#4: Achi-Breaky Hearts

84 2 0
                                    

Enjoy Reading
×××××××××××××

|APRIL’S POV|

TIME FLIES so fast. Parang kailan lang nung nag-birthday ako at pinasaya ako ng mga kaibigan ko. Nung sinorpresa ako ni Tres sa iba’t ibang pakulo niya. Parang kahapon lang pero isang linggo na din ang nakakalipas. Ang daming nangyari at ang daming balitang natanggap. Ang balita sa akin, maganda pa rin daw ako as always. Pero isang buwan na lang din, ipapangalan na sa akin ang pangangalaga ng kumpanya.

Kay Tres naman, a day from now, magte-take na siya ng kanyang board exams. And I know, papasa siya dahil kayang kaya naman niya yun. Si Joaquin, busy din sa mga bagay bagay. Balita ko nga, madalas daw ang paglabas labas nila ni Roxanne. Si Iris, madalas namin siyang makitang malungkot pero ayaw niyang magkuwento.

Hindi namin alam kung ano ang dahilan ng pagiging matamlay niya.

Si Reiji naman, bumalik daw ng Japan. Wala nga siyang paalam sa amin eh. Bigla bigla nalang umalis at wala man lang pasabi. Ka-sad diba. Pero sabi ni Sir Mike, magba-bakasyon daw muna siya.

Ako naman itong si busy. May meeting kasi ako mamaya. Pero hindi sa isang simpleng tao lamang. May meeting daw ako sa well-know na si Achilles Fernandez. Ang astig ng pangalan  ah. The Hero of Oddysey, kung hindi ako nagkakamali.

“Ma’am, are you all set? Ayaw daw po ni Mr. Fernandez ng late.” Pagpapaalala naman sa akin ni Ria.

“Wag kang mag-alala Ria. Pareho lang kami ng Mr. Fernandez na yan. Ayaw sa mga late.” Pabiro pero at the same time, seryosong sambit ko kay Ria.

“Sige Ma’am. I’ll inform Mr. Fernandez’s secretary that you’ll be there in ten minutes.” Sabi naman ni Ria sa akin.

Tumango naman ako at namulat ng buong buo ang mga mata ko nang ma-realize ko kung gaano kabilis ang hinihinging oras sa akin ni Ria. Ayos naman siya pero ano ako?! Android?!

Ten minutes…

Ten minutes…

Ten minutes…

Nang ma-process ko naman ang sinabi ni Ria,  fini-nalize ko naman ang lahat ng kailangan kong i-present kay Achilles The Great. Oo, yan na ang tawag ko sa kanya dahil mala-hero naman ang pangalan niya. Print doon, finalize dito tapos  konting review. Sayang naman ang iinvest niya sa Prime Designs kung papalya ako.

Napaka-successful kaya ng FerCo. Kaya sayang naman talaga kung hindi ko siya makukuhang investor ng kumpanya. Sigurado namang hindi masasayang ang tiwalang ibibigay ko sa kanila. At tiwalang ibibigay niya  sa amin.

Nang akmang aalis naman na ako, biglang nag-vibrate ang cellphone ko senyales na may nag-message sa akin.

From: My King
Message: Good Morning My Queen. Good Luck on your proposal. I’m always here to support you. I Love you.

Sa hindi ko naman maipaliwanag na dahilan, bigla nalang akong napangiti. Nawala bigla ang lahat ng kabang nararamdaman ko. My inspiration and motivation is always my love. My Tres. Siya ang dahilan kung bakit nabui-build up ang lahat ng downs ko. He understands me and always supports me.

“Ma’am halika na po. Bawal tayong ma-late diba.” Paalala naman ni Ria.

“Wag kang mag-alala. I’m completely ready cause someone gave me an inspiration.” Sabi ko naman sa kanya.

“Ayiee.. sabi mo yan Ma’am. Bakit kasi ang sweet sa inyo ni Sir Tres? Nakakainggit tuloy kayo.” Sabi naman ni Ria.

Nagkibit balikat nalang ako at nginitian ko nalang ang sinabi sa akin ni Ria. Well, hindi ko siya masisisi dahil ganun talaga si Tres. Sweet, gentleman, caring, thoughtful pero siyempre mapagmahal.

She's My Queen: The Interchanged DestinyNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ