43:PROPOSAL

83 5 0
                                    


THEO'S POV:

"Hindi mo ba sya hahanapin...o susundan man lang? "

Isang hakbang nalang sana para tuluyan nang pihitin ni Shien ang pinto, papasok ng mansyon ng huminto nalang ito.

"May kanya-kanya na kaming buhay...ikaw na ang pinili ko. "

Nang mga oras na yun hindi ko napigilang mapangiti. Totoo na ba to?

Naglakad ako palapit sa kanya at tuluyan ko syang hinawakan sa kamay,dahilan para lumingon sya sa akin at nanlaki ang mata sa ginawa ko.

"Shien..."

Hindi ko na maiwasang yakapin sya ng mahigpit habang nanatili lang syang nakatayo na parang natutulala sa nangyayari.

  "Mahal kita...hindi man ako ang unang minahal mo,gagawin ko ang lahat para ako na ang huli, dyan sa puso mo. "

Unti-unti ko nalang naramdaman ang mga kamay nya sa bewang ko.

  "Salama-----"

Hindi ko na narinig ang huli nyang sinabi dahil naramdaman ko nalang na lumuwag na ang pagkakayakap nya sakin.

    "Shien??"

    "Shien?? "

Paulit ulit kong tinatawag ang pangalan nya pero hindi sya sumasagot.

Ano bang nangyari sa kanya?

Mula sa pagkakayakap binuhat ko na sya na parang bagong kasal.

Nakita ko ang pamumutla ng labi nya. Walang tigil na rin ang pagtulo ng pawis nya sa noo.

"Shien...gumising ka! "

                        
SHIEN'S POV:

Nanlalabo pa ang mga mata ko nang iminulat ko ang mga mata ko. Inobserbahan ko ang paligid.

Wala na ako sa labas ng mansyon.

Ang huli ko kasing natatandaan ay kayakap ko si Theo at nakaramdam na ako ng hilo.

Tapos----

"Gising ka na pala... "

Medyo madilim sa loob dahil sa kurtinang tumatakip sa bintana pero ang boses na yun ay kilalang kilala ko.

Naramdaman ko nalang na lumubog ang side ng kama ko at napaupo nalang ako ng may malamig na kamay na humaplos sa binti ko.

"Theo? "

Sa pagkakasabi ko palang ng pangalan nya isa isang nagbukas ang ilang kandila na nasa mga dingding nang kwartong yun.

Sa bawat paligid ng kwarto ay nagkaroon na nang liwanag.

Sa harap ko kampanteng nakaupo si Theo habang halos matakpan na ng mahahaba nitong buhok ang kalahati ng mukha nito.

Nakaramdam nalang ako bigla ng kakaiba.

"Tandang tanda ko.Hinding hindi ako nagkakamali.Walang nangyari sa atin nung gabing yun Shien? "

Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Theo. Ano bang pinagsasabi nya,  hindi ko sya maintindihan?

"You said no. You cried. Hindi na kita pinilit pero... "

Nakita ko nalang na malalim syang bumuntong hininga at napalunok pa ako ng mapako ang mga mata ko sa pula nitong mga mata.

Nephilim(Cursed Child) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon