011

2.6K 137 52
                                    

"Buti naman may plano ka pang umuwi." Salubong ni Chanyeol kay Baekhyun. Inirapan lang siya nito at pumasok na sa loob.

"Walang kiss?" Pang-aasar ni Chanyeol pero hindi ulit siya pinansin ni Baekhyun na ngayong umiinom ng tubig sa kusina.

"Suplado naman." Pang-aasar pa niya.

"Ewan ko sayo." Naiiritang sabi ni Baekhyun matapos niyang uminom ng tubig, "Mas mabuting hindi na lang tayo magpansinan kung puro ka lang pang-aasar dyan."

Mahinang natawa naman si Chanyeol.

May araw kasi na hindi sila nagpapansinan at may araw din naman na puro sila bangayan- katulad nito. Madalas nga lang 'yung pagbabangayan.

"Tumabi ka nga dyan! Laki mong harang sa daan." Sabi ni Baekhyun at hinawi si Chanyeol para makadaan siya.

"Magpalit ka na ng damit." Utos ni Chanyeol sakanya.

"Alam ko! 'Wag mo akong utusan." Naiiritang sabi ni Baekhyun saka dumaretso sa kwarto niya para kumuha ng damit. Pagkakuha naman ay dumaretso siya sa banyo para maghinaw ng katawan at magpalit.

Ilang minuto ang nakalipas at lumabas na si Baekhyun sa banyo. Naabutan niyang nakaupo si Chanyeol sa sofa habang nanonood ng tv.

"Hoy." Tawag ni Baekhyun kay Chanyeol.

"Oh?" Tanong ni Chanyeol, hindi siya nililingon.

"Kakausapin ko si Sehun ngayon. 'Wag kang eepal." Akmang papasok na si Baekhyun sa kwarto nung bigla namang hinawakan ni Chanyeol ang braso niya.

"Kakausapin mo pa rin 'yon?"

"Ano naman sayo?" Kunot noong tanong ni Baekhyun.

"Sino ba 'yon?" Nagsisimula na namang mairita si Chanyeol.

Ayaw sanang sagutin ni Baekhyun 'yung tanong pero alam niyang hindi siya bibitawan ni Chanyeol kapag hindi siya sumagot.

"Manliligaw ko, okay? Patitigilin ko lang. Ano bang problema mo?" Mahinahong tanong ni Baekhyun.

Napabuntong-hininga nalang si Chanyeol bago bitawan ang braso ni Baek. Hindi niya rin alam kung bakit ganon ang inasal niya. Naiirita lang talaga siya.

"Patitigilin mo na?"

"Oo."

"Okay."

Bumalik siya sa panonood at hinayaan na si Baekhyun sa binabalak nitong gawin kahit parang may bumabagabag pa rin sakanya ngayon. Para bang bigla siyang natauhan nung naisip niyang bakit ba parang nagagalit siya. Na para bang naiirita siya kasi may kinakausap si Baekhyun na iba.

Iniling na lang niya 'yon.

- Sehun -
0:03

[ "Hello? Hello, Baek?" ]

"Uy, pasensya na pala kanina."

[ "Ah okay lang. Bakit mo pala biglang binaba?" ]

"A-Ah... ano... namatay 'yung phone ko."

[ "Ah." ]

". . ."

[ ". . ." ]

"Se, tungkol pala don sa sinasabi ko kanina..."

[ "Hmm?" ]

"Sana maintindihan mo. Ayoko nang sayangin 'yang oras mo eh."

[ "Ginusto ko naman 'to eh. Diba ako 'yung may sabi sayo na hihintayin kita kahit gaano pa katagal?" ]

"Ayaw ko na ngang magpahintay."

[ ". . ." ]

"Sorry. Sorry talaga."

[ ". . ." ]

"Sana maintindihan mo. Pasensya na talaga, Sehun."

[ "Mhm. Ayos lang." ]

"Sobrang tagal mo nang naghihintay. 'Wag mo nang sayangin 'yung oras mo."

[ "Thank you, Baek." ]

"Ha?"

[ "Thank you." ]

"Ano? Para saan?"

[ "Wala. Magpahinga ka na. May kailangan pa pala akong gawin. Bye, Baek." ]

"Bye..."

call ended.

DADDY YEOL | on-holdHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin