HULI

159 6 2
                                    

SHIEN'S POV:


"MAMA! BITAWAN MO SYA! "

Ang boses na yun.

Si Shiro.

Kahit hirap nakuha ko pa ring lumingon.

Nasa harap ko si Shiro habang patuloy pa rin ang ginoo sa pagsakal sa akin.

"TIGILAN MO SYAAAAAAAAAAA! "

Sa sigaw nyang yun.Nagkaroon ng lindol. Nawala ang focus sa akin ng ginoo dahil, napatingin na rin ito kay Shiro.

Napaawang nalang ang labi ko nang napansin kong may aninong sumulpot at pumasok sa anak ko at ilang segundo lang ay naging purong pula ang mga mata nito.

Paanong?

Gumalaw ito at hindi ko akalaing sa isang segundo ay natumba na ang ginoo kaya nabitawan nya na ako mula sa pagkakahawak nito sa leeg ko.

Nang lingunin ko si Shiro.

Duguan na ang kamay nito.

Habang unti-unting nagiging abo ang ginoo pabagsak sa lupa.

Hawak pa ni Shiro ang tumitibok pang puso na galing sa ginoo.


Saka ko lang narealize ang lahat. Mauulit na ba ang kinatatakutan ko.

Napakabata pa nya.

Nawalan ng malay si Shiro,pero bago pa sya bumagsak sa lupa ay nasalo ko na sya.

Saglit lang yun dahil gumising din ito.

Ang maamong mukha nito ay nagulat dahil sa duguang kamay at ang tumitibok pang puso na hawak nito na unti-unti na ring naging abo.

"Mama, b-bakit po ako may may dala nito? "

Sa halip na magsalita ay ngumiti lang ako at umiling. Saka niyakap sya ng mahigpit.

"Wala yan anak.... "

Hindi ko alam kong papaano ko ipapaliwanag sa kanya ang lahat dahil napakabata pa nya.

Bakit kailangang ngayon pa nya yun marasan?

Bakit ang aga nyang makita ang halimaw na meron sa kanya.

Lumitaw bigla sa harap namin ang isang anino na hugis tao.

Gulat kami lalo na nang magsalita ito.

"Kumusta Shien, aking apo, Shiro... "sya

"Ikaw ba ang may gawa noon kay Shiro? Ama? "ako

"Tama ka, ako nga... "sya

"Bakit kailangan mong gawin yun, napakabata pa nya ama. Hindi na ako papayag na matulad din sya sa akin.Itigil mo na ito... "ako

"Nasa dugo nyo ni Shiro ang lahing meron ako, nararapat lang na manatili ako sa inyo. Hindi bat nararapat lamang na ako mismo ang kikilos gayong, hindi na kita mapasok at selyado ka na ng anak ng lahing babaylan..."sya

"Hindi mo ba nakikita kong gaano ako pinahirapan ng kapangyarihan mo noon. Maraming namatay ng dahil sa akin... una na noon si Tita na hanggang ngayon ay nananatiling nasa konsensya ko pa rin... "ako

"Maaring tama ka. Maraming namatay ngunit dahil iyon sa proteksyon ko sayo..."sya

"Proteksyon? "ako

Kunot noong sagot ko.

"Ang mga nilalang na napapatay mo ay, balak ka rin namang patayin, gaya nalamang ng Tita mo. Hindi bat wala kang kaalam alam na napatay mo sya dahil sa ginawa ko pero, ang totoo ay noong natutulog ka. Balak nyang kunin ang jade necklace na suot suot mo ,basang-basa ko ang mga yun sa mga mata nya Shien. Nanakawin nya sana iyon pero hindi ko yun hahayaan at kasabwat pa noon ang tito mo, narinig ko ring balak ka nilang iwan at alam din nila na automatikong mamatay ka oras na mawala sa iyo ang kwentas. Hindi sila mabuti anak...bilang ama mo tungkulin kong protektahan ka. "sya

Nephilim(Cursed Child) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon