42:Nagkita muli.

81 4 0
                                    

SHIEN'S POV:

Pakiramdam ko, hindi ako makahinga sa loob ng mansyon kaya naisipan kong bumaba at pumunta mismo sa hardin kong saan kami pumunta noon ni Theo , alam ko naman na hindi ako makakaalis ng mansyon dahil na rin sa mga nakapaligid na bantay.

Tirik na tirik ang araw kaya kitang kita mismo ng mga mata ko kong gaano kaganda ang pamumukadkad ng pulang rosas na nangangalahati nalang ang dami.

Habang tinititigan ko ito, parang inaakit nila akong lapitan ko ang mga ito. Hinawakan ko ang talulot nito ng makalapit na ako roon.

Ang gaganda nila,para bang mas nasisiyahan pa sila sa haplos ko dahil mas tumitingkad at gumaganda pa ang mga kulay nila. Napapangiti nalang ako, hindi ko alam kong bakit masyado akong naaaliw sa kanila.

Nabagabag nalamang ako bigla nang parang may nilalang na napapansin ang gilid ng mga mata ko kayat unti-unti na akong humarap doon.

Sa puntong pagharap ko doon. Saka ko lang napansin na tumama ang mga mata kong nakatitig na pala sa akin.

Saglit akong nagulat sa nakita.

Automatikong pumintig ng mabilis ang puso ko habang nakatingin ako roon.

"Eros....ikaw ba yan? "Usal ko na nang makompirma ng buong sistema kong sya nga iyon.

Hinding hindi ako nagkakamali.

Nakita ko ang pag awang na rin ng labi nya pero patuloy pa rin ang pagtitig nya sakin.

Mula sa tingin na pinupukol nya sakin, hindi ko maiwasang mas nadagdagan pa ang kabang binibigay nito sakin.

"Shien... "Mahinang sabi nito pero nakita ko ang emosyon habang sinasabi nya yun.

Naglakad sya palapit sakin.

Kada hakbang nya palapit, pakiramdam ko bumabalik sa nakaraan ang lahat.Yung mismong nakaraan na ,hinahabol kami ng mga lobo at napunta sa gubat na hindi namin alam kong ano.

Tatlong hakbang mula sa kinalalagyan nya ngayon, ay tuluyan nya na akong malalapitan pero napaatras nalang ako.

Seeing him how near he is...

Mas lalo lang bumabalik ang sakit.

Mas lalo lang akong nahihirapan.

Bakit kasi nandito pa sya?

Bakit kailangan nyang bumalik?

Bakit kailangang makita ko pa sya?

"Kumusta ka na Shien... "

Hindi ako nakakibo, imbis na tumingin sa kanya ulit, binaling ko nalang ang atensyon ko sa ganda ng mga bulaklak sa harap.

"Hinanap kita sa gubat pero hindi kita nakita, mabuti naman na maayos ang lagay mo... "

"Ganun ba. Salamat sa pag aalala mo, napag isip isip ko rin na mas mabuti na rin pala ang nangyari. Masaya na ako sa desisyon ko. Masaya na ako bilang asawa ni Theo... "sabi ko pa habang patuloy na nilalaro laro ang mga talulot ng mga bulaklak.

Isang mahabang katahimikan ang bumalot sa aming dalawa.

Pagaspas nalang ng hangin ang nararamdaman kong humahampas sa pisngi ko at ang paglipad ng buhok ko dahil sa malakas na simoy niyon.

"Masaya ka ba...talaga? "basag nya sa katahimikan.

Hindi sinasadyang  natusok ako ng isa sa tinik ng pinaglalaruang rosas kaya agad kong inalis iyon.

Nephilim(Cursed Child) [COMPLETED]Where stories live. Discover now