13.SEALED WITH A KISS

162 7 0
                                    


SHIEN'S POV:

Hindi ko magawang paglabanan ang katawan ko na kusang pumapatay ngayon kay Theo.

Ito na ba talaga ang kakayahan na nararapat sa akin?

Ang manakit?

Ang pumatay?

"Mi-Miss...wag kang umi-umiyak ------ --ahkk!"Nanghihinang sabi ni Theo na ngayon ay nakatingin na mismo sa mata ko.

Tama sya. Umiiyak nga ako. Its against mine.

Its against my will?

"Bakit... bakit mo kailangang iyakan ang nilalang na yan. Hindi sya karapatdapat. Sya ang magpapabagsak sayo Shien, sya lang! "

Kahit hindi ko gustong marinig yun. Wala akong magagawa dahil nasa sistema ko na mismo ang nilalang na yun.

Pilit na inaalis ni Theo ang kamay ko sa leeg nya pero nanatili pa rin ang mga iyon dito.

"Alisin mo. Alisin mo ang kwentas ko Theo"sabi ko nalang habang seryoso syang nakatingin sa akin.

Tumingin sya sa mismong leeg ko.

"Pe-pero b-bakit? "

"Wala nang oras... Please gawin mo na"Pagmamakaawa ko.

Ito nalang ang tanging paraan..

Wala na akong maisip pang paraan para matapos na ang sumpang to sakin.

Nanghihinang iniangat ni Theo ang kamay nito papalapit sa leeg ko. Kahit clueless sinunod nya ang sinabi ko.

Tama... ganyan nga..

Ganyan-------

"WAAAAAAG! "

Isang malakas na sigaw ang nakapagpalingon sa akin kasabay nang paghatak nang isang lalaki palayo sakin kay Theo dahilan para mabitawan ko sya nang tuluyan.

Pero hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari.

The guy infront of me.

Sealed me a kiss.

❤❤❤

Ilang minuto...

Hindi... Isang oras.

Hindi.. tatlong segundo, hindi ko na alam dahil natulala nalang ako habang nakaharap ang mukha ko sa lalaking nasa unahan ko.

"Okey ka na ba---awww? "
Tanong pa nya matapos nya akong halikan.

Imbis na sagutin sya malakas na sampal ang naisagot ko sa kanya.

Yun ang first kiss ko pero itong lalaking to ang nakakuha nun nang walang kahirap hirap??

"Eros... How could you! "

Gigil na sabad ni Theo na sa ngayon ay higit higit na ang kwelyo nitong si Eros.

"Easy dude. I was here to help,it was an accident.I was tripped at dahil naout of balance ako nakapitan ko sya at nagkataon na nasa harap ko sya at hindi ko sinasadyang..mahalikan sya"sagot nya na nahiya pang tumingin sa akin.

Ewan ko ba pero hindi ko nakuhang tumingin bigla sa kanya nang diretso.

Pero nakakapagtakang nawala ang komokontrol sa akin para saktan si Theo?bumalik na ako sa normal, pati yung pakpak ko nawala na rin?

"Tumigil na nga kayo! "Inis na litanya ko. Sabay layo sa dalawang yun.

Mas mabuti pang umalis nalang kesa makita ko pa ang pagmumukha nitong si Eros.

Nephilim(Cursed Child) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon