004

3.4K 154 181
                                    

- Kyungsoo -
0:02

[ "Hello?" ]

"Soo..."

[ "Hello, Baek? Kumusta?" ]

"Nakausap ko na si Chanyeol."

[ "Anong sabi? Pananagutan ka ba?" ]

"Bigyan ko raw siya ng ilang araw para makapag-isip."

[ "Pero pananagutan ka?" ]

"Hindi ko alam."

[ "Hay. Ngayon pa talaga kung kailan malapit na tayong grumaduate. Isang taon na lang, Baek. Isang taon na lang." ]

"'Yun nga rin 'yung iniisip ko, okay? Naiiyak ako."

[ "Wala na tayong magagawa. Nandyan na eh. Isipin na lang natin kung anong gagawin." ]

"Iniisip ko kung paano ko sasabihin kay mama. Soo, hindi ko kayang magalit sakin si mama. Bukod sayo, siya na lang ang meron ako."

[ "Shh. 'Wag mo masyadong stress-in sarili mo. Masama raw 'yan." ]

"Sino bang hindi maiistress sa sitwasyon ko?"

[ "Gagawan natin 'yan ng paraan. Gusto mo bang ako kumausap kay Chanyeol na 'yan?" ]

"'Wag na. Ako na bahala kay Chanyeol."

[ "Sige." ]

"Nagtataka na si mama kung bakit sobrang tamlay ko."

[ "Baek, sabihin mo na kaya?" ]

"Kung ganon lang kadali 'yon, nagawa ko na."

[ "Grabe. Feeling ko nagdadalang tao rin ako." ]

"Baka tae 'yan."

[ "Shuta ka." ]

"Joke lang. Salamat ah."

[ "Ha?" ]

"Salamat?"

[ "Anong salamat? Saan?" ]

"Kasi nandyan ka."

[ "Gago. Akala mo naman may araw na wala ako sa tabi mo." ]

"Kaya nga salamat eh."

[ "Wala 'yon." ]

"May isa pa pala akong iniisip."

[ "Ano?" ]

"Si Sehun."

DADDY YEOL | on-holdWhere stories live. Discover now