6:RED CITY

208 9 0
                                    

WARNING:RATED PG

SHIEN'S POV:

"Nabalitaan nyo na ba guys, andito na raw si Hesha, dito na rin daw papasok yun. Saka kong ako sa inyo, wag nyo nang maflirt flirt yung si Eros dahil pagnalaman laman nyang nilalandi nyo yun. Baka ipasok nya kayo sa Red City"

"Hala, No way! Ayoko nga gosh"

"Really, wag mo nang uuliting sabihin yun ah. Thats creepy"

"Hala ayan na si sir mamaya na natin ituloy ang kwentuhan right girls"

Hindi ko man gustong marinig ang usapan sa paligid ko, para yatang mga bingi ang kausap nang mga classmates ko dahil ang lalakas nilang magsalita, sino ba yung Hesha? Yun rin ba yung babaeng kumausap sa akin nung isang araw na pinagbantaan ako na wag ko daw gustuhin yung Eros na yun? Aish? Bat ko nga pala pinapakielaman ang buhay nang may buhay. Bahala na sila kong saan sila masaya.

"Okey class, Iam Khurton Vinche Gust your english professor, might as well greet each other with goodday to everyone. "

Isa isa na silang nagbatian, bumati rin ako pero inirapan lang ako ng katabi kong babae. Lumabas pa ang itim na awra nito sa katawan. Hindi ko na lang yun pinansin.

Matangkad si sir, well halos lahat yata nang estudyante maging teachers e matatangkad ,including me,naka suot ito nang reading glass at hawi ang kulay itim nitong buhok. Maputi at bilugan ang mga kulay brown nitong mga mata.. na nagsusumigaw ang salitang amerikano ako sa itsura nito. Infairness naman, may amerikano pala sa school nato.

Half rin kaya sya?

"Well... Lets start the lesson guys"Nakangiting sabi pa nito sa amin.

❤.❤.❤.❤

[Miss ,

Sorry, for being a bad guy to you last week ilang beses kong gustong puntahan ka pero mas pinili ko nalang manahimik muna dahil nahihiya ako sayo. I tried to be a better . Kaya nagdesisyon na akong umalis sa lugar na to, to fulfill my duty. Iam now going to the Red City, hopefully makakaya ko nang kontrolin ang ability ko once na magkita tayong muli.

Theo]

Ginusot ko ang hawak hawak kong papel na nakapatong sa desk sa library. Umalis na ba talaga si Theo? Bakit hindi man lang sya nagpakita sa akin? Hindi ako galit sa kanya. Hindi rin naman nya ginusto yung nangyari at kong ano sya.

Ano ba talaga ang Red City na yun?

Bakit kanina sa room takot na takot nilang puntahan yun pero, gustong gustong puntahan naman ni Theo?

"Get out! This is my place! "

Isang naka offshoulder dress na itim ang pumasok habang itinulak naman nito ang isang estudyante na nagbabasa lang nang libro.

Sasagot pa sana ito nang bigla nalang itong kumumpas at nagkaroon ng ulap sa harap nito na may kasamang kulog at kidlat saka tuluyang pumatak ang ulan sa harap mismo nung estudyante.

Nagsilayuan ang ibang nandun habang tulala lang na nakapanood ang katabi kong SA rin.

"May biktima nanaman sya"

"Umalis na tayo baka madamay pa tayo"

Isa isa nang nauubos ang tao sa loob, pero bakit wala man lang umaawat dito.

Akma akong lalapit nang hawakan ako sa braso nang katabi ko sabay iling.

"Hindi mo sya kaya. Malakas sya. Kahit si directress hindi sya maawat"

Nephilim(Cursed Child) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon