47.The Prophecy

85 5 0
                                    

SHIEN'S POV:

"DONT DO IT. HINDI AKO PAPAYAG. NEVER! "

Pinilit ni Eros na hinaan ang boses nya dahil na rin sa ,nasa paligid lang ang anak namin. Ngayon ay kaming dalawa nalang ang nag uusap. Nasa labas na rin si Shiro kasama ni madame El. Pinakisuyuan ko muna syang alagaan pansamantala ang anak ko dahil na rin sa pag uusap namin ngayon ni Eros.

Sa una ay hindi pumayag si madame El pero wala na rin naman syang pagpipilian kayat inakay na rin nya ito palabas kasama sya.

Ngayon ay palakad lakad na si Eros sa loob ng opisina ni madame El,halata sa kanya na hindi ito mapakali. Kinagat ko ng bahagya ang ibabang labi.

"Wala nang paraan Eros... gagawin ko to para mawala na ako sa anino ni Theo,para legal na tayo at para na rin maipakita ko kay Shiro na buong buo na talaga tayo.. "Paliwanag ko.

Nagulat nalang ako nang may malakas na tunog akong narinig na parang may nawasak.

Lumingon ako sa kinaroroonan ng pinanggalingan ng tunog na yun at nakita ko nalang si Eros na dumudugo na ang kamao nito, habang may bahid naman ng dugo ang isang sementadong dingding na malaki ang nilikhang sira.

"Eros... "

Nagmadali akong lumapit dito at mabilis na winasak ang laylayan ng bestidang suot suot ko.

Nakatayo lang si Eros sa harap ko habang nakayuko.

Tumutulo na ang dugo nito sa sahig. Kaya kinuha ko kaagad ang kamay nya at halos nanginginig ang mga kamay ko na tinatalian ang duguang kamao nito.

"Hindi ako papayag. Shien. Gagawa ako ng paraan. Ako si Eros, ako ang dating hari. Ibabalik ko ang dating estado ko. Hindi mo kailangang bumalik roon. "Wika nito.

"Hanggang kailan? Aantayin pa ba nating lumaki si Shiro para matanggap nila kami? "Sabi ko na sa pagitan ng pagbuhol ng tali sa kamao nito.

Lumingon sya sa akin at nakita ko ang masuyong mga mata nya na nakatitig lang sa akin.

"Pero Shien....? "

Bahagya akong ngumiti. Lumapit pa ako ng mas malapit sa kanya at niyakap sya ng mahigpit.

"Magtiwala ka lang sakin Eros...tatapusin ko na to. "ako

Gumanti na rin sya ng yakap sakin.

"Kong ganun, sasama nalang ako sayo. Ayusin nating dalawa to..Shien"sya

"Hindi pwede Eros, tingin mo ba, mas magiging madali kong makikita ka nya. Mas lalong magiging mahirap ang sitwasyon Eros... "Sagot ko.

"....Kong hindi mo ako isasama. Hindi na rin kita papayagan... "Giit ni Eros.

Inalis nya ang pagkakayap sakin at lumabas na ng silid na yun.

Napabuntong hininga nalang ako.

Bakit ba hindi nya ako maintindihan?


❌❌❌❌

"Mama...."

Nakangiting tawag sa akin ni Shiro habang tumatakbo palapit sakin. Kasama nya mismo si Eros na bahagya lang tumingin sakin at nakatutok lang ang mga mata nito sa mga damong nakalatag sa hardin mismo ng palasyo. Wala na rin doon si madame El.

Alam kong galit pa rin sya sa desisyon ko.
Halata ko yun.

"Mama ang dami ko pong nakitang mga paru-paro kanina ,kasama yung babaeng masungit."Kwento ni Shiro na ngayon ay karga ko na.

Nephilim(Cursed Child) [COMPLETED]Where stories live. Discover now