#B: More Than Friends

58 2 0
                                    

Special Chapter No. 2
Joaquin Tejada and Roxanne Salamante’s
Love Story

Enjoy Reading!
××××××××××××

|JOAQUIN’S POV|

Present Time…

ISANG TEXT mula kay Roxanne ang gumising sa akin. Nakita ko naman ang orasan sa may cellphone ko at napansin kong 9:00 na pala ng umaga. Oo nga pala, bakit ko ba kasi nakalimutan? Ngayon pala ang birthday ni Tatay Lino at expected ng lahat na nandoon kami. Lalo naman na si Roxanne. Siguro nagtataka kayo kung paano naging kami?

Oo na, alam kong matagal kaming nasa stage ng pagiging MU. Yung stage na kung tawagin ay ‘Malabong Usapan’. Yung stage na komplikado ang lahat at yung stage na walang label. Pero move on na dapat tayo. Kasi tapos na ang mga araw na iyon at oo, kami na ni Roxanne.

Hindi naman kasi siya ang babaeng inaakala kong mamahalin ko. Nagsimula kami ni Roxanne sa isang kasunduan. Pero hindi naman namin alam na ang pekeng panggapan naming iyong ay mauuwi sa malabong usapan hanggang sa usapang katotohanan.

And yes, love is so unexpected.

Hindi natin alam kung kailan ito darating o kung kailan ito mawawala sa atin. Pero kahit ano man ang mangyari, we just have to do one thing. We must be ready.

Ready to love or ready to sacrifice.

“Ba?! Nasaan ka na ba? Nandito na ang lahat, kayo nalang nila April at Kuya ang wala. Dalian mo, patapos na ang misa at parating na sila Nanay at Tatay.” Mungkahi naman sa akin ni Roxanne.

Ba’ na din kasi ang naging endearment namin. Shortcut for Baby. Baby… kasi she will always be my baby. Mahal na mahal ko yun eh. “Baby, malapit na ako okay. Nagbibihis na ako. Antayin mo nalang ako tsaka wag ka na ngang mag-alala diyan. Hindi ako mahuhuli.” Sabi ko naman sa kanya.

“Siguraduhin mo lang Tejada! Pag ikaw talaga ay nahuli dito, humanda ka sa akin. Sisiguraduhin kong hindi mo  ako makakausap ng isang linggo!” banta naman sa akin ni Roxanne.

Napatawa nalang ako sa kacute-an ni Roxanne. Ganyan talaga siya sa akin at senyales na yan na seryoso na siya. Unang senyales, tinawag na niya akong Tejada imbes na Joaquin o kaya Baby. Pangalawang senyales, mayroon siyang linyahang ‘humanda ka sa akin’. At pangatlo, nagbanta na siya sa akin.

Three signs all in one sentence.

“Opo, hindi ako mahuhuli promise. In fact, papunta na ako diyan. Ikaw talaga ah, miss na miss mo nanaman ako no?” mapanudyong sabi ko naman kay Roxanne.

Kung nakikita ko lang sana ang itsura niya, panigurado matatawa ako sa kanya. Iba pa naman yan mag-react kapag nagtatago ng kilig. “Tse! Tumigil ka nga Tejada! Dalian mo nalang pumunta dito.” Bulyaw pa niya sa akin

“Oo na nga. Sige na. Papatayin ko muna itong tawag cause I’ll drive. See you later Baby. I love you.” Paglalambing ko naman.

“Mag-iingat ka Joaquin. I love you too.” Sagot naman niya.

At least bago ko patayin ang tawag namin napangiti pa ako. Siyempre kahit medyo napataas ko ang dugo niya, napababa ko din naman iyon. Alam kong madadaan ko pa din siya sa mga lambing ko at akalain mo mga naman, nag I love you too pa siya sa akin.

Nag-drive na ako papunta sa kanila at nakarating naman ako doon bago ang oras na susorpresahin namin si Tatay Lino. Agad naman akong sinalubong ni Roxanne at nakatanggap ako sa kanya ng isang yakap na napakahigpit.

Miss na nga talaga niya ako.

“Ang higpit naman ng yakap mo Ba. Dahil ba yan sa gigil mo sa akin o dahil miss na miss mo na ako?” tanong ko naman sa kanya.

She's My Queen: The Interchanged DestinyWhere stories live. Discover now