16 comments
──────────────────────────

comments

Kyungsoo Do
Hindi halatang may bukol ah
↪️ Baekhyun Byun
      SIRAULO KA HAHAHAHAHA
↪️ Kyungsoo Do
       Lower po
↪️ Baekhyun Byun
       Bye block na kita

Hyunmi Byun
Miss u nak...
↪️ Baekhyun Byun
       HI MAMA I MISS YOU TOO.
↪️ Hyunmi Byun
       Ok...

Chittaphon Leechaiyapornkul
Wao fresh, ano pong secret niyo?
↪️ Baekhyun Byun
       Secret baka malaman mo
↪️ Chittaphon Leechaiyapornkul
       Ok salamat na lang sa lahat
↪️ Baekhyun Byun
       DI MO BA KO NAMIMISS HA TEN
↪️ Chittaphon Leechaiyapornkul
       Nde
↪️ Baekhyun Byun
       Ok salamat na lang din sa all pwede ka nang umalis sa aking life

Jaehyun Jung
Totortahin
↪️ Baekhyun Byun
      Gusto mo bang mapaaga 'yung pakikipagkita mo kay satanas?
↪️ Jaehyun Jung
      JOKE LANG E


Napabungisngis si Jaehyun matapos niyang mabasa ang reply ni Baekhyun doon sa comment niya.

Hindi niya alam kung bakit nacucute-an siya sa lahat ng ginagawa ni Baekhyun. Sungitan man siya o seryosong kausapin, cute pa rin ito sa paningin niya.

"Hay." Napabuntong-hininga na lang siya dahil naiisip niya na naman 'yon. Ilang beses niya nang sinubukang alisin ang bagay na 'to sakanya pero 'di niya magawa.

Attracted siya sa taong may asawa na.

At ang mas matindi pa don, sa asawa ng tropa niya.

Pinipilit naman niya ang sarili niya na kalimutan na lang 'yon dahil alam niyang mali, pero sa tuwing makikita na niya o mababasa ang pangalan ni Baekhyun, para bang nagdedesisyon ng sarili ang puso niya.

Bakit ba kasi sakin nila itinanong kung saan nakatira si Chanyeol noon? Hay, awit naman.

Simula kasi nung nakita niyang nagtatago si Baekhyun sa likod ni Kyungsoo nung araw na 'yon ay hindi niya na talaga maalis ang tingin niya rito.

Unang kita niya pa lang kay Baekhyun ay alam na niya sa kanyang sarili na tipo niya na ito.

Idagdag pa 'yung pagkapamilyar niya sa pangalan ni Baekhyun noon kaya mas lalong hindi ito nawaglit sa kanyang isipan.

Bago pa man ikasal si Baekhyun, gusto niya na ito. Bago pa man nito napangasawa ang kaibigan niya, gusto na niya ito. Masisisi niya ba ang sarili niya kung hindi niya pa kayang pigilan ang nararamdaman niya? Kailangan niya pa ng konting oras.

Pero gaano pa katagal ang konting oras na 'yon?

DADDY YEOL | on-holdWhere stories live. Discover now