32.Lantad

111 6 0
                                    

SHIEN'S POV:

       "Tumigil na kayo.. "Awat ko na,at marahang itinulak ang dalawa dahil nakikita ko sa mga mata nila ang nagbabagang mga tingin na para bang anumang oras may magaganap na pagbabanggaan.

Ilang metro din ang inilayo nila,  halata sa bawat isa ang malaking tensyon na pumapalibot sa awra nila kahit naglayo na silang dalawa sa isat isa.

       "Umalis ka na.... Eros! "Matigas kong sabi,dahil alam kong sya ang nag umpisa ng malaking tensyon at para matigil na rin ang gulo na tingin koy ayoko rin naman simulat sapul na magsimula.

Tumingin si Eros sakin at inayos ang sarili mula sa ilang alikabok na kumapit sa kanya matapos ko silang naitulak ng ilang metro at lumikha ng nakakapuwing na pagkalat ng alikabok sa paligid , si Theo naman ay hindi inaalis ang masamang tingin kay Eros habang nagpapagpag rin ng suot nito.

Ilang araw lang kaming di nagkita pero, bakit parang may malaki nang pinagbago si Theo?

     "Sa ginagawa mo ngayon, pinapatunayan mo lang talaga, na tama ako at mali ka... Shien.Sinabi mo sa akin na gusto mo lang na iligtas si Hesha bilang kapalit mo, pero ang totoo gusto mo lang talagang pumalit sa kanya dahil madali para sayo na maging Bride King at maging asawa ni Theo....kasi , hindi kana mahihirapan, buhay reyna ka na...?Nabulag ka na nga talaga sa kapangyarihan! "

Thats Eros.

Hindi ko sya pinansin.

Pagod na akong magpaliwanag.

Bahala sya kong ano pang masasamang salita ang ibato nya sa akin ,basta alam ko sa sarili ko na mali sya sa pinaparatang sakin.

     "Shien... tara na.."Rinig kong sabi ni Theo na marahang hinawakan ang kamay ko. Di ko akalain na andun na pala sya sa tabi ko.

Hindi na ako umangal, sa halip,  hinayaan ko si Theo na hawakan nya ang kamay ko at umalis sa harap nitong si Eros.

"Gusto mo na ba sya? Mahal mo na ba si Theo.... ganun ka na ba kabilis mag palit ng isip. Sinabi mong gusto mo ko, pero bakit ngayon, parang si Theo na ang pinipili mo? "

Natigilan na ako ng tuluyan.

At gulat sa narinig ko.

Paano nya nalaman?

Paano nya....

         "Nung magkasama tayo, nakita ko ang mga bagay na binabalewala ko lang noon na nakikita ko sayo. Alam ko na lagi na tayong nagkakasama pero hindi katulad noong nasa mundo na tayo ng mga tao,doon ko masasabing mas nakilala kita, doon ko masasabing naging masaya ako noong araw na yun.I can sense how genuine you are. How sweet and caring you are to me... until we reached the cave....hanggang sa narinig ko ang sinasabi mo habang naghahalucinate ka.Ginigising kita kahit nakatayo kalang at may kinakausap na kong sino...at may bagay akong hindi ko akalain na sasabihin mo....You said you like m-------"

     "Tumigil ka na! "Awat ko na.

Hindi na ako nakatiis at nasabi ko na yun.

Humarap na ako sa kanya habang si Theo naman ang palipat lipat sa amin ng tingin na parang gulong gulo sa nakikita at naririnig.

        "You like me... You said you already like me! Kong gusto mo ko, bakit kailangang magpakasal ka sa kanya. Kong gusto mo ko. Ako ang pipiliin mo hindi si Theo. "Pagpapatuloy nya pa rin kahit pinapatigil ko na sya.

Parang nalunok ko nalang ang dila ko at hindi ko nagawang makapagsalita.

       "Mga kawal ilabas nyo na si Eros, wag na wag nyo syang papapasukin....! "Si Theo.

Nephilim(Cursed Child) [COMPLETED]Where stories live. Discover now