33:PAG IISANG DIBDIB

99 6 0
                                    

SHIEN'S POV:

Lutang ang isip ko habang nakatingin ako sa repleksyon ko sa salamin. Aminado akong hindi ako nakatulog ng maayos kagabi,kayat tanghali na nang magising ako ngayon.

Napatingin nalang ako sa orasang nasa pader sa harap ko at alas tres na pala ng hapon.

Wala pang limang minuto napalingon nalang ako ng isa-isang pumasok ang ilang mga tauhan ni Theo dala-dala ang isang malaking kahon,lahat sila ay mga babae. Ang iba ay may kanya kanyang dalang bag na hindi ko alam kong ano ang laman.

Humilera sila isa isa at sabay sabay na nag bow.

         "Binibini... kami ang inatasan ng hari upang ayusan ka sa inyong pag iisang dibdib maya-maya lang.. "Sabay sabay paring litanya ng mga yun.

Walang emosyon akong tumango.

Saka sila isa isang lumapit sa akin at nagulat pa ako ng hawakan nila ako sa kamay at dalhin sa banyo.

      "Ang una po nating gagawin ay ang paglilinis ng sarili.. "Sabat ng isa.

     "Teka, pwede bang ako nalang ang gagawa nun.. "Awat ko sa mga ito nang tuluyan na kaming makapasok sa banyo.

Yung iba ay binuksan na ang tubig sa halatang lumang klase ng bathtub. Alam ko ang tawag roon dahil meron kami nito noon sa bahay sa mundo ng mga tao.

Yung ilan naman ay nagsasaboy ng talulot ng mga ibat ibang klase ng bulaklak sa tubig ng bathtub na yun.

   "Pasensya na binibini pero, pinag utos po sa amin na gawin ito sa inyo at kapag sumaway kami. Mahigpit na kaparusahan ang igagawad samin"Malungkot na sabi pa rin ng isa sa representative ng mga tauhan nila Theo.

Nanlaki nalang ang mata ko nang bigla nalang nilang hinatak ang suot kong palda at inalis ang butones ng suot kong blouse.

    "Sandali... ako nalang ang.... "

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil sa isang iglap wala na ako ni isang saplot sa katawan.

Habang naririnig ko naman sa paligid ang mahihinang tawa nila.

THEO'S POV:

       "Ang gwapo nyo talaga mahal na hari... "Komento ng aking katulong habang nakatingin sa aking kabuuan.

Suot ko ang isang puting polo na napapatungan ng itim na kapa. Pinili kong ipusod  ang may kahabaan kong itim na buhok habang itim na pantalon naman ang nasa pang ibaba nito. Kasunod nito ay ang itim na sapatos para kompleto na ang lahat.

Napabuntong hininga ako matapos kong makita ang aking sarili sa malaking salamin.

Maya-mayay narinig ko nalang na may kumatok. Hindi na ako nagdalawang isip pa at pinapasok ko nalang ito.

     "Kumusta si Shien...? "Tanong ko sa katulong ko na nasa harap ko na ngayon.

    "Tapos na po ang kanyang paglilinis. Kasalukuyan po namin syang pinapakain kanina, ngunit hindi man lang nya ginalaw ang pagkain na inihanda namin sa kanya...kayat inayusan nalang namin sya"Sagot nito ng nakayuko.

Kahapon pa sya hindi kumakain?

Bakit hanggang ngayon, wala pa rin syang gana?

    "Pupuntahan ko sya... "Sabi ko na pero inawat kaagad ako ng katulong.

      "Mahal na hari, hindi po maaari. Hindi nyo ba naaalala ang ritwal? Bawal ho ninyong makita ang BRIDE KING habang hindi pa kayo tuluyang nagiging isa... "Paliwanag nito.

Nephilim(Cursed Child) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon