019

2.4K 114 41
                                    

"Bakit gising ka pa?"

Biglang napalingon si Baekhyun sa pinto noong narinig niya ang boses ni Chanyeol, "Kanina ka pa?" Tanong ni Baekhyun saka napatayo.

"Medyo." Sagot naman ni Chanyeol, "Hindi mo narinig 'yung pagbukas ko ng pinto kanina?" Balik tanong nito kay Baekhyun habang nakataas ang kilay.

Umiling si Baekhyun.

Naghihintay si Chanyeol na magsalita si Baekhyun pero nakita niya itong umiwas lang ng tingin, mukhang may malalim na iniisip. "May problema ba?" Tanong niya.

Napaisip bigla si Baekhyun kung sasabihin niya ba ang totoo o umiwas na lang doon sa tanong- pero para saan pa ba ang pagsisinungaling?

"Tinawagan kasi ako ni Sehun ngayon-ngayon lang."

Pagkatapos niya 'yong sabihin ay kitang-kita niya kung paano nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Chanyeol.

"Bakit daw?" Tanong nito.

"Lasing eh." Naparolyo naman ang mata ni Chanyeol noong narinig nito ang sagot niya.

"Anong pinagsasasabi sayo?"

"Kung ano-ano." Sagot ni Baekhyun, "Lahat siguro dala ng alak at emosyon." Dugtong pa niya.

Pinili na lang ni Chanyeol na 'wag nang itanong kung ano 'yung mga eksaktong sinasabi dahil nahalata niyang ayaw sabihin ni Baekhyun. Naiintindihan niya naman 'yon at aminado siya na medyo naiirita siya.

"Ah..." Tumango-tango siya, "Tapos?"

"Tapos napaisip lang ako dun sa isa niyang sinabi."

"Anong sabi?"

"Na bakit ikaw na naman daw 'yung pinili."

Napakunot naman bigla ang noo ni Chanyeol, "Ano kamo? Anong ako na naman?" Tanong niya.

"'Yun nga rin 'yung iniisip ko." Sabi ni Baekhyun.

"Lasing nga siya." Sabi ni Chanyeol matapos niyang umupo doon sa sofa ni Baekhyun. Pinapanood lang ni Baekhyun ang bawat galaw niya.

"Magkakilala na ba kayo dati pa?" Muli silang nagkatinginan.

"Hindi." Sagot sakanya ni Chanyeol, "Bakit?"

"Wala ka bang niligawan dati na may iba pang manliligaw?"

"Hindi ako nanliligaw." Daretsong sagot ni Chanyeol.

"Wala ka bang naging girlfriend- o boyfriend! na may ibang jowa dati?"

"Anong tingin mo sakin?" Napahawak naman si Yeol sa dibdib niya, medyo nagulantang sa itinanong sakanya ni Baekhyun, "Tumatalo ng partner ng iba?"

"Hindi naman sa ganon." Napakamot sa batok si Baek.

Nahalata ni Chanyeol na nag-iisip pa ito ng mga pwede itanong kaya bago pa man maibuka ni Baekhyun 'yung bibig nito ay agad na niyang inunahan.

"Una sa lahat," Pagsasalita ni Chanyeol na dahilan ng pagtikom muli ni Baekhyun, "'Di ko siya kilala." Sabi niya, "Pangalawa, wala akong inaagaw." Dugtong niya pa, "Pangatlo, hindi ko na kasalanan kung hindi siya pinipili." Parang nang-aasar pa na dagdag niya.

Napatahimik naman si Baekhyun dahil bigla nalang niya naisip 'yung mga ginawa ni Sehun para sakanya noon. Naalala niya kung paano siya nito hintayin sa harap ng gate ng uni nila tuwing umaga at tuwing uwian, pati na rin sa cafeteria tuwing lunch para sabayan siya kumain, pati na rin kung paano siya nito agad na puntahan kapag nangangailangan siya ng masasandalan.

Pero sa lahat ng nagawang 'yon ni Sehun ay 'di niya pa rin magawang suklian ang pagtingin nito.

Bigla siyang nabalik sa reyalidad noong nakita niyang niyakap ni Chanyeol ang sarili niya, "Bakit ganyan ka makatingin? Kinakain mo na ata ako sa isip mo eh."

"Ang kapal ng mukha mo." Inirapan niya ito.

Napangisi na lang si Chanyeol noong nabadtrip niya na naman si Baekhyun. Tinitingnan niya lang ito hanggang sa makita niya na ulit na napatulala kung saan.

Nag-iisip na naman siguro.

"Hayaan mo na 'yon. 'Wag mo nang isipin." Sabi niya bago tumindig para dumampot ng isang unan at kumot doon sa tabi ng kama ni Baekhyun, "Tulog na tayo."

Tulog na tayo...

'Yun lang naman ang sinabi ni Chanyeol pero libo-libong paruparo ang naramdaman ni Baekhyun sa kanyang tiyan.

Bago pa man niya 'yon mapagtanto sa kanyang sarili ay puso niya na mismo ang gumagawa ng paraan para lang malaman niya ang tunay niyang nararamdaman para sa lalaking ito.

At 'yon ang bagay na hindi niya maibigay-bigay kay Sehun.

DADDY YEOL | on-holdWhere stories live. Discover now