009

2.6K 152 152
                                    

Halos apat na buwan na ang nakalilipas simula noong kinausap ni Mrs. Park si Mrs. Byun. Bakasyon na rin ngayon nina Baekhyun kaya puro pahinga na lang ang ginagawa niya sa condo nila.

Sa condo nila ni Chanyeol.

Kasalukuyang nanonood ng tv si Baekhyun sa salas at tahimik na ngumunguya ng tinapay. Nababagot na siya sobra rito sa condo nila ni Chanyeol at gusto niya nang gumala pero hindi siya pinapayagan ni Chanyeol kapag hindi ito ang kasama niya. Lagi nitong sinasabing "baka mapagalitan siya."

Napabuntong-hininga na lang siya at saka nagsisisipa sa hangin.

Napaayos siya bigla ng upo nung narinig niya ang pagbukas ng pinto ng banyo't iniluwa non ang bagong ligo na si Chanyeol. Wala itong suot na pang-itaas at may nakasampit lang na maliit na puting tuwalya sa balikat.

Napairap si Baekhyun.

Hindi niya alam kung bakit ang init-init ng dugo niya kay Chanyeol minsan. May mga araw naman na okay sila tas may mga araw din na naiimbyerna talaga siya dito- 'yan, gaya ngayon. Hindi naman sila galit sa isa't-isa. Sadyang naiirita lang sila sa presensya ng isa't-isa minsan. Palagi kasing inaasar ni Chanyeol si Baekhyun kaya talagang hindi na sila nagkasundo.

Umupo ito sa kabilang dulo ng sofa at nakatingin lang nang daretso sa tv. Hindi sila nag-iimikan kaya sobrang awkward. 'Di sanay sa tahimik na paligid si Baekhyun kaya ang ginawa niya'y kumanta siya nang mahina.

Narinig naman 'yon ni Chanyeol pero hindi pa rin siya kumibo sa kanyang kinauupuan at patuloy lang siyang nanonood ng telebisyon.

Mayamaya pa'y bigla na lang tumunog ang cellphone ni Baekhyun. Agad 'yong kinuha ni Baekhyun at tiningnan kung sino ang tumatawag sakanya.

Hala.

Si Sehun.

Bigla siyang napapikit nang mariin- nagdadalawang-isip kung sasagutin niya ba 'yung tawag o hindi.

Ilang segundo pa siyang nag-alinlangan pero sinagot din naman niya sa huli. Naisip niya kasi na baka kung anong isipin ni Sehun sakanya kapag hindi niya sinagot.

"Hello?"

"Hello, Baek? Uy! Buti naman sinagot mo na tawag ko. Bakit wala kang paramdam nitong nakaraan pa? Halos mag-aapat na buwan mo na 'kong 'di pinapansin ah?"

At narinig 'yon ni Chanyeol.

Nagkatinginan silang dalawa kaya agad na tumayo si Baekhyun at pumasok sa kwarto niya.

"U-Uy Sehun..."

[ "Baek?" ]

"Sorry."

[ "'Wag kang magsorry. Gusto ko lang malaman kung bakit bigla ka na lang hindi nagparamdam." ]

"'Wag mo na 'kong hintayin."

[ ". . ." ]

"Sinasayang mo lang 'yung oras mo sakin. Sorry."

[ "Baek, sinabi ko naman sayo na hihintayin kita kahit gaano pa katagal, diba?" ]

"Ayoko nang magpahintay."

[ "Baek naman..." ]

"Sorry."

[ "Wala ba talagang pag-asang magustuhan mo rin ako?" ]

"Sorr-"

Nagulat si Baekhyun noong biglang may humalbot sa cellphone niya at ni-end ang tawag nila ni Sehun.

"Chanyeol!"

DADDY YEOL | on-holdWhere stories live. Discover now