34: THEO Between good and Bad

103 6 0
                                    

SHIEN'S POV:

Malungkot na umalis si Theo sa harap ko habang hinahabol ko lang ng tingin ang likuran nito ,hanggang sa sumara na ang pinto.

Aminin ko man o hindi, naguguilty ako sa mga sinabi ko kanina kay Theo.

Niyakap ko ang sarili at yumuko.

Gustuhin ko mang iwasan tong nararamdaman ko at isipin ang iba, alam kong yung sarili ko na ang kusang gumagawa ng paraan para sundin ang mismong nasa puso ko.

Yung nangyaring pagbaril ng ginoo kay Eros ,nagpapatunay lang na hindi ko kayang hayaan nalang itong masaktan.

Kong tutuusin, hindi naman na dapat ako nakikialam dahil, tanggap ko na ang kapalaran ko.

Tanggap ko na, na si Hesha ang gusto nya.

Pero------

.
.
.

Hindi ko maiwasang magpakawala ng malalim na pag buntong hininga.

THEO'S POV:

Nakatitig lang ako sa nakahelerang bangkay na mga babae sa harap ko. Wala na silang mga buhay at halata sa kanila ang pagkatuyot ng balat.Napatingin ako sa gawing kanan ko.

Iisang babae na lang.

Halata sa kanya ang panginginig.

Tatakbo pa sana sya pero, hindi ko hinayaang mangyari yun.

Pakiramdam ko ang takot na meron sya ngayon ang nagpapadagdag ng pagnanasa kong gawin rin sa kanya ang ginawa ko sa mga babaeng yun.

Gabi na kayat mas nagiging malakas ang abilidad ko.

Sa isang iglap hinarangan ko sya ,dahil balak nya nang sirain ang pinto. Andito kami ngayon sa basement at alam kong kahit magsisigaw sya walang makakaalam.

"Mahal na har-----ahhhh? "

Nahuli ko sya. Hinigit ko sya sa bewang at  kasabay nun ay ang kanyang pagtili. Tili na parang musika sa pandinig ko.

Handa ko na syang sakmalin...

"Mahal na hari... Ba-bakit nyo kailangang pumatay... Bakit nyo gustong kitlin ang buhay naming mga inosente?Hindi bat pinagbabawal ito ... Baki----ahhhh! "

Natigilan ako, saka naitulak nalang sya bigla.

Hindi dahil sa naawa ako sa kanya.

Kasi, parang sumapi sa katauhan nya si Shien. Bigla syang naging si Shien dahilan para unti-unti akong kumalma.

"Umalis ka na! "Sigaw ko rito at tuluyang kumaripas ng takbo at halos madapa pa ng bumukas na ang pinto at tumakbo palayo.

Tumingin ako sa paligid.

Dun lang ako nakaramdam ng awa ng makita ko ang nakamulat na mata ng mga babaeng kinuhanan ko ng dugo.

Napaupo ako.

Saka itinakip ang dalawang kamay na may bahid na rin ng dugo dahil sa pagpahid ko ng kamay ko kanina sa labi ko.

Bakit?

Bakit ko yun ginawa?

Nanlulumo ako sa nangyari.

"Tinakasan ka ba nito aking Hari? "

Bumukas ang pinto mula sa basement ,nakita ko nalang si Dad na may dala dalang babae at karga nito sa may balikat.

Nagpupumiglas ito at umiiyak.

Nephilim(Cursed Child) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon