#6: Unpredictable

66 2 0
                                    

Enjoy Reading
××××××××××××

|TRES' POV|

IMPOSIBLE! HINDI ako makapaniwala. Hindi ko akalaing magagawa niya talaga yun. Tinatakot nanaman niya si April at pinagbabantaan nanaman niya ang buhay nito. Naiinis ako sa sarili ko kasi alam kong ako nanaman ang dahilan nito. Kailangan ko nanamang protektahan si April at kailangan kong masigurong hindi siya mapapahamak. Wala siyang karapatan! Wala siyang karapatang takutin at pagbantaan ang buhay ng mahal ko.

Naiinis ako sa sarili ko. Kinailangan ko pa tuloy na ihatid pauwi si April at ipabantay kay Joaquin para masigurong ligtas siya. Hindi ko hahayaang may mangyari nanamang hindi maganda kay April dahil sa ako nanaman ang dahilan. Hindi na maganda ito. Sinabihan ko na siya pero hindi siya nakinig. Alam naman niya ang magiging kapalit kapag sinaktan talaga niya si April.

Sisiguraduhin kong isasama ko siya sa anak niya. Oo, kung siya nga ang iniisip niyo, siya nga ang tinutukoy ko. Nagpakita sa akin si Mama. Yung nanay kong buhay pala pero piniling abandunahin pa rin ako.

Ano ang sabi niya? Gusto niya akong kunin. Gusto daw niyang bumawi sa akin. At sabi niya kung hindi, mapipilitan daw siyang pwersahan akong kunin sa piling ng mga mahal ko. At kung hindi ako nagkakamali, isa itong paraan para makuha niya ako ng pwersahan.

Ngayon, pupuntahan ko siya hindi para pumanig sa kanya pero para balaang itigil ang pananakot niya kay April. Sa akin siya mananagot.

No one must threaten My April.

"Miguel, mabuti naman at nandito ka. Nakapagdesisyon ka na ba?" bungad niya nang maabutan ko siyang nakaupo sa hardin ng bahay niya.

"Tigilan mo ang pagtawag sa akin ng Miguel. Tres ang pangalan ko." Sambit ko sa kanya.

Tumayo naman siya at lumapit sa akin. Hinaplos niya ang pisngi ko at matamis akong nginitian. "Sumama ka na sa akin anak. Kailangan ka na ng Mama. Mag-isa nalang ako. Hahayaan mo ba talaga akong magkaganito?" Sabi niya sa akin.

Marahas ko namang tinanggal ang pagkakahawak niya sa akin at suminghal. Napangiwi nalang ako sa sinabi niya. Makes me wonder kung ina ko ba talaga ang taong ito.

"Paano mo nagagawang sabihin yan? May mga panahong mag-isa din ako pero pinili mo bang samahan ako? May mga pagkakataong kailangan din kita pero nasaan ka para damayan ako?" Sagot ko sa kanya.

"Wag mo akong pagsasalitaan ng ganyan Miguel. Ina mo pa rin ako. Wala ka kung wala ako." Sumbat niya sa akin.

"Wag mo rin akong pagsasalitaan ng ganyan. Sinasabi ko na rin sayo, eto ako ngayon. Nakatayong matatag at malakas kahit na wala ka sa tabi ko." Sumbat ko naman sa kanya.

Nakita ko naman ang pagtiim ng bagang niya marahil sa paraan ng pananalita ko sa kanya. Wag na niyang antayin ang araw na aayos pa ang pakikitungo ko sa kanya. Hindi na darating ang araw na magkakasundo kami at magiging anak ako sa kanya.

"Patawarin mo ako anak kung hindi tayo nagkasundo noon. Bigyan mo ako ng pagkakataon, babawi ako sayo." Pakiusap naman niya sa akin.

"Kung gusto mong bumawi, patunayan mo. Alam kong ikaw ang may pakana ng mga pananakot na natatanggap ni April. Wag mo siyang sasaktan at baka maisipan kong bigyan ka ng pagkakataong maging ina sa akin." Sabi ko sa kanya.

"Kahit ano anak. Gagawin ko ang lahat para lang makuha ang loob mo." Sabi naman niya sa akin.

Tumango naman ako at sinubukan siyang pagbigyan. Sana nga lang talaga maging totoo siya sa mga salita niya. Sa sandaling panahong napapadalas ako dito, nakakabisado ko na ang mga kilos niya. At hindi ko lang alam kung magpapakatotoo nga talaga siya sa pagkakataong ito.

She's My Queen: The Interchanged DestinyWhere stories live. Discover now