11.DESTINY

180 6 0
                                    


SHIEN'S POV:

Pagmulat nang mata ko, puro kadiliman lang sa paligid ang nakikita ko.

Nasaan ako?

Anong klaseng lugar to?

Tumakbo ako.

Gusto kong umalis sa lugar nato. Gusto kong makahanap nang liwanag pero nabigo ako.

Wala ni isang liwanag akong nakikita.

"Ilang minuto nalang...makikita mo na kong ano at sino ka"

Ang boses na yun.

Familiar sya... parang narinig ko na sya dati?

Ewan ko ba pero parang may nakaaninag ako bigla ng liwanag.

Ang liwanag na yun na nakafocus lang sa iisang direksyon at sa kaisa isang tao na nakakadena sa harap ko.

Nakatalikod sya sa akin pero nakagapos sya roon.

May mga sugat na parang pasa at ilang latay sa katawan.

Nagulat pa ako nang biglang may itim na pakpak na lumitaw sa likuran nito.

"Si-sino ka? "Kusang lumabas ang salitang yun sa bibig ko kahit nanginginig na ang boses ko sa kaba.

Napako na rin para ang mga paa ko dahil sa werdong bagay na nakikita ko.

Tumawa sya. Tawa na nagecho sa buong lugar na to na hindi ko pa rin alam kong ano.

"Ako... ako ang iyong ama"Garalgal na boses na sagot nya

Saktong pagkasabi nito niyon ay naputol ang nakagapos na kadena sa dalawang matipunong braso nito. Hubad ang itaas na bahagi nang katawan nito at hindi ko rin maaninag ang buong katawan nito kundi ang pantaas lang.

"A-ama?" Nauutal ko pa ring sabi

Humarap sya saakin at kusang umurong naman ako para iwasan sya.

Ang buhok nya ay halos matakpan na ang buong mukha nya dahil sa haba nito.

"Isang segundo nalang... anak! Lahat nang akin ay mapapasayo.Ako ay ikaw at ikaw ay ako..Kaya ihanda mo na ang sarili mo. Ang mga tao. Ang kawawang mga tao na tumatapak sa iyo ay syang tatapakan mo, wala nang pang aapi, wala nang awa... dahil ikaw ang magdadala nang pamana na walang makakagapi, Ang lakas na pag aagawan nang bawat lahi"

Gulong gulo ang isip ko. Anong ibig nyang sabihin??

Ama ko sya?

Imposible..

Hindi.. Hindi yun pwed---

"Gising na sya... master"

Iminulat ko ang mga mata ko. Hindi na gaya kanina na dilim lang ang nakikita ko. Puno na ngayon nang liwanag pero muntik pa akong mapatili sa isang katabing bangkay na katabi ko na mismo.

Napaupo ako sa kama saka iginala na ang mga mata sa paligid. Lahat nang mga tao na nanduon ay may mga nakatakip nang mga maskara ang kani-kanilang mukha at may tatak na Red gang ang bawat isa sa mga yun. Imbis na itim kundi puti ang mga suot nila.

Naglakad papalapit sa akin ang may katandaan na nakaupo lang kanina sa harap ko at doon lang ako hindi makapaniwala sa nakita ko.

Hindi ako nagkakamali, sya mismo ang lalaking ama ni Theo. Suot ang puti na parang uniform nang isang doktor.

"Shien.. hindi ba? "Rinig kong sabi nya na nakatayo na sa harap ko.

"Nasaan ako? "Inis na bulyaw ko.

"Nasa laboratoryo kita binibini"

"Bakit? "

Imbis na sumagot, lumapit ito sa isang nabubulok na bangkay na nasa harap ko.

"Dahil... ikaw ang susi para buhayin sya? "

"Nagkakamali kayo... hindi ko kayang bumuhay? "

Lumingon sya sa akin at seryosong tumingin.

"Kagaya ba nang ginawa mo sa mga tauhan ko? "

Kunot noo akong tumingin dito ,saka maya mayay sumenyas ito sa tauhan nito at may inabot na isang tablet at plinay nalang nya ito sa harap ko.

"Ang unang video ay ang cctv photage sa laboratory ko sa Red lab. At ang sumunod ay ang warehouse na pinagtaguan ko sayo"

Napahawak ako sa bibig nang makita ko sa mismong harap ko ang kopya nang video na nakikipaglaban sa ilang doktor, at sa isang iglap lang kinuha ko ang mga puso nang mga ito. Sa sumunod naman ay madilim, tanging boses lang nang kaawa awang mga tao ang naririnig ko. Ang pagmamakaawa nila. Ang takot nila.

Nabitawan ko ang ipad at naitakip ko ang dalawa kong kamay sa mukha ko.

Kusang pumatak ang luha sa mga mata ko, nang marealize ko na ako ang gumawa nang bagay na yun sa mga yun..

O possibleng ang lalaki sa panaginip ko ang komokontrol sa akin para gawin iyon.

Pero paano...

Paano ko matatakasan ang ganitong sumpa?

At bakit hindi ko alam na ginagawa ko ang mga yun?

Naramdaman ko nalang ang tapik nito sa balikat ko.

"Ang dugo mo. Nadiskubre ko na ang dugo mo ay nakakagenerate nang buhay.May kakayahan ka ring magpagaling sa pamamagitan lang nang kahit konteng patak lang nang dugo mo."

Unti unti akong humarap dito.

"Alam mo bang marami ang nagtatangkang kunin ka dahil, malaki ang pakinabang nila sayo.... gaya nalang nang Reficul city. Ikaw ang magiging sandata nila laban sa amin... pero malas lang nila dahil ikaw ay napunta sa akin"

"Nagbibiro lang kayo hindi ba? "Hindi pa rin ako makapaniwalang sabi ko.

Umiling ito.

"Your from a class A nephilim na sapalagay koy ikaw nalang ang natitira dahil sinumpa ang lahing yun million years ago,na kapag tumuntong sa edad na dise otso ang lahing yun kusa nalang itong mamamatay, pero sa sitwasyon mo may pangontra ka na isang jade diamond necklace na pangontra sa kamatayan galing sa isang anchient witch healer na kong saan ginagamit ang kanilang kakayahan para mambuhay gamit lamang ang kanilang dugo pero hindi nila kayang gamutin ang sarili nila kahit dugo na nila ang nakakagamot dahil na rin sa sumpa na ibinigay sa kanila nang maylikha pero dahil sa jade diamond nakokontra nila ang kamatayan at nanatili ang kanilang buhay. Base on my research, you were mixed breed of a Nephilim, isang isinumpang anghel at isang witch healer. Mukhang itinago ka nang iyong ina at ibinigay sa iyo ang jade necklace para makasigurong mabuhay ka oras na tumuntong ka sa edad mong desi otso. Gagana lang ang abilidad na ito oras na dumating na ang oras na tumuntong ka sa edad na yun. "

Nephilim?

Witch healer?

Ang.. ang mga magulang ko?

Napasabunot ako sa buhok ko sa frustration.

"Kaya ngayon... "Bigla nyang hinatak ang kamay ko.

Magpupumiglas na sana ako kaya lang bigla nyang sinaksakan ako nang isang syringe. Dahilan para manghina ako.

Sa isang iglap lang bumigat na nang tuluyan ang talukap nang mga mata ko at ang huling natatandaan ko lang ay naramdaman ko nalang na marahan nyang hinawakan ang kamay ko kasabay nang pagtarak nya nang isang kutsilyo sa pulso ko.

Nephilim(Cursed Child) [COMPLETED]Where stories live. Discover now