14.KALABAN O KAKAMPI

146 6 2
                                    

SHIEN'S POV:

Nanatiling gising ako sa buong gabi na pagtigil namin sa isang malaking puno. Hindi ako makatulog sa pag iisip.

Pakiramdam ko imbes na maging kampante mas pinili kong matyagan ang ikinikilos nang dalawa.

Wala na akong tiwala sa dalawa. Noon si Eros lang, pero ngayon... mas mabuti pang parehas na sila dahil sila mismo ang anak nang lalaking kumidnap sa akin kahapon.

Malalim akong napabuntong hininga. Naalala ko nalang bigla ang nangyari kanina. Kaarawan ko nga pala ngayon at diseotso na ako.

Ibig bang sabihin permanente ko nang dala dala ang kapangyarihan na hindi ko naman talaga gusto?

Sinulyapan ko ang dalawa na nakahiga sa may di kalayuan sa akin. Nakaupo lang kasi ako sa ugat nang puno habang nag aantay nang malalim nilang pagtulog dahil oras na himbing na sila. Doon ko na sila tatakasan.

Malakas ang hampas nang hangin kaya hindi ko mapigilang yakapin ang sarili ko. Bilog na bilog na rin ang buwan kaya imbis na kabuuuang dilim ang makikita ko. Mas nakikita ko pa ang konting liwanag sa gubat na yun.

Maya mayay narinig ko pa ang malakas na pag hilik ni Theo sumunod naman si Eros kaya napangiti nalang ako sa narinig.

Tumayo na ako.

Hindi na dapat ako magtagal sa lugar nato.

THEO'S POV:

"SHE'S GONE! "

Mabilis akong tumayo dahil sa narinig ko.

Eros looks worried.

Kakagaling ko lang sa pagtulog pero nagising na nang tuluyan ang diwa ko sa narinig kong yun sa kanya.

Tumingin ako sa paligid. Hindi ko nakikita ni anino ni Miss! Jeez! Ano bang ginawa ni Eros bat ba umalis nanaman sya?

Mabilis kong hinila sa kwelyo si Eros na pinagtaka nya. Napaatras sya sa ginawa ko pero nanatili ang mga mata ko sa naguguluhang anyo nya.

"Damn it? Hanggang dito ba naman makikipag away ka pa sakin? "inis nya pang sagot.

"Anong ginawa mo? Why did she left? "inis ko ring sabi.

Mabilis nya akong naitulak dahilan para mapalayo ako sa kanya at napayuko na.

"I dont know...pero sa tingin ko, hindi pa sya nakakalayo"sagot nya sakin hawak ang leeg nito.

SHIEN'S POV:

Kanina pa ako palakad lakad pero iisang lugar lang lagi ang kinababagsakan ko.

Isang malinaw na ilog, na napapalibutan nang malalaking bato.

Hindi kaya namaligno na ako?

Teka uso ba sa lugar na ito ang maligno or lamang lupa??

Napailing iling nalang ako sa mga werdong iniisip ko.Hindi ko na rin nagawang maglakad ulit dahil napapagod na rin ako.

Umupo ako sa pinakamalaking bato at nanood nang mga isdang lumalangoy sa ilog na yun.

Ang dami nila. Ibat ibang kulay.

Ilang araw na din naman akong di nakakaligo kaya hindi na ako nagdalawang isip na maghubad nang suot kong uniform dahilan para underwear ko nalang ang natira sa suot ko.

Lumusong ako sa ilog.

Ang sarap.. ang lamig,parang narerefresh ako,parang nababawi yung laka---

Naalarma ako bigla nang maramdaman kong unti-unti akong lumulubog. Marunong akong lumangoy pero hindi ko magawang makaahon.

Anong klaseng ilog to?

Unti-unti na akong nakakaramdam nang kaba. Patuloy pa rin ako sa pagalaw nang mga paa ko para makaahon pero nakakapagtakang yung tubig ang humihila sa akin pababa.

Nawawalan na nang lakas ang mga paa ko. At naiinom ko na rin ang tubig sa ilog na yun.

Paano na?

Unti unti na akong lumubog sa tubig,mukhang hindi ko na kaya pang makaligtas.

May naramdaman nalang akong kumapit sa braso ko at humihila sa akin paahon.

Sino---sino sya?

EROS POV:

"Kanya to hindi ba? "

Hawak ngayon ni Theo ang uniform na maikling palda at blouse na puti na alam na alam kong suot nya.

Mabilis kong inagaw ang damit na yun dito at saka inamoy.

I have the ability to locate someone using my nose pero,naisip kong useless nga pala yun dahil umaga ngayon.

Ganun din si Theo na balot na balot nang itim na hoody at nakaitim na shades pa. Mukhang takot ang gago na masunog sa araw.

"Paano na?"Napapakamot pang sagot ni Theo.

Nawala lang ang focus ko sa kanya dahil sa bakas nang tubig sa isang malaking bato,at sa ilang patak nang tubig na tinuturo ang direksyon na papunta sa...

Naloko na!

"BILISAN MO THEO! SHES INDAGERED! "

SHIEN'S POV:

"LUMAYO KAAAA! "

Umecho ang tiling yun mula sa lugar na hindi ko alam kong ano.

That was me. Nagulat kasi ako na may tao na sa tabi ko nang imulat ko ang mga mata ko.

Medyo madilim sa loob, pero may konting ilaw na nangagaling sa lampshade na nasa harap ko kaya nakita kong may nakaupo sa tabi kong tao, pero hindi ko yun mamukhaan dahil siguro sa suot nitong itim na hood na nakatakip sa ulo nito.

Nasan ako?

"Gising ka na pala? "

Ang boses na yun.

Bakit kinilabutan ako sa uri nang boses na naririnig ko ngayon.

"Sino ka? "

Tumawa lang ito sa tanong ko.

"Hindi mo ba ako nakikilala? "

Tumayo sya mula sa pagkakaupo at lumipat nang upo sa isang mahabang sofa.

Inayos pa nito ang suot nitong mahabang suit at unti unting inalis ang nakatakip pa kaninang mukha nito which is his hood.

Lumitaw ang mahaba nitong buhok na hanggang bewang at saka pinusod iyon.Kitang kita ko ang ganda nang mukha nito,ang tangos nang ilong at ang mahahabang pilikmata nito.He looks a pretty man than a handsome one,pero nakakapagtakang ang putla nang kulay nito na lumilitaw sa nag iisang ilaw sa kwartong yun.

"Sino ka bang talaga? "Ulit kong muli.

Tumayo syang muli, this time nasa harap ko na sya ngayon.He stretched his arms to reached my hand,pero parang napaso ang mga kamay ko nang magdikit ang kamay nya sa kamay ko.

Bat ang lamig nang mga kamay nya?

"Hindi ka na malalayo sakin... anak"

.
.
.
.
.

(ITUTULOY)






Nephilim(Cursed Child) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon