017

2.3K 128 76
                                    

- today 10:03 am -

You missed a call from Kyungsoo.
[ call back | | schedule ]

Baekhyun: Tangina mo nagulat ako

Baekhyun: PAPUNTA KA NA BA?

Kyungsoo: OO GAGO.

Kyungsoo: MAY CHIKA AKO.

Baekhyun: ANO?

Kyungsoo: MAMAYA NA GAGI PAPUNTA NA 'KO DYAN.

Baekhyun: BILIS.

-

"Magkasama sila?"

Mabilis na tumango si Kyungsoo, "Oo! Nagulat pa nga ako kasi bigla akong kinausap." Sabi niya.

"Baka meron ngang something sakanila." Sabi naman ni Baekhyun matapos niyang lunukin 'yung nginunguya niyang dala ni Kyungsoo.

"Siguro." Nagkibit balikat si Kyungsoo, "Okay lang ba sayo?" Pagtatanong niya pa.

Tiningnan siya ni Baekhyun at tinaasan ng kilay, "Bakit naman hindi?" Natatawang tanong nito pabalik sakanya.

"Syempre 'no ang tagal din nanligaw ni Sehun sayo."

"Oh tapos?" Tumaas muli ang kilay ni Baekhyun. Hindi niya kasi talaga maintindihan si Kyungsoo.

"Hindi ba parang ang bilis naman?" Sa totoo lang ay 'di rin alam ni Kyungsoo kung ano bang pinaglalaban niya. Nagtataka lang din talaga siya.

"Gaga, okay lang 'yon!" Sabi ni Baekhyun at pabirong sinapak si Kyungsoo, "Wala na 'ko don 'no. Baka 'yun 'yong paraan niya para makalimot agad kaya 'yaan mo na. 'Di na dapat natin siya pakialaman. Malaki na siya."

Gustong asarin ni Kyungsoo si Baekhyun dahil sobrang dami agad nitong nasabi pero dahil may punto naman ito, tumango-tango nalang siya. Sabagay.

"Saan mo nga pala nabili 'tong mga brownies na 'to? Sarap ah." Pag-iiba na ni Baekhyun habang tinitingnan 'yung lagayan nung brownies. "Kaipogi." Mabagal na pagbasa niya roon sa nakasulat sa lagayan.

Napasapo naman sa noo si Kyungsoo, "Sa pinsan ni Jongdae." Sagot niya.

"Brownies lang tinda nila?"

"Hindi, marami pa naman. Puro matatamis lang."

"Anong name? Oorder ako. Papaalam na lang ako kay Chanyeol mamaya." Sabi ni Baekhyun.

"Wow, buhay may asawa." Sinamaan siya ng tingin ni Baekhyun.

"Ano nga?"

"Jongin Kim." Sagot naman ni Kyungsoo. "Nakakainis 'yan. Kapag hinarot ka, sabihin mo may jowa ka na."

Napakunot naman ang noo ni Baekhyun, "Ano kamo? Anong kapag hinarot ako?" Tanong niya.

"Shuta kasi 'yan eh hinaharot ako nang maigi. Hindi ko alam dun kung pinagtitripan lang ako o sadyang ganon din siya sa iba pang bumibili sakan-"

"Baka naman type ka?"

Wala sa sariling pinasakan ni Kyungsoo si Baekhyun ng maliit na brownie sa bibig matapos nitong sabihin 'yon.

"Gago!" Mura ni Baekhyun habang may brownie pa rin sa loob ng bibig.

"Hindi na nga 'ko nag-aassume eh!"

Mumurahin pa sana ulit ni Baekhyun ang kaibigan kaso nagulat nalang siya sa kanyang nakita.

Si Kyungsoo...

Namumula?

-

- Chanyeol -
0:01

[ "Anong ginagawa mo dyan?" ]

"Wala manlang hello?"

[ "Anong ginagawa mo dyan?" ]

". . ."

[ "Tsk." ]

". . ."

[ "Hello. Anong ginagawa mo dyan?" ]

"Nanonood ng tv! Hehe."

[ "Isip bata." ]

"Sinunod mo naman."

[ "Ewan ko sayo." ]

"Hoy, nandito nga pala si Kyungsoo kanina."

[ "Kumain ba kayo?" ]

"Oo, meryenda lang."

[ "Sana dyan mo na lang din pinaghapunan." ]

"Tinawagan kasi ni Tita eh. Pinauuwi na."

[ "Ah sige." ]

". . ."

[ ". . ." ]

". . ."

[ "Kumain ka na ba?" ]

"Hindi pa. Hinihintay kita."

[ "Kumain ka na. Mamaya pa 'ko makakauwi." ]

"Nasaan ka ba?"

[ "Office." ]

"Alas otso na ah. Bakit mamaya ka pa?"

[ "Tatapusin ko lang lahat ng gagawin ko para hindi na 'ko babalik dito bukas." ]

"Sige. Ingat."

[ "Lock mo 'yung pinto." ]

"Sinong magbubukas ng pinto kung makatulog ako?"

[ "Dala ko 'yung susi." ]

"Sige sige. Marami ka pa bang gagawin?"

[ "Marami pa." ]

"Osya, tapusin mo na 'yan. Tawag tawag ka pa dyan."

[ "Ni-check ka lang e." ]

". . ."

[ "Sige na, tatapusin ko na 'to." ]

"Okay..."

[ "Mhm. May gusto ka ba ipabili?" ]

"Wala. Tapusin mo na lang 'yan para makauwi ka na."

[ "Good night." ]

"Good night."

[ "Ilock mo pinto ah." ]

"Okay."

[ "I... [...]" ]

"Ha? Ano kamo?"

[ "Wala. Ibababa ko na 'to. Bye." ]

call ended.

'Di napansin ni Baekhyun na abot tenga ang ngiti niya matapos ang pag-uusap nila ni Chanyeol.

"Magsasabi lang ng 'I miss you' hindi pa inayos."

DADDY YEOL | on-holdWhere stories live. Discover now