#16: Dim Lights

62 1 0
                                    

Enjoy Reading!
××××××××××××

|APRIL’S POV|

Mahal kong April,

Marahil ngayong binabasa mo na ang sulat ko para sayo ay wala na ako. Ayaw ko sanang magsulat ng ganito kaya lang hindi kasi tiyak kung makakapagpaalam pa ako sayo. Kung binabasa mo man ito ngayon, patawad kung naging ganito lang ang pamamaalam ko sayo. Hindi ko ginustong mangyari ito, hindi ko ginustong mapalayo sayo. Pero kung ang pagkawala ko ang maglalayo sayo sa kapahamakan….April…

Gagawin ko ang lahat para sayo. Kahit buhay ko man ang magiging kapalit.

Patawarin mo ako asawa ko kung marami akong pangakong nabigo para sayo. Marami akong naging pagkukulang para sayo. Yung kasal natin, yung bubuoin nating pamilya at mga pangarap na itatayo natin. Patawad kung lahat ng yun ay mawawala nalang nang parang bula.

Alam ko na ang lahat ng mangyayari April. At kilala ko kung sino ang nasa likod ng lahat ng ito. At base sa pagkakakilala ko sa kanila, hindi ikaw ang puntirya nila. Ako ang gusto nilang makuha. Patawad kung hindi ako agad nakalabas nang sasakyan. Alam kong may bomba ang sasakyan mo. Hindi ko kakayanin kung ikaw ang mapapahamak asawa ko…

Kung binabasa mo man ito, please wag kang umiyak. Kasi kahit wala na ako sa tabi mo, hindi mo man ako makita physically, kahit anong mangyari tanging sa puso mo lang ako nakatira. Hindi ako mawawala diyan at hindi ako aalis sa tahanang binigay mo para sa akin.

Alam kong hindi pa ito ang huli April. Alam kong darating ang araw na magkikita tayong muli. At kahit saan o kahit kailan man ang pagkakataong iyon, darating ako at mag-aantay ako.

At sa pagkakataong iyon, wala ng hahadlang sa ating kaligayahan. Malaya na kitang mayayakap, mahahalikan at makakasama magpakailanpaman. Habang buhay. Asahan mo April, na kahit wala na ako, hinding hindi ka mawawalan ng puwang sa puso’t buhay ko. Dahil ang pinakapinasasalamatan ko ay ang araw na nakilala kita at nakita ng buong mundo kung gaano kita kamahal.

Hanggang sa muli nating pagkikita…

Patuloy na nagmamahal,
Asawa mo, Tres

DALAWANG LINGGO na din ang nakakalipas simula nang mawala si Tres. Ayaw ko mang tanggapin dahil hindi ko kayang tanggapin na wala na talaga siya. Noong isang linggo, ibinurol na ang abo niya. Nakakatuwang isipin kasi nilibing siya kahit walang bangkay. Hindi pa rin ako naniniwala. Alam kong buhay siya dahil damang dama ko pa rin na nandiyan lang siya.

“April, dalawang linggo ka nang nagmumukmok dito anak. Hindi pa dito nagtatapos ang lahat. Hindi gugustuhin na makita kang miserable at umiiyak.” Sambit ni Nanay Weng habang haplos haplos pa din ang ulo ko.

“Anak, kahit ako nahihirapang tanggapin. Kasi masakit para sa isang magulang ang ilibing ang sariling anak. Pero anak, kahit gaano kahirap, alam kong gusto ni Tres na tayo’y magpatuloy. Walang pinagsisisihan si Tres, April. Lahat ng desisyon niya ay para sa ikabubuti natin. Para sa ikabubuti mo. Ganun ka niya kamahal. Na kahit buhay niya ay handa niyang ibigay para sayo. Kaya please, wag mo namang sayangin ang pagsakripisyo niya para sa kaligtasan mo.” Dagdag pa ni Nanay.

“Hindi ko na kasi alam kung paano pag magpatuloy. Kahit saan ako tumingin, si Tres lang ang nakikita ko. Hindi ko na alam kung paano bumangon ngayon ang mga paa ko ay binawi na sa akin. Sobra akong masasaktan Nay. Nahihirapan na ako. Kaya paano? Paano ko ito tatanggapin? Paano ako magpapatuloy?” sagot ko habang hindi pa din maawat ang pagtulo ng mga luha ko.

Dalawang linggo ko na ding paulit-ulit na binabasa ang sulat. At sa bawat araw na iyon, patuloy ding nagiging malinaw na wala na nga ang taong minahal ko. Wala na nga si Tres.

She's My Queen: The Interchanged DestinyWhere stories live. Discover now