23.Susi

119 6 0
                                    


SHIEN'S POV:

"Hindi basta basta ang gusto nyong mangyari... "Paliwanag ni uncle habang ini-eksamin nya ang isang sugatang lobo.

Kinausap kasi namin sya sa gagawin naming plano na pagpunta sa mundo ng mga tao, at yun marahil ang solusyon kahit papaano ng problema naming dalawa ni Eros pero yun ang sagot nya samin.

Andito kaming tatlo nila Casshiophea habang nakasandal lang sa pinto ng clinic nito si Eros.

"Bakit po... ano po bang problema? "tanong ko.

Tumingin sya sa akin sunod kay Casshiophea.

"Matagal nang ipinasara ang lagusan simula nang malaman ng Red Master na maraming lumalabas at nakikisalamuhang mga nilalang na kagaya namin sa tao.Pinag utos kasi nito na pagbawalan lahat ng mamayan rito na dapat kaaway ang tingin namin sa mga tao,ngunit may iilan pa ring hindi naniniwala dahil daw nakasalamuha nila ang mga yun kayat pinatawan sila ng kamatayan. Simula noon pinaparusahan ang lumabag dito kaya mas minabuti pang ipasara nalang mismo ito ng tuluyan.."

"Paanong nangyari yun? How come na nakapasok ako rito dahil sa lalaking nagpapasok sakin rito"sabad ni Casshiophea.

"Ako rin... hinatid pa ako roon ni Tito"dagdag ko na rin.

"Maaaring...ang nagdala sa inyo ay may susi ng lagusan... "si uncle.

"Susi? "sabay naming sabi ni Casshiophea.

"...At dahil may mga bagay na wala sa mundong ito ang mga pangangailangan ng Syudad. May iilang kasapi ng organisasyon noon ay binigyang laya na magkaroon ng tig iisang susi para malaya silang makapunta sa mundo ng mga tao para na rin sa transaksyon na kailangan din nating mga mamayan rito. Sila ay ang mismong namumuno ng bawat syudad... "Explain nito.

"You mean tito ,meron ka rin ng susi na yun? "ako.

Umiling iling sya.

"Hindi ako ang may hawak ng Red City...maybe my brother owns one,dahil sya ang pinagkatiwalaan ng Red Master na maging leader ng Red gang.. "saad nya.

"Ibig sabihin sya ang kailangan namin para makalabas ng lugar nato? "

Pare-parehas kaming lumingon nila Casshiophea dahil si Eros na ang nagsalita.

EROS POV:

"Nandito na tayo... "

Nasa harap kami ngayon ng malaking arko na may nakasulat na malalaking letra na bumubuo sa salitang.

DE LA VEGA MANSION.

Andito kami ngayon sa Tanzania Village para sa isang mission. Kailangan naming makuha ang susi sa loob pero bago ang lahat, tatalunin muna namin ang mga gwardya na nakapalibot lang sa bawat sulok ng mansyon ni Dad.

Gabi ngayon at naka anyong lobo ako sakay ang babaeng ito.

Hindi madali ang pagpunta sa lugar na ito. Kayat naisip ko nalang na sa sekretong daan kami pumunta.

Yun ang dinadaanan namin ni Theo noong bata pa kami kapag nahuhuli kami sa curfew dahil sa panghuhuli ng mga hayop noong bata pa kami.

Para kang sumusuot sa isang butas ng karayom kong hindi yung daan na yun ang gagamitin namin para makarating sa mansyon. Sa dami ng gwardya at ilang detector sa paligid para sa mga nagtatangkang makapasok hindi ka talaga makakarating ng buhay sa mansyon na ito.

Nephilim(Cursed Child) [COMPLETED]Where stories live. Discover now