#21: Engr. James Sandoval

53 4 2
                                    

Enjoy Reading!
×××××××××××××

|APRIL’S POV|

HINDI PA rin ako sinasagot ni Achilles. Kanina ko pa naman siya tinatawagan pero gaya ng dati hindi pa rin niya ako pinapansin. Ilang araw na din kaming ganito. Parang hindi namin kilala ang isa’t isa. Dinaig pa nga ata niya ang taong may amnesia. Hay naku! Nakakainis siya! Sinasayang lang niya ang load ko. Nagsimula siyang magkaganyan nung nag-share ako sa kanya na mahal ko pa din si Tres. Tapos lumipas ang ilang araw, mailap pa rin siya sa akin.

“Ma’am you’ll meet Engr. Sandoval later, 3:00, at the Marinelle Restaurant. May gusto po ba kayong isama Ma’am?” tanong naman sa akin ni Ria.

“Sige sabihan mo nalang si Joaquin. Siya nalang ang isasama ko since may alam naman siya pagdating sa mga ganyang bagay.” Sambit ko naman.

And speaking of that, ngayon ko na din talaga kikitain si James Sandoval. Ewan ko lang pero parang may kiliti sa pakiramdam nung nakita ko yung gawa niya. Alam kong may iba sa kanya pero hindi ko naman mawari kung ano yun. All I have to do is settle things right. Mag-uusap kami mamaya at kailangan kong paghandaan yun.

Base din sa research ni Ria, topnotcher pala sa board exams ang James na yun. At bata pa daw siya ah. Twenty three years old palang siya pero marami na siyang napatunayan sa larangan ng pag-aaral niya. If I only knew and if Tres is still alive, sobrang proud ko sa kanya. Pumasa siya sa board exams nasa top 5 nga siya eh. Sana kung meron pa siya, siya sana ang kasama at tumutulong sa akin ngayon.

And before anything else, may kailangan muna akong gawin. More important than James Sandoval. More important than anyone or anything else.

It’s our anniversary today.

Sakit diba. Sobrang sakit isipin na nagcecelebrate ako ng anniversary namin ngayon pero mag-isa nalang ako. Akalain nga naman natin diba, isang taon na din pala ang nakakalipas simula nang ibigay ko sa kanya ang matamis kong oo. Naalala ko pa sa Baguio pa nga nangyari yun. One of the happiest days in my life.

“Ma’am, handa na po ang sasakyan. Tsaka, nasa baba din po si Mr. Alvarez. Mukhang gusto niya rin po kayong samahan.” Sambit ulit ni Ria.

“Sige Ria, pakisabi pababa na ako.” Sagot ko naman.

“Okay po Ma’am.”

Pupuntahan ko si Tres ngayon. Kahit alam kong imposible pa ring siya ang nakahimlay sa sementeryo ngayon, wala namang ibang lugar na pwede kong puntahan. Ilang buwan ko din siyang hindi nadalaw. Galit na galit na siguro sa akin yun ngayon.

Ngayon gusto kong bumawi, pupuntahan ko siya kung nasaan nanahimik na siya. Pero paano kung totoo ang haka haka ko.

Paano kung buhay naman talaga si Tres? Paano kung hindi naman talaga niya ako iniwan? Paano kung pinagmamasdan niya ako sa malayo?

Sana totoo ang lahat ng mga ‘paano kung’ na yan. Sana buhay ka nalang Tres.

“Grabe! Akala ko naman may itatagal ka pa! Naiinip kami ng baby ko sa ginagawa mo.” Reklamo naman nitong si Reiji.

“Hoy Hapon! For your information, di ko dinedemand na samahan mo ako. Di ko hiningi sayo pero kusang binigay mo kaya wala kang karapatang magreklamo. Kung nung una palang, labag sa loob mo na samahan ako, umalis ka nalang kaysa panay ang reklamo mo sakin.” Bulyaw ko naman sa kanya.

“Wow! Galit agad. Halika na nga dito. Ang aga aga ang init init ng ulo mo. Hina-high blood ka nanaman. Sorry naman.” Sambit naman niya.

Inirapan ko nalang siya at umiling iling lang naman siya. Dumiretso ako sa sasakyan ko pero pinigil ako ni Reiji at pinasakay nalang niya ako sa sasakyan niya.

She's My Queen: The Interchanged DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon