26: BRIDE KING REVELATION

138 9 4
                                    

SHIEN's POV:

"F***!"

Napasinghap nalang ako dahil sa narinig kong yun mula kay Eros. Kasunod nun ay ang pagsipa nya sa kaawa awang bato na nasa unahan lang nya.

Kanina pa sya tahimik habang kasu-kasunod nya ako paalis ng mansyon pero hindi ko akalaing yun naman ang babasag sa katahimikan namin.

Dahil pa rin ba yun kay Hesha?

O di kaya dahil sa hindi namin nakuha ang susi palabas ng mundong to...

O baka naman...

...dahil sinabi nung ginoo na si

Theo na daw ang...

Hari ng Red City?

Hanggang ngayon nasa isip ko pa rin ang nangyari kanina.

Totoo ba talaga yun?

Kaya ba wala na si Theo sa poder namin dahil mas pinili nyang tanggapin ang pagiging hari kesa sa amin?

Kinuyom ko ang kamao ko.

Napupuno pa rin ng tanong itong isip ko pero saglit din akong umiling.

Hindi naman ganung klase si Theo di ba baka...

Baka-------

"Awww!"

Marahil sa kakaisip ko hindi ko napansin na tuloy tuloy lang ako sa paglalakad kaya tuluyan ko na palang nabangga ang mismong nasa unahan ko which is..

Oo si Eros.

Na nakalingon na sa akin ngayon at nakakatusok yung mga tingin nya ngayong pinupukol sakin.

"...Clumsy eh? "

Imbis na pansinin sya napahawak nalang ako sa noo ko.

Ang tigas naman kasi ng naumpugan ko,yung mismong likod nya e. Tss!

"Would you please, walk quicker... ang bagal bagal mo.."matapos nun ay tumalikod na sya sakin at parang wala lang na naglakad palayo.

Hindi na ako nagsalita.

Mas mabuti nang maging tahimik kesa makipag away sa masungit na lobong kagaya nya.

I should just set myself calm...

Baka mamaya may kong anong bagay akong magawa, cause Iam still clueless of my real ability. Kong may panibago pa ba akong madidiskubre o hanggang doon nalang talaga.

Sa kabilang side nya ako dumaan at nauna na pero habang naglalakad nanlaki nalang ang mata ko dahil napansin kong lumulutang nalang ako sa ere.

Anong---

Lumingon ako mula sa likod at nakita ko si Eros na nasa lobong anyo. Kagat kagat nya ang mismong damit ko patalikod.

Napatili nalang ako ng tumalon sya sa mataas na puno ng acacia at lumanding sa isa sa sanga nito.

Kahit naman nakakalipad ako dati, dahil sa pakpak na lumalabas sa likod ko e hindi ko yun kinatatakutan dahil nababalanse ko lang ang galaw ko pero sya...

Halos mawala na sa loob ng dibdib ko ang puso ko sa kakasigaw dahil sa mabilis nyang palipat lipat ng sanga.

Naging mas malikot ako dahil sa pagkalula hanggang sa naramdaman ko nalang na bumubulusok na pala ako pababa.

Marahil dahil sa nakabitaw ako sa ngipin ni Eros.

Nagconcentrate ako para ilabas ang abilidad ko pero mukhang hindi yun mangyayari dahil sa unti-unting paglitaw ng araw sa may gawi ko.

Nephilim(Cursed Child) [COMPLETED]Where stories live. Discover now