7:THE AWAKENING

198 8 0
                                    

WARNING:KARAHASAN

RATED PG. BAWAL SA BATA.

SHIEN'S POV:

"Looked innocent huh... malandi ka rin pala"

Isang babae ang tumalon mula sa bintana at bumagsak na ito mismo sa harap namin ng Fheo na yun. Itim ang hanggang balikat nitong buhok habang may itim sa gilid nang mata nito na galing yata sa eye liner na nilalagay nito, ganun din ang labi nito na itim na itim rin.Suot ang buong itim na dress at itim na booths. Tumayo ito sa harap namin na parang walang nangyari.

Dumako ang mata nito sa akin, sunod sa kabuuan ko at napangisi nalang ito nang tumitig ito sa dibdib ko.

Mali nanaman yata ang impression sakin ng babaeng to dahil kay Fheo?

Agad kong tinakpan ang sarili. Oo nga pala halos mahubaran na ako dahil sa walangyang maniac na --- teka asan na sya?

Wala na kasi ito sa harap naming dalawa ngayon. Tinignan ko ang bintana at wasak na ito, mukhang doon sya dumaan sa mismong dinaanan nang babaeng to.

"Anong ginagawa mo rito? "Tanong ko na habang, inoobserbahan pa yata nito ang bagay na nasa loob nang kwartong meron ako at sa double deck na visible sa paningin nya.

"Hindi na masama... Ilang araw lang naman siguro ako ritong kasama ka dahil.. "Pansamantalang tumigil ito sa sasabihin saka sumulyap nanaman sa akin. "...Magiging sa akin naman na ang buong dorm na to, oras na... Galitin mo ulit ako"maarteng sabad nito.

Kwarto nya? Ibig bang sabihin dito na rin sya simula ngayon?

"Roommate ba kita? "Mahinahong sabad ko.

Inirapan nya lang ako at diretsong humiga sa mismong taas nang double deck.

"May angal ka"rinig kong sagot nito sa akin.

Ilang beses din akong napabuntong hininga. Mukhang mas lalong gugulo ang buhay ko dahil sa pagdagdag nya.

❤*❤* ❤*❤

Sinigurado kong tulog na ang malditang babaeng yun habang patakas. Alam kong pag nahuli ako malalagot nanaman ako kay madame El lalo na nung huli dahil ,dalawang araw nya akong kinulong nung nakatakas ako dati.

Dahan dahan kong binuksan ang pintuan nang dorm at saka pigil hiningang sinara ito.

I tiptoed, hanggat maaari wala akong malikhang ingay habang papalabas. May ilang guard akong nakitang nagpapatrolya kaya mabilis akong tumago sa mataas na estatwa na nakadisplay roon.

Higit ang hininga ko habang dumadaan na sa harap ko ang ilang gwardya pero madilim kaya hindi nila ako makita.

Buo na ang disesyon ko. Ngayong gabi ako tatakas at sinisigurado kong hinding hindi na ako babalik sa werdong lugar nato.

Nakahinga ako nang maluwag nang nakalampas ang gwardya kaya diretso na akong dumiretso papuntang lobby.

Luminga linga pa ako para makompirma kong may sumusunod sa akin. As far as I know wala naman akong nararamdamang yabag o kahit anong ingay sa paligid maliban sa tunog nang mabilis na tibok nitong puso ko.

Ilang metro nalang ang layo ko sa gate. Sinigurado ko munang walang gwardya at wala ni kong sinong nagbabantay bago ako naglakad patungo roon.

Ang plano ko kasi talaga e, umakyat sa pader nang gate na yun at tumakbo palayo.

Kumikiskis na sa binti ko ang damo pero hindi ko yun ininda. Medyo makati-kati pa naman yun. Suot ko lang ay ang blouse at skirt na inihanda lang sa akin ni Ms El na pang pasok sana sa night class pero hindi ako pumasok kanina.

Nephilim(Cursed Child) [COMPLETED]Where stories live. Discover now