#5: Threats

96 3 0
                                    

Na-miss ko kayong lahat. Super lubog po kasi ako sa requirements. No worries, eto na po siya.

Enjoy Reading!
××××××××××××

|APRIL’S POV|

MAGULO PA rin para sa akin ang lahat. Inaamin ko, natatakot ako. Kinakabahan at sobrang  nag-aalala. Isang tao lang ang pumapasok sa isip ko na pwedeng pumatay sa buhay ko. Isang tao lang ang posibleng magbanta sa buhay ko. Ayaw kong maniwala pero wala ng ibang pwede pang magka-interes na pumatay sa akin.

Si Nimbus Dela Rosa.

Pero posible kayang nananakot lang siya? Ibig kong sabihin, nasa kulungan pa siya at imposibleng nakawala na siya. Buwan buwan ko siyang binibisita sa kulungan. At nitong nakaraang linggo lang, naghihirap pa rin siya sa kulungan.

Posible kayang nakawala siya at nakatakas?

Pero kung ganun nga ang sitwasyon, siguradong masasabihan naman ako ng mga pulis. Pero wala silang nasabi sa akin. Sino naman kaya ang may pakana nito. Sino kaya yung ate na bumangga sa akin at mukhang sinadyang takutin ako. Sino kaya? Kung akala niya matatakot niya ako nang ganun ganun lang. Ibahin niya ako. Marami na akong napagdaanan sa buhay. Hindi isang banta ang magpapabagsak sa akin.

Isa lang ang pwedeng sagot sa mga ito, may iba pang taong gustong pumatay sa akin.

“Boss Mahal? Huy, ayos ka lang?” pag-aagaw naman ni Tres sa atensyon ko.

Bumalik naman ako sa realidad at tinuon ko ang atensyon ko sa kanya. Mukhang kanina pa siya nakaupo at nangangamusta sa akin. Sadyang lutang lang talaga ako at wala sa sariling ulirat. Kung saan saan na tuloy nakarating ang utak ko.

“U-uy! N-nandiyan ka na pala. Bat hindi ka naman nagsasabi.” Sabi ko naman sa kanya

Nangunot naman ang noo niya. “Mahal, kanina pa ako nandito. Mga tatlong minuto na siguro akong nakaupo. Ano bang iniisip mo? Napakalalim naman ata.” Tanong naman niya sa akin.

“Ahh… g-ganun ba? A-ano kasi, masaya lang ako! Oo hahaha! Masaya lang talaga ako!” sambit ko naman saka ngumiti… nang peke.

Ayaw ko siyang pag-alalahanin. Hindi naman ako magpapadaig sa takot na nararamdaman ko. Ano naman ang mapapala ko kapag natakot ako? Mas lalo lang akong manganganib dahil makikita nilang naaapektuhan ako.

“Sigurado ka ba Mahal? Sa tono mo, parang may gumugulo sa isip mo? Yung totoo mahal.” Sabi niya sa akin.

“Tres, ayos lang talaga ako. Wala ka namang kailangang ipag-alala. Siguro, nap’pressure lang ako dahil may… hinihinging…presentation si Mr. Fernandez.” Sagot ko naman sa kanya.

Tumango naman siya bilang pagtanggap sa naging kasagutan ko. “Ahh.. ganun ba. O, magkuwento ka naman tungkol sa meeting mo with FerCo.” Sabi naman niya sa  akin.

Tumango na rin naman ako at ngumiti. Kanina ko pa din naman gustong magkuwento sa kanya. Sobrang daming masasayang nangyari ngayon. Mas mahalagang yun nalang ang isipin ko kaysa sa banta ng kung sino sa buhay ko. Hindi naman yun mahalaga. Hindi niya ako ganun ganung matatakot.

“Promise mahal… ang sungit sungit niya tapos napaka-seryoso pa niya. Akala ko nga hindi niya na tatanggapin ang proposal ko. Isa pa mahal, napaka-strikto niya sa oras.” Pagkukwento ko sa kanya.

“Eh di kapareho mo pala siya. Mga strikto sa oras. Mga taong ayaw na ayaw sa late.” Sabi naman niya sa akin.

Umiling iling naman ako at ngumiwi. “Magkaiba kami mahal. Every second matters to Achilles Fernandez. Late nga lang akong 4 seconds pero parang 4 hours na sa kanya.” Pagkukuwento ko pa.

She's My Queen: The Interchanged DestinyWhere stories live. Discover now