20.AMNESIA

119 9 0
                                    

SHIENS POV:

"Kaya ko syang pagalingin... sa pamamagitan ng dugo ko"paliwanag ko.

Sa totoo lang kanina ko pa gustong sabihin sa kanya na may nakapag sabi sa akin na kaya kong magpagaling dahil daw sa tunay kong ina,pero hindi ko yun magawa dahil galit na galit sya sa akin,alam ko kasing pag sinabi ko yun mababaliwala lang ang lahat kasi baka maging sarado ang isip nya sa lahat ng sasabihin ko pero ngayon...

"Sigurado ka ba? "

Tumango tango ako.

Nawala lang talaga ang hesitations na yun dahil ramdam ko na willing sya sa lahat ng bagay para lang kay Hesha.

I set aside myself for  being scared dahil alam kong kapag nabuhay sya pagbabantaan nanaman nya ako

pero...

Siguro ito na ang magandang rason para hindi na sya palaging mainit ang ulo sakin.

Siguro sa pagkakataong ito magiging mabait na rin sya sakin.

"Sigurado ako.. "sagot kong muli.

"Paano? "sya

"Basta siguraduhin mo lang na walang kinuhang lamang loob sa kanya para mapagaling ko pa sya"ako

"Kapag namamatay ang kagaya namin, diretsong burol na at hindi na namin tinatanggal ang lamang loob ng mga yun kaya sure ako dun"

"Good "nakangiti kong sabi.

"Then whats the plan... "

THEO'S POV:

Nahiwalay kaming dalawa ni Tito sa dalawa. Lumalakas pa rin ang ulan,para bang wala ng hangganan. Wala ng katapusan.

"Saan papunta yung dalawang yun...may balak ba silang lapitan si Hesha"rinig kong sabi ni tito na nasa tabi ko lang kaya automatik na lumingon ako sa direksyon na sinasabi ni Tito.

Tama nga si tito.

Ano bang kalokohan ang naisip ng dalawa para lumapit doon e may posibilidad na may mga mata sa paligid ,naloloko na ba sila.

Akma akong susunod pero pinigilan kaagad ako ni Tito.

"Hayaan mo na sila.... I sense something... panoorin na lang muna natin sila.. "Wika ni Tito.

                           ❌❌❌❌

Alam kong hindi bukas ang senses ko kapag umaga pero kailangan ko pa rin magmanman. Babalik rin ang mga yun matapos tumila ang ulan at oras na mangyari yun...

Hindi ko na alam ang susunod pang mangyayari.

Baka hindi ko na gugustuhing alamin pa yun dahil may kutob akong hindi yun maganda.

Lumapit si Shien sa tabi nang isang parihabang kama na gawa sa kahoy habang napapapalamutian ito ng purong puting bulaklak.

Hesha is lying on her wooden styled bed as if she was just asleep handling a pure red roses bouquet.

Sa tapat noon ay sina Shien at ang sumunod na si Eros. Nakatitig ang dalawa kay Hesha pero ang sumunod na pangyayari ang ikinagulat ko.

Kumuha si Shien ng isang piraso ng roses kasama ang tangkay at ang matalas na parte ng ilalim ng tangkay ang syang iginilit nya sa palad nya.

Nabigla ako.

Lalapit na sana ako pero pinigilan pa rin ako ni Tito.

Tumingin ako rito at umiling iling sya.

"Hayaan mo sya... "sagot nito.

Lumipas ang ilang segundo. Pinatak ni Shien ang dugo na nanggaling sa palad nya dahil sa pag gilit nito sa sarili sa mismong tapat ni Hesha.

Hindi ko masyadong makita kong saan yun pumatak pero biglang dumilim ang buong kalangitan.

Nagkaroon ng ilang kulog at sumunod na bumagsak sa lupa ang isang malaking kidlat na tumama mismo sa kinalalagyan ni Hesha.

I was shocked.

Malakas na pagsabog ang nangyari.

Umaapoy na rin ang buong kama.

Hindi ko na to matatagalan.

Baka mapahamak si Eros.

Baka mapahamak si Shien.

Pilit na binabawi ni Tito ang katawan ko palayo sa kinaroroonan namin dahil aalis na talaga ako para puntahan sina Eros.

Alam kong walang makakaligtas sa pagsabog na yun.

Sa lakas nang impact naputol ang ilang puno sa may parte namin. Nagbagsakan yun at muntik muntikan pa kaming bagsakan ,pero nakaiwas lang kami.

Napahinto ako sa pagpupumiglas ng may kaisa isang nag liliwanag sa paligid.

Unti unti iyong bumagsak sa lupa kasabay ng pagmarka ng malaking pagkawasak ng lupa.

Isang malaking puti at itim na pakpak ang visible ngayon sa paningin namin. Parang isa itong harang na nakatakip sa nasa loob.

Unti-unting bumukas ang pakpak at tuluyan rin itong nawala makalipas ang ilang segundo, saka ko lang nakita sina Shien at Eros sa loob hawak ang katawan ni Hesha.

Inilapag ni Eros ang bangkay sa lupa.

Nagsimula nang magliwanag ang paligid. Unti unti na ring bumabalik ang puting ulap sa kalangitan.

Sa isang iglap lang...

May araw na muli.

Maya-mayay tumayo si Hesha mula sa pagkakahiga.

Impossible.

Buhay sya?

Buhay na si Hesha??

.
.
.
.
.
(ITUTULOY)

Nephilim(Cursed Child) [COMPLETED]Where stories live. Discover now