5:Fheo

220 10 0
                                    


SHIEN'S POV:

"Ple-please wa-wag m-mo ko-kong sa-saktan"Pautal utal kong sabi.

Maya maya pay tinakpan nito ang bibig ko at hinapit ang bewang ko.

"Anong ginagawa mo sa lugar na to nang ganitong oras? "Malumanay pero nakakapag pataas pa rin nang balahibo na sabi nito.

Hindi ko sya makita pero ramdam ko ang hininga nya sa batok ko at ang mabilis na pintig nang puso nya dahil sa sobrang lapit nang katawan nito sakin.

"Hi-hindi na mauulit, palayain--"Nahigit ko ang hininga ko nang maramdaman kong dumampi ang labi nito sa batok ko, at maya maya pay naramdaman ko nalang na parang inaamoy nya ako.

Sa takot ko hindi ko na nagawang makagalaw.

"Ang bango mo... ang bango.. "Sabi nito habang patuloy na inaamoy nito ang batok ko. "..Ang bango bango mo"

Pasimple ko syang siniko pinilit kong dumistansya pero mas lalo nyang hinapit ako sa bewang.

"Pakawalan m-mo ko"sigaw ko.

"Why would I do that, aside from sniffing pleasant smell, mas mabuti pa sigurong sa akin mo na ibigay ang katawan mong yan"

Napaawang ang labi ko sa sinabi nito at mas lalong nanigas ako sa kinatatayuan.Ang boses na yun.

Hindi ako nagkakamali na hindi kay Theo ang boses na yun.

"Sino ka..Sino ka ba? "

Umalingawngaw lang sa paligid namin ang tawa nitong yun kasabay nang pagbilis na pintig nang puso ko sa kaba at bigla nalang lumiwanag ang paligid.

❤.❤.❤.❤

"Dito lang pala kita makikita Fheo... at may bibiktimahin ka nanaman nang ganitong oras?"

Maliwanag na ang paligid at tumambad sa akin ang ilang bangkay sa loob nang kwartong yun. Para silang kinatay dahil pinira-piraso nito ang kani-kanilang katawan.

Nahigit ko ang hininga sa nasaksihan ko habang nakatingin na sa lalaking nakahapit sa bewang ko pero takip naman nito nang kaliwang kamay ang mata nito. Marahil dahil sa nakakasilaw na liwanag.

"Pakielamero! "Malakas na bulyaw nya ngayon sa kausap.

Lumingon ako roon dun ko lang ulit napansin na ang kausap nito ay si Eros, tumatabon sa mukha nito ang ilang bangs habang may cut na sa labi nito na para bang nakipag away sa kong sino, may ilang butil na rin nang pawis sa noo nito na parang galing sa pakikipaghabulan.

Mabilis ang pangyayari, segundo lang yata ang nakalipas nang makita kong nahigit na nitong si Eros ang kwelyo nitong suot na puting uniform na may tatak pa na night class.

Pula ang buhok nito na nakapusod habang nakaside ang bangs nito. Magsing tangkad sila ni Eros pero mas di hamak na mas gwapo si Eros dito,mas firm ang muscles nito at mas----Napakunot nalang ako bigla ng noo sa isipin na yun? Nagwa-gwapuhan ba ako kay Eros?

"Wala ka nang kawala, ill report you to our directress at ikakatuwa kong ilagay ka sa detention... Or maybe itapon ka sa sin island"ngumingising sabi ni Eros.

Ngumisi din yung Fheo saka malakas na sinipa si Eros sa tyan dahilan para malakas na tumama ito sa pader dahil sa lakas nang pwersa nang pagkakasipa nito.

"Yun e kong.... mahuhuli mo ko"sabad nito saka, nagtatakbo palayo.

Hirap namang makatayo mula sa pagkakahiga si Eros, hindi ko alam kong anong nangyari sa akin nang mga oras na yun dahil inakay ko pa sya para tuluyang makatayo.

Nephilim(Cursed Child) [COMPLETED]Where stories live. Discover now