17.CONNECTED

138 6 0
                                    


SHIEN'S POV:

"Tara na.. she treated us an enemy so be it."malamig na sabi ni Eros.

Karga nya na ngayon ang walang buhay na si Hesha kasunod ang malungkot na si Theo pero bigla itong huminto.

"Hindi... isasama natin sya. Diba Miss"nakapout pang sabi ni Theo na nagulat pa ako ng hatakin nya ako para sumunod din sa kanila.

Lumingon si Eros at nakita kong nagbabaga ang mga mata nitong pinukol si Theo.

"Leave her alone"Matigas na wika nito.

"Pero... Eros naman. "Pagpupumilit nito.

Naging pula ang itim na mga mata ni Eros,hudyat na galit talaga ito.

"Its not her fault... si Hesha ang gumawa ng bagay na ipapahamak nya... "giit ni  Theo.

Inilapag ni Eros ang walang buhay na katawan ni Hesha at tuluyan nang nagpalit ng anyo.

He become a warewolf.

Nakadagdag ng tensyon sa dalawa ang malamig na simoy na hangin na nanggagaling sa kagubatan na kinaroroonan namin.

Madilim ang paligid pero tanging liwanag lang ng kalahating buwan ang nagbibigay ilaw sa aming lahat.

Mula sa itim ,pumula na rin ang mata ni Theo. Humaba ang mga kuko nito at lumabas ang pangil nito.

Mukhang handa na silang makipaglaban.

Hindi ko na hinintay na gawin nila yun. Pumagitna ako sa kanila at pareho ko silang tinulak.

Hanggang ngayon natutulala pa rin ako sa abilidad na meron ako.

Mas nakokontrol ko na ito hindi kagaya ng dati dahil...tumilapon lang ng hindi kalayuan ang dalawa.

"Tama na. Wag na kayong mag away. Sige aalis na ako. Salamat nalang.. "Sagot ko.

"Miss... "si Theo.

Dahan dahan syang tumayo mula sa pagkakahiga.

Hindi ako nagsalita.

Matapos nun ay tumalikod na ako sa dalawa,pero bago pa ako makalayo nakita ko pa ang dalawa na papaalis na habang paika ikang parehas na naglakad.

Mas mabuti na to.

Mas masisiguro kong wala na akong masasaktan pa.

THEO'S POV:

"Anong nangyari sayo..? "

Isang oras na ang nakakalipas ng mawala si Miss pero nakakapagtakang biglang nanghina tong si Eros.

Bubulyawan ko pa sana sya dahil hindi namin sinundan si Miss pero ito ang nangyari.

"Hi-Hindi ko alam.. nahihilo ak----"Yun lang ang nasabi nito at tuluyan na itong nawalan nang malay.

Pero bago pa sya tuluyang nawalan ng malay nasalo ko pa si Hesha sa mga bisig ko.

Its weird.

Eros is our strongest ally..

Hindi kaagad yan macocolapse ng ganyan,lalo nat hindi naman sya napuruhan kanina sa pakikipaglaban.

Is it all because of what Miss did to us.

Pero kong ganun bakit hindi ako nasaktan?

Dapat nanghihina din ako kagaya nya.

Nephilim(Cursed Child) [COMPLETED]Where stories live. Discover now