39: UNANG GABI

94 5 0
                                    

A/N: WARNING :RATED SPG. MAY HALONG VIOLENCE, SLIGHT SEKSWAL KAYA PATNUBAY AT GABAY NG MAGULANG AY KAILANGAN.

R+18

ANG BATANG MAKULIT MAPAPALO SA PWET.

⚠READ AT YOUR OWN RISK⚠

39: UNANG GABI

SHIEN'S POV:

      "Ang ganda talaga ng asawa ko.. "

Kasalukuyan akong nagsusuklay ng buhok nang lumingon ako sa may kaliwa ko, it was Theo.

Suot pa rin nya ang purong puti mula ulo hanggang paa pero nakapusod na ang kanyang buhok.

Hinabol ko sya ng tingin.

Tumigil sya sa tapat ng king size bedroom at naupo.

      "Halika na... "mahinang sabi nya habang hinahampas ng mahina ang kama na parang iniengganyo akong tumabi na sa kanya.

Normal lang ang tibok ng puso ko nang mga oras na yun, pero nabago lang ito nang isa-isa nyang inaalis ang pagkabutones ng suot nitong puting polo.

       "Anong ginagawa mo? "Sabad ko na.

Saglit syang tumigil sa ginagawa at humalakhak nalang sa sinabi ko.

        "Since you are my wife... obligasyon nating gawin ang ritwal ng pag iisa... "Sya.

        "R-Ritwal? "Nauutal ko tuloy na litanya.

Bumuntong hininga sya sa sinabi ko.

       "Making love... were going to----"


        "AYOKO! "Tutol ko,dahilan para hindi nya na matapos ang sasabihin.

Ngayon lang kasi pumasok sa isip ko  ang lahat.

Bakit ba hindi ko naisip na, pagkatapos ng kasal may ganitong mangyayari.

Akala ko,  magkaiba ang ritwal na sinasabi nya na ginagawa ng mortal na tao pero mali pala ako,parehas din pala.

       "Hindi pa ba malinaw sayo ang lahat... Shien?mag asawa na tayo. You and I are already a couple, at bilang asawa ko,responsibilidad mo na sundin ako, maging ang ritwal ... " Apila nya.

Saglit na kinagat ko ang ibabang labi sa sagot nya.

      "Pwede bang ipagpaliban muna natin yan.. "Sagot ko habang hawak pa rin ang suklay at sinusuklayan ang sarili.

    "...Kong hindi ba ako si Theo tatanggihan mo pa rin kaya ako Shien... "

Natigil ako sa pagsusuklay ng buhok at agad na napatingin dito.

     "Pagbibigyan kita ngayon . Hahayaan kitang isipin na hindi ako to. Hahayaan kitang isipin na itong nasa harap mo ngayon ay yung mismong taong gusto mo. Papayagan kitang alalahanin mo ngayon si Eros mula sa katauhan ko. "

Nahulog na nang tuluyan ang hawak kong suklay dahil sa sinabi nito.

EROS POV:

        "Sumuko ka na bata, di mo ko kaya. "

Nanlalabo na ang mata ko, ramdam ko  na rin ang ilang sugat sa ibat ibang parte ng katawan ko pero nanatili akong nakatayo.

Ilan na rin ang nakahandusay sa harap ko pero hindi ako natitinag.

Seryoso akong nakatingin sa harap ko..

Handa para sa anumang oras na pakikipaglaban.

        "Bakit hindi ka sumugod. Ano pa bang inaantay mo.. "Angal ko habang pumwesto na at anumang oras magpapalit nanaman ako ng anyo.

Nephilim(Cursed Child) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon