#17: Maybe Someday

71 1 0
                                    

Enjoy Reading!
×××××××××××××

|APRIL’S POV|

“ANAK, GUSTO kang makausap ni Sir Ed. May urgent matters lang daw. Ready ka bang kausapin siya?” Maagang tanong sa akin ni Nanay Weng.

Isang buwan na din ang nakakalipas simula nang mangyari ang trahedyang nagpabago sa buhay ko. At eto, parang walang pagbabagong nangyari sa akin ngayon. Bukod sa madalas na din naman akong lumalabas ng kwarto. May sakit, lungkot at galit pa ding nakabaon sa puso ko na hindi ko alam kung paano ko tatanggalin.

I thought it is all that easy. But I was wrong. Because the hardest step in moving on was acceptance. Hanggang ngayon kasi hindi ko pa rin lubusaang matanggap na wala na talaga si Tres. Lahat ng binuo naming pangarap ay nawala lang sa isang kisapmata. And I  want justice for my love.

Sisiguraduhin kong magbabayad ang taong may gawa sa kanya nito. At sisiguraduhin kong pagsisisihan niya ang araw na sinira niya ang relasyon namin ni Tres.

“Tito Ed? Ano pong rason kung bakit kayo nandito? Hindi na po ba mapagpapabukas ang urgent matter na yan? Papasok na po ako bukas.” Sabi ko naman sa kanya.

“Pasensya ka na April ah. But this matter can’t wait anymore. Natalia Rosalejos is claiming your seat as the CEO of the company. Alam namin na may anak nga si Anton na Natalia but we still don’t have any proof.” Tugon naman ni Tito Ed.

“Pwede naman po natin siyang ipa-DNA test kung totoo nga ba talaga ng sinasabi niya. Isa pa, does dad knew about this already?” Tanong ko naman sa kanya.

Hanggang ngayon kasi, palaisipan pa din sa akin ang katauhan ni Natalia Rosalejos. Hindi ko alam kung anghel ba siya o demonyita? Iniisip ko din kung minsan na baka may kinalaman si Natalia sa mga nangyari nung gabing napahamak si Tres. Sigurado kasi akong wala siya sa kinakatayuan niya nang magbukas ang ilaw. Kaya lang dinipensahan naman siya ni Joaquin na nasa likod lang daw niya ito. At bakit atat na atat siya sa kumpanya ngayong wala naman siyang pruweba na magpapatunay na isa nga siyang dugong Villamor.

Nakaka-stress yang babaeng yan ah. Peste talaga ang mga kabuteng basta basta nalang sumusulpot. Panira ng moment! Hooohh!

“Your dad doesn’t know anything about this. We’re sorry April. Sa tingin kasi namin ikaw ang mas nasa lugar para sabihin ang lahat. Isa pa, he deserves to know the truth. You might as well deserve to know the truth.” Dagdag pa niya.

“Sige po. Ako na po ang kakausap sa kanya. Gusto kong sa kanya mismo manggaling kung sino ang Natalia Rosalejos na yan.” Sagot ko.

“Okay. That’s good to hear. Sige na. Maiwan na kita dito. May ilan pa akong aasikasuhin sa kumpanya. We’ll see you tomorrow April.” Paalam ni Tito Ed.

Ngumiti nalang ako at tumango bilang sagot. Nagdadalawang isip pa din kasi ako kung papasok na ako bukas o hindi. Ang dami kasi naming memories doon. Lalo na ang opisina niya ay tapat lang ng opisina ko. But I know I must. Gaya nga ng sinabi ni Reiji, I will remain stranded kung hindi ako gagawa ng paraan para umabante.

Aalis na sana ng tuluyan si Tito Ed kaya lang may naitanong muna ako bago siya nakalabas ng pintuan.

“Tito? Kamusta na po si Joaquin? Is he doing fine now?” Tanong ko sa kanya.

“He is improving. Pero ang dami niyong pinagdaanan na magkakaibigan. Sa isang kisapmata, nakalahati agad kayo. So siguro, kahit sino sa inyo, nahihirapan pang bumangon.” Sagot ni Tito.

“Tama po kayo. Sige po. Mag-ingat po kayo. And Tito, please tell Joaquin that I am expecting to see him tomorrow. Gusto kong sabay kaming umusad.” Saad ko naman.

She's My Queen: The Interchanged DestinyWhere stories live. Discover now