#3: Reiji and Iris

95 2 2
                                    

Enjoy Reading!
×××××××××××××

|IRIS' POV|

MASAYA AT magulo. Yan ang magbibigay kahulugan sa mga kaganapang nangyayari sa buhay ko ngayon. Masaya dahil napapaligaya ko ang lahat ng mga tao sa paligid ko especially si April. Kagabi lang ang saya saya niya at siyempre dahil yun sa amin. Ang dami kaya naming efforts para maging posible ang perfect 'birth-date' na gustong gawin ni Tres. Birthday na nga, may pa-date pa si congressman.

Pero at the same time, magulo. It's about my complicated friendship with Reirei. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari. I know na nasaktan ko siya. Hindi naman ako manhid para hindi maramdaman yun. Pero, ano ba ang mali sa ginawa ko? Tinama ko lang naman ang lahat habang maaga pa. Ayaw ko siyang paasahin. Ayaw ko siyang paglaruan.

Ayaw kong maging kagaya ng ex-fiancée niya.

Oo, may mali ako. Nung una, nagpakita naman ako ng motibo. Yung may chance na aura ganun. Pero hindi ko naman inexpect na magkakagusto ang kagaya niya sa isang katulad ko. Like duh... Reiji Alvarez yun oh. Ako? Isang Iris Dimguiba lang...

Ang dami kasing nangyari. Naguluhan na din ako at nagkandaloko-loko. Kayo din naman diba? Naguluhan din kasi hindi niyo alam ang tunay na nangyari? Kasi naman madalang ang POV namin. Hindi naman kami yung main star.

Pero di bale, pinagbigyan ako ni author na mag-share ng lahat kaya ikukuwento ko na lang din. Sayang naman ang opportunity diba. Just grab it!

Carpe Diem! Seize the Day!

×××

"Hayss! Nakakapagod talaga ang night shift. Ang daming customers dito sa restaurant. Mabuti sana kung lahat mabait at guwapo, mapagti-tiyagaan ko pa. Ang masama nga lang, pangit na nga, kung makareklamo pa akala mo wala nang bukas!" reklamo ko naman kay Ma'am Chloe.


Actually, nagpaparinig ako kay Sir Reirei, oo kasi nasa resto ako kaya dapat daw may "sir". Kasi naman, mabait daw ako at masipag kaya nilagay ako dito sa very nakakastress na period ng gabi. Hindi nga siya ang manager. Pero anong magagawa ko? Siya pa rin naman ang boss ko.


"Namimiss ko na tuloy yung original shift ko. Hindi ko naman kasi oras ito eh. Kung hindi lang talaga ako mabait, matagal ko nang nakalbo yung dahilan ng paghihirap ko." Dagdag ko pa habang nagpupunas sa katabi ng lamesang inuupuan niya.


Dun sa lagi niyang tinatambayan tapos nagbabasa siyang Manga.


"Tss." Rinig ko namang sambit niya.


"Diba Ma'am Chloe, nakakastress talaga yung ganitong shift lalo na para sa isang baguhan. At ako yun. Ikaw ba Sir Rei? Anong say mo sa kalbaryo ko." Tanong ko naman sa kanya pero may nais talaga akong ipahiwatig.


"You're cute." Tanging sambit niya.


Nag-react naman yung mga katrabaho namin ng ayieee. Sira ulo tong mga to! Naririnig ba nila ang sarili nila? Ako? Kay Sir Reirei? Very very impossible. Oo, very very close ako sa kanya. Pero hanggang dun lang yun. Friends lang talaga kami.


"Ewan ko sayo. Puro ka kasi biro!" sumbat ko naman sa kanya.


"I'm serious here Iris. You're really cute especially when I am pissing you off." Dagdag pa niya.


"Ayieeeee...." Tilian pa ng mga kasamahan namin dito sa resto.


Palibhasa wala na kasing customer at nagliligpit na kami bago magsara kaya sila nakakapagbiruan ng ganyan. Nababaliw na ata itong si Reirei. Mas gusto ko nalang na umiiyak siya kaysa naman ang hyper hyper niya.


She's My Queen: The Interchanged DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon