#12: Sayonara, Iris

71 3 0
                                    

I want to dedicate this chapter to all those who loved Iris. Mamimiss po niya kayong lahat. Sa lahat ng nagmahal sa ReiRis, sorry and the best is yet to come ang masasabi ko.

Enjoy Reading!
××××××××××××

|APRIL’S POV|

DAHIL NA din siguro sa pagkataranta ko, hindi na ako nagdalawang isip na sundan si Joaquin. Napapaano ba siya? Bakit parang sobrang kabado naman ata niya. Tapos ang pawis pawis pa niya, ang lagkit tuloy niyang tignan. Pero ewan ko ba, dulot na din siguro ng mga nangyayari ngayon, bigla nalang akong kinabahan. Hindi pa rin talaga siguro ako mulat sa mga nangyayari.

I can’t believe everything.

Parang sinusubok kami ng isang malaking trahedya. Isang malaki at mabigat na disaster. Sobrang nakakatakot at nakakakilabot ng pangyayaring ito. Naiiyak ako na ewan.

“Joaquin, ano ba talaga ang nangyari kay Tres? Wag mo naman akong pakabahin oh.” Utas ko naman sa kanya habang tumatakbo pa din.

“Ligtas naman siya. Pero may maliit lang na nangyari sa kanya.” Sagot naman ni Joaquin.

“Ha? Anong nangyari sa kanya?” tanong ko ulit.

Hindi naman na ako sinagot ni Joaquin. Feel ko tuloy nakukulitan na siya sa akin. Feel ko na din tuloy na konti nalang isusumbat na sa akin ni Joaquin na, Bat kasi di ka mag-antay total pupuntahan na din naman natin siya. Hmmpp!

Gusto kong huminga ng maluwag nang sabihin ni Joaquin na ligtas naman daw si Tres. Pero ewan ko, bigla ding nanikip ang loob ko nang sabihin niyang may maliit na nangyari kay Tres. Maliit man o malaki, isa pa din ang conclusion nun.

May nangyari kay Tres! Waaahhh! Di ko kakayanin to.

May nangyari na nga kay Iris na bestfriend ko. Tas hindi ko pa alam ang latest chika tungkol sa kanya. Ngayon naman, ibabalita sa akin ni Joaquin na may nangyaring hindi maganda kay Tres?

What is really happening?!

Pero nahihiwagaan ako sa mga sunod sunod na nangyayari. May nangyari at may nangyayari. Hindi kaya mas tamang itanong ko sa sarili ko na…

What will happen next?

“Nandito na tayo.” Sabi ni Joaquin at huminto kami sa tapat ng emergency room.

Dali dali ko namang tinakbo yun at hinanap agad ng mata ko si Tres. Hindi rin naman nagtagal at natagpuan din siya ng soyaling instinct ko. Pero bigla din akong nag-alala nang makita ang kondisyon niya. Ginagamot siya ngayon ng nurse dahil may malaki siyang sugat sa may braso niya.

Kurutin ko pa kaya yan! Di nanaman niya iningatan ang sarili niya!

Agad ko naman siyang nilapitan at nang magtama ang mata namin, bigla siyang napangiti. Hindi na rin naman ako nagsalita at niyakap ko nalang din siya ng mahigpit.

“Pinag-alala mo nanaman ako. Ano bang nangyari?” tanong ko sa kanya habang nakayakap pa din.

“Ayos lang ako---”

“Hindi ka ayos! May sugat yang braso mo! Paano ka magiging ayos kung may nangyaring hindi maganda sayo!” pagputol ko naman sa sasabihin niya. Hilig magsabi ng mga tao ngayon na ayos lang ako  kahit ang totoo sobra naman silang nasasaktan.

Ang ganda mo.”

Napakunot naman ako sa sinabi niya. At saang lupalop naman ng mundo niya nakuha ang sagot na yan? Kahit saang anggulo ko tignan, hindi konektado ang sinabi niya sa sermon ko.

Huh?

“Ano bang sinasabi mo? I’m serious here Tres. Nag-aalala ako sayo tapos---”

“Ang ganda mo pala pag nanenermon.” Huminto naman siya para yakapin ako pabalik. “Sorry na asawa ko kung napag-alala kita. Malayo naman sa bituka eh.” Sabi niya habang nanlalambing pa.

She's My Queen: The Interchanged DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon