1:REFICUL DORMITORY

713 17 0
                                    


SHIEN'POV:

'Re-reficul do-dormitory? '

Ilang beses pa akong pumikit pikit habang binabasa ang nakasulat sa arkong nakalagay sa harap ko,saka unti-unting kumunot ang noo.

Ginala ko ang mga mata ko at napansin ko nalang ang gate na nasa harapan ko lang na ginagapangan na mismo nang mga ligaw na halaman na sa tingin ko'y halos matakpan na nito ang nakasulat doon.

Sobrang laki ng gate sa mismong tapat ng arko na halatang may kalumaan na dahil na rin sa mga kalawang na nakadikit sa bakal nito at halata na rin ang kalumaan nang malaking bahay na sa tingin ko'y gawa pa yata sa taong 1800's dahil sa desinyo at sa itsura nang mismong bahay. Napaisip tuloy ako kong ilang libong multo kaya ang nagpapakita dito gabi-gabi, iniisip ko palang parang tumatayo nalang lahat ng buhok ko, sa buong katawan ko.

"Ano pang tinatanga tanga mo dyan, pumasok ka na!"

Muntik pa akong mapasubsob sa mamang guard na sa tingin ko'y hindi pa yata natutulog sa kakabantay dahil sa may tumulak sa akin. Medyo maitim ang gilid ng mga mata nitong mama at halatang seryoso habang nakatingin sa akin.

Sa galaw pa lang ng mga mata nito at sa nakakatakot nitong tingin, gusto ko na kaagad tumakbo palayo rito.

"Tito ayoko po, gagawin ko po ang lahat basta wag nyo lang akong ipasok sa lugar na to."Baling ko kay tito na nasa tabi ko lang. "Natatakot po ak---"Isang malakas na sampal ang agad kong natikman dito kaya napayuko nalang ako.

"Sya na ba ang tinutukoy mo? Sya na ba si Shien? "

Mahina pero malamig na sabi nang mamang guard na nasa harap namin. Hindi ko sya nakikita dahil nakayuko ako pero alam kong sya lang ang kausap ni tito.

"Sya na nga. Iiwan ko na sya sayo. Ikaw na ang bahala sa kanya."

Agad akong tumingin kay tito dahil sa narinig. Hindi man lang sya lumingon sakin dahil tuloy tuloy sya sa sasakyan nito.

Tumakbo ako palapit dito. Hinigit ko ang braso nito nang akmang papasok na ito sa kotse nito pero mabilis nya lang tinabig ang mga yun.

"Tito, wag nyo kong iwan dito. Hindi ako magpapasaway, gagawin ko lahat nang gusto nyo...susundin ko po kayo. Susundin ko po ang lahat nang gusto nyo. "Nagmamakaawang sabi ko, pero nanatili ito sa kotse nito. Sinara na nito ang pinto nang kotse pero bukas pa rin ang bintana nito kaya dun ko sya kinausap.

"Please... tito ayoko po dito"

Nakita kong humarap sya sa akin pero walang expression ang mga mata nito.

"Sinabi mo diba... na lahat nang gusto ko gagawin mo.Kong ganun, wag ka nang mag enarte at dito kana titira. "Malamig nitong sagot, saka unti unting isinara ang bintana.

Muntik pang maipit ang mga kamay ko kaya mabilis kong hinigit ang mga yun. Hanggang sa marinig ko nalang na nagstart na ang makina nito. Hudyat nang pag alis nito.

"Tito... wag mo kong iwan..please tito..! "Sigaw ko pero, likod nalang nang kotse nito ang nakita ko.

Nanghihinang napaupo nalang ako sa damuhan, saka ko nalang naramdaman ang malamig na kamay na humawak sa balikat ko kaya kaagad akong napalingon, nangilabot ako bigla nang si mamang guard pala ang nasa tabi ko ngayon.

"Tara na, hinihintay kana ni madaam El, kong magtatagal ka sa kamumukmok mo dyan... "Sandali itong tumigil sa pagsasalita pero nakita ko nalang ang nakakatakot na pagngisi nito. "....panigurado akong hinding hindi mo magugustuhan ang parusa na gagawin nya sayo, oras na mahuli ka sa orientation ng Reficul Dormitory. "

Nephilim(Cursed Child) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon