#29: Our Destiny

83 4 0
                                    

Enjoy Reading!
××××××××××××

|APRIL’S POV|

KANINA KO pa pinagmamasdan ang walang malay na si James. Feeling ko talaga kasalanan ko kung bakit siya nakaratay diyan ngayon. Kung hindi sana ako nagpatalo sa takot ko sa epal na talangka na yun, hindi sana siya na-out balanced kanina.  At dahil dun, wala tuloy siyang malay ngayon. Kung hindi ako nagkakamali, tumama siya dun sa bato. Pero hindi naman ganun kalaking bato yun eh. Wala nga siyang sugat. Baka sadyang naalog lang yang utak niya at nakalimutan niyang gumising.

Waahhh! Paano pala kung na-commatose na siya!

Aish! Hindi naman siguro. Napapraning nanaman ako. Kung na-commatose nga siya, hindi na sana siya nag s’sleep talk. Kanina lang nanaginip siya at mukhang si Maxene ang napapanaginipan niya. May sinasabihan kasi siyang ‘Mahal Kita’.

Pero hindi yun yung totoong dahilan kung bakit ako nabo-bother. Nakita ko na ang peklat niya sa likuran at katulad na katulad yun ng kay Tres. Habang mas marami akong ebidensyang nakukuha, mas lumalakas din ang hinala ko na baka siya nga si Tres. Pero sana, nasa kanya pa din ang engagement ring ko. Kung nasa kanya nga, hindi na ako magdadalawang isip.

Si Tres at si James ay iisa.

Paano kaya kung magpatulong ako kay Nanay Weng? Panigurado, kilalang kilala niya si Tres. Masasabi din kaya ng instinct niya kung si Tres at James ay iisa?

“Hmm… hmmm…” rinig ko namang sambit ng isang boses mula sa likuran ko.

Agad naman akong napatingin doon at napatakbo ako sa silong namin ni James para muling suriin ang kalagayan niya. “James? James! Si April to. Kamusta ka? May masakit pa ba sayo? James sabihin mo sa akin.” Nag-aalalang tanong ko naman sa kanya.

Tanging malambing na ngiti at thumbs up lang naman amg naisagot niya sa akin. “Masyado ba kitang napag-alala m’lady? Wag ka ng mag-alala diyan, mas malakas pa kaya ako kay Superman.” Sabi naman niya tapos may pahabol pa siyang kindat.

Napangiwi nalang ako sa inasal niya. Kahit kailan talaga sobrang hilig magpalamon ng ego ang mga lalaking ito. Ako na nga ang nagpapaka-anghel at sobrang nag-alala sa kanya, siya pa  ang may lakas ng loob na magyabang diyan.

“Alam mo, sobra mo akong napag-alala! Hindi ko na nga alam ang gagawin ko sayo eh. Nag-alala ako ng todo baka napalakas yang pagkakauntog mo sa bato. Baka di ka na gumising. Mamaya pala nagka-internal bleeding ka pa---”

“Shhh! Wag ka na ngang madada diyan. Sige, hahalikan kita!” banta naman niya.

Napailing nalang ako. At hindi pa talaga siya nadala?! “Tignan mo, puro ka biro! James, sobra sobra akong kinabahan. Natakot ako baka may nangyari ng masama sayo. Natakot ako na baka---”

Bigla namang nahinto ang pagsasalita ko, maging ang pag-ikot ng mundo ko dahil sa pagdampi ng malalambot niyang labi sa aking kaliwang pisngi. Halos hindi pa rin ako mapakali at nang mapatingin ako sa kanya….argghhh!

Ngiting ngiti ang loko!

Gustong gusto pa yata niya yung kalokohang ginagawa niya sa akin? Wow naman sa James na ito oh! Aish! Nakakainis! Ang sarap pilasin ng abot-tainga niyang ngiti. Nakalimutan na ba niya ang napag-usapan namin kanina. Bawal ang masyadong madikit!

“Hoy! Para saan yun?! Bakit mo ako hinalikan?!” inis ko namang tinanong sa kanya.

“Diba sabi ko naman sayo. Kapag hindi ka tumigil sa kakadada mo diyan, hahalikan kita. Eh di ka tumigil kaya kita hinalikan!” katwiran naman niya.

Napapikit nalang ako at napairap dahil sa sobrang gigil ko sa kanya. Pero siya?! Arghhh! Nakangiti pa siya. “Aish! Bahala ka nga sa buhay mo! Puro ka kasi biro!” Pagalit ko namang sabi sa kanya.

She's My Queen: The Interchanged DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon