045

1.8K 102 197
                                    

"Pa, pwede bili ako nun?" Tanong ni Jesper sabay turo doon sa mga lollipops.

Namimili ngayon si Baekhyun at isinama niya si Jesper dahil walang pwedeng magbantay dito. Silang dalawa lang ang magkasama dahil may trabaho si Chanyeol.

"Marami nang candies dito, baby. Baka pagsaktan ka na ng ngipin niyan. Gusto mo bang may lumabas na train dyan?" Pabirong pananakot ni Baekhyun at agad namang umiling ang bata.

"Ayaw po." Mahinang sagot ng bata at agad namang napaawa si Baekhyun dahil sa pagnguso nito.

Bumuntong-hininga si Baekhyun, "Last na 'to, okay?" Napaangat ang tingin ni Jesper at para bang kuminang ang mga mata nito noong nakitang kumuha ng isang balot ng lollipop ang Papa Baek niya.

"Yehey!" Masayang sabi ni Jesper kaya napangiti na rin si Baekhyun. Hindi niya talaga matiis ang batang ito.

"Tara na, nak. Babayaran na natin 'to." Sabi niya

Pagkakuha ng wallet, agad na silang pumila at nagbayad. Buti nga't hindi mahaba ang pila kaya natapos sila agad. Akmang lalabas na sana sila noong biglang natigilan si Baekhyun dahil nakita niyang sobrang lakas ng ulan.

"Naku! wala akong dalang payong..." Sabi ni Baekhyun at napakagat sa labi niya. Sobrang ganda kasi ng panahon kanina nung umalis sila kaya nawala na sa isip niya ang magdala ng payong. "Wait lang, nak. Tatawagan ko lang si Daddy ha? Papakaon tayo."

Ilang beses niya sinubukang tawagan si Chanyeol pero hindi nito nasasagot. Mukhang naka-off ang cellphone.

Bakit ngayon ka pa nag-off ng phone, Yeol?

Mas nataranta pa si Baekhyun noong naramdaman niya ang lamig ng kamay ni Jesper. Sobrang lamigin kasi ng batang 'to. Konting lamig lang, nanginginig na minsan.

Agad na isinukbit ni Baekhyun sa balikat niya ang bag na may laman na pinamili nila at niyakap nang mahigpit si Jesper. Luminga-linga si Baekhyun para tingnan kung meron pa silang masasakyan pero wala, puro may sakay na yung mga dumadaan.

"Nak, nilalamig ka na ba sobra?" Tanong niya kay Jesper habang hinahagot maigi ang likod nito. Tumango naman ang bata. "Konting tiis lang ha? Sandali lang..."

Tarantang tiningnan ni Baekhyun kung sino pa ba ang pwedeng tawagan. Scroll lang siya nang scroll sa contacts niya pero wala talaga siyang makitang pwede. May mga trabaho kasi sina Kyungsoo tapos sa telepono niya lang nakakausap ang nanay niya dahil nasira ang phone nito kahapon.

"Papa, lamig." Matapos 'yong sabihin ni Jesper ay saktong natapatan ng tingin niya ang pangalan na 'yon.

Sehun.

Napalunok si Baekhyun at napapikit nang mariin. Sa mga sandaling 'yon ay nakikipagtalo siya sa sarili niyang isip kung tatawagan niya ba si Sehun o hindi.

"Lamig..." Pag-uulit ni Jesper at noong naramdaman ni Baekhyun ang konting panginginig nito, doon niya na napiling isantabi na muna ang hiya.

Tinawagan niya na si Sehun.

Sa mga sandaling 'yon ay halos magdasal na siya sa lahat ng santong kilala niya na sana sagutin ni Sehun ang tawag dahil nagriring ito. Desperado na siya. Iniisip niya na siya na lang ang bahalang magpaliwanag ng lahat mamaya kung mayroon mang hindi pagkakaintindihan na magaganap.

[ "Hello?" ]

Nang marinig niya ang boses na 'yon, nabuhayan talaga siya ng loob.

"Sehun!"

Kung sa iba ay parang ang OA na ng dating niya, wala siyang pakialam. Alam niya kung anong nangyayari sa sarili niyang anak sa mga oras na ganito.

[ "Oh, Baek? Napatawag ka? Tagal na rin nating hindi nakapag-usap ah. Kumusta na?" ]

[ "Teka... umiiyak ka ba?" ]

"Sehun... Sehun, please..."

[ "Ha?" ]

"Alam kong ang kapal ng mukha ko para humingi ng pabor sayo ngayon pero p-please... please puntahan mo ako ngayon. 'Yung anak ko, Sehun, please..."

[ "Ano bang nangyayari?" ]

"A-Ako na bahala mag-explain kay Luhan! Kaya please lang... kaunin mo kami ng anak ko. Nagmamakaawa na ako..."

[ "..." ]

"Sehun, please..."

[ "Nasaan kayo?" ]

"Nandito kami sa ano.. sa m-mall! Oo, dito sa mall. Nak, wait lang ha? Please tiis muna konti. N-Nandito kami sa mall."

[ "Papunta na ako." ]

"Salamat, Sehun. Maraming salamat."

call ended.

"Thank you, Yeol! Kung wala ka siguro e basang-basa na ako ngayon. Biglang lakas ng ulan, 'no? Thanks talaga!"

Ngumiti na lang si Chanyeol, "Wala 'yon, Jinah."

DADDY YEOL | on-holdWhere stories live. Discover now