19.CASSHIOPHEA

137 6 0
                                    


SHIEN'S POV:

"Unbelievable... baka naman may iba pang paraan? "Giit ko.

Napatingin na sa akin si Theo ganun din ang lalaking kasama nila habang nakakuyom naman ang kamao ni Eros na nasa tabi ko ngayon.

"Yes... shes right. How is it possible na sa isang jade lang parang... matatali na kami sa isat isa"Sabad naman ni Eros na pinukol  pa ako ng masamang tingin bago tumingin muli sa dalawa.

Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa mga narinig ko kani-kanina lang.

Permanent?

Yes? How is it possible.

Ngayon pa nga lang nag aaway na kami.

Paano pa namin pakikisamahan ang isat isa kong pang habang buhay na?

Umiling iling ang lalaki sa aming dalawa na parehas naming ikinadismaya.

"Hindi ko rin alam... hanggang ngayon on process pa rin ang pag hahanap ko ng solusyon sa ganitong kaso."

Napabuntong hininga si Theo, habang napahampas naman si Eros sa table sa harap namin.

Aish, Paano na?

"May paraan pa... hindi ko man maaalis pero kaya pa ring baguhin.. "

Lumingon kami sa boses na nagmumula sa pinto sa mismong likuran lang namin.

Isang babae na nakasuot ng pulang jacket habang nakacover ang ulo nito ng hoody. Full bangs sya habang itim na itim ang hanggang bewang nitong buhok. Hindi katangkaran pero hindi rin kaliitan.

"Teka I know you... ikaw yung babaeng, gustong pumatay sa akin nung isang araw... "Sabi nito at dinuro pa ang babae.

Bahagyang napaawang ang labi nito sa narinig mula kay Eros kaya pareparehas kaming dumistansya sa babaeng palapit na ngayon sa amin.

"Sandali. Wala akong balak saktan kayo... andito ako para makatulong"Litanya nya. Habang nag senyas sya na huminahon kami.

"Tulungan?.. "Sabay sabay naming sabi habang tumango tango naman ito sa sagot namin.

                          ❌❌❌❌

"Ako si Casshiophea...hindi ako naparito para saktan kayo. Andito ako para balaan at tulungan kayo"bungad nya.

Nakaupo na rin sya pero nasa pagitan namin sya ni Eros.

"Pero... bakit mo ko hinabol nung gabing yun? Bakit mo ko binaril at pinipigilan mo kong lapitan noon sina Theo? "si Eros

Bahagya syang ngumiti.

"Yun ba?Andun ako para iwasan mo sya.."sabay tingin sa akin.

"Iwasan?"Ako na mismo ang nagsalita.

"Dahil hindi ko gusto ang mga nakikita ko oras na naglapit kayo... "

Pareparehas kaming napakunot noo sa sinabi nito.

"May kakayahan akong makita ang hinaharap... nang mga panahon na pinipigilan ko sya.Nakita ko na ang susunod na mangyari oras na malapitan ka nya. Ang halik na yun, hindi ito aksidente...,binaril ko sya sa binti para hindi sya makatakbo para lapitan ka nya, hindi para patayin... "Sagot nya na nakatingin na sa akin.

"Ibig bang sabihin isa ka rin sa amin? "si Theo.

Umiling iling sya.

"Hindi ko alam."saka dahan dahang napayuko.

Nephilim(Cursed Child) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon