15.FATHER

144 6 0
                                    


SHIEN'S POV:

"Matagal nang patay ang papa ko."

Seryosong sagot ko.

"...Kong ganun, bat buhay ako ngayon"

Tumayo na ako mula sa kamang kinahihigan ko dahil hindi ko na gusto ang nangyayari ngayon.

"Binuhay mo ako anak"

Binuhay?

Natigilan ako sa narinig ko.

Saka napatingin muli nang diretso sa kanya.

"Ang dugo mo... ang dugo mo ang bumuhay sa akin"

Doon ko lang naalala ang bangkay na katabi ko noong nasa laboratoryo ako. Posible bang sya yun?

Posible bang sa kanya napunta ang dugo ko nang hindi ko alam dahil pinilit nila noon na kunan ako nang dugo at nagtagumpay sila, doon mismo sa madilim na lugar na yun at nung mga panahong nahihilo ako.

"Alam kong naguguluhan ka pa pero, ako talaga ang tunay mong ama"

Muntik na akong atakihin sa gulat ,dahil nandito na sya mismo sa harap ko.

Paano nangyari yun?

Hindi ko na magawang magsalita nang dahan dahan syang yumakap sa akin.

Nang mga oras na yun, ramdam na ramdam ko ang tibok nang puso nya at ang paghinga nya. Hindi ko maipaliwanag pero parang natutuwa ako sa nararamdaman kong yun.

Siguro dahil hindi ko naranasan ang ganitong pakiramdam noong nakay tito ako. Siguro dahil sya lang ang nagparamdam noon sa akin.

Naputol lang ang yakap na yun nang marinig namin ang malakas na pagkawasak nang pinto kaya lumitaw ang liwanag na nagmumula sa labas. Kasabay nang dalawang nilalang na papasok na ngayon sa loob.

Paano nila ako natunton?

@@@@@@

"Layuan mo sya? "

Si Eros yun, habang walang salita naman akong hinigit palayo nitong si Theo sa papa ko.

"Bitawan nyo ako. Hindi sya masama! "Giit ko.

"Naririnig mo ba ang sinasabi mo?Hindi mo sya kilala kaya,hindi ka dapat magtiwala sa kanya"mahinang wika ni Theo.

"Kong ganun, anong dahilan ko para pagkatiwalaan ko kayo?...hindi ko rin naman kayo ganun.. kakilala. "giit kong muli.

Natawa si Eros sa sagot ko. Habang nag aalalang napatingin sa akin si Theo.

"Marami na tayong napagdaanan, hanggang ngayon ba wala ka pa ring tiwala sa amin. Oh comeon!"si Eros.

"Paano nga ba..pano ko ipagkakatiwala ang sarili ko sa inyo? Ang papa nyo, ang dumukot sa akin para pag experimentuhan ako hindi ba? Balak nya ring gamitin ako sa kasakiman nya? Hindi ako tanga, Theo.. "Inis ko itong tinignan. "Lalo kana Eros"Pinukol ko ito nang masamang tingin. " Ayoko nang mainvolve sa inyong dalawa. Hindi ko na hihintayin pang ipadala nyo ako sa hayop nyong ama. Tama na. Wag na kayong umasa na sasama pa ako sa inyo."Inis kong bulyaw.

"Wow... yun ba ang isusukli mo samin? Ang pag isipan kami nang masama? Paano mo nagagawang----Theo ano ba! "

Pinigilan sya ni Theo at hinigit palayo.

Hanggang sa dumistansya na ako at hinawakan ang kamay ni papa.

Kasabay nang paglabas naming dalawa sa lugar na yun at para lumayo sa dalawa.

Nephilim(Cursed Child) [COMPLETED]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang